CHAPTER 96 ------------------------------ GWEN POV ------------------------------- "Pero ofcourse biro lang naman iyon ni Ron so tingin ko, in-assume naman ng lahat na hindi iyon totoo," dagadag pa ni Roxanne na dudang nakatingin sa akin. "Hindi nga ba totoo aber?" Natatawang biro pa nya. "Ofcourse! Hindi iyon totoo!" Pagsisinungaling ko. Nung mga oras na to ay isinumpa ko na patay talaga sa akin yang Ron na yan pagnakita ko sya. Hindi na nya ko binigyan ng kahihiyan at sinira pa pala nya ko sa harap ng kaibigan at mga empleyado namin. "Isa pa, isipin nyo naman. Bakit ko naman makakasama yung si architect Miguel eh hindi naman kami close!" Depensa ko pa. Pagkasabi ko non ay biglang iniluwa ng bintuan si Ron kasunod yung isang kasama nya. Binati pa nga nila kami as if wala syang gi

