Chapter 51

2204 Words

CHAPTER 51 ---------------- GWEN POV ---------------- Hindi man magsalita si Ren Ren ay alam ko na ganon din ang iniisip nya. "Nandiyan na ang kuya Ron nyo may kasama na kayo dito. Tsaka may kailangan pa akong kunin sa school," nakangiting alibi ko. "Sa susunod na punta ko maglaro nalang tayo ha. Pakabait kayo," bilin ko pa. Bago ako lumabas ng kwarto nila ay pareho ko pa silang hinimas sa mga ulo nila. "Gwen mag usap muna tayo," seryosong sabi sa akin ni Ron nung makasalubong ko sya sa hagdanan nila. Pinigilan pa nga nya ko sa braso ko dahil wala talaga akong balak na huminto. "Kailangan kong bumalik sa school kaya aalis na ko," nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko sya nagawang sungitan dahil nakatanaw sa amin si Rap Rap at si Romeo. "Ron please," mahinang sabi ko sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD