CHAPTER 94 --------------------------- GWEN POV ------------------------------- "Hey sandali lang! Gwen please!" Narinig kong sabi nya sabay pigil ng pintuan na pasara. Pagkakita ko kasi sa kanya ay nagulat ako kaya initial reaction ko ay isara nalang yung pintuan para maiwasan ko sya. "Anong sandali ka diyan! Ayoko ng bisita kaya please umalis ka na! Bakit ba kasi nandito ka?" Angal ko sa kanya habang pilit ko pa ring isinasara yung pintuan. "Pwede ba tayong mag usap? May sasabihin ako," sabi nya na nakaharang pa rin yung kamay sa pintuan. Siguro ay inaalalayan lang nya iyon. Alam ko naman na kung gusto nyang pwersahing pumasok ay magagawa nya. "Wala naman tayong pag uusapan. So please umalis ka na. I have enough for today. Pagod ako Ron, kaya gusto ko na talagang magpahinga," pa

