CHAPTER 129 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ Nung magising ang diwa ko ay parang naririnig ko ang boses ni Gwen. Dahil sa hindi ko maidilat agad ang mga mata ko dala ng nakakasilaw na liwanag ay nanatili akong nakapikit. Hindi ko alam kung anong nangyayari at nasaan ako. Ang alam ko ay nawalan na ako ng malay dahil hilong hilo ko. Nung marinig ko na muling nagsalita si Gwen ay nakumpirma ko na kasama ko na sya. Hindi ko alam kung ano yung bigla kong naramdaman. Parang kalahati agad ng mabigat na dinadala ko sa buhay ay parang gumaan sa ideya ko na yon. "Sinira ko sya sa sarili kong isipan kaya nagawa ko syang saktan! Kung hindi sana ako naging madalos dalos ng desisyon! Kung hindi ko sana kayo pinag isipan ng masama baka okay pa ang lahat! Na

