CHAPTER 122 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ Lalo pa ngang nadaragdagan ang kalungkutan ko dahil naiisip ko na kawawa naman ang anak ko. Katulad ko ay lalaki syang walang kinikilalang ibang pamilya. Masakit mang isipin ay yon ang katotohanan. "Di bale anak, nandito naman ako para sayo," Pinunasan ko ang mga luhang sumungaw sa mga mata ko at pinilit kong maging okay. "Aalagaan kita at ako nalang ang makaka bonding mo hanggang sa pagtanda mo. Ititigil na rin ni mommy ang pagpunta sa mga bar kahit lumaki ka pa. Minsan pwede din naman akong pumunta pag pwede ka na," natatawang sabi ko pa. Basta para akong bruha na kinausap ko yung baby ko na kunyari ay naiintindihan na nya ako. Pagtingin ko sa wall clock ay nakita ko na ala una na pala ng hapon.

