CHAPTER 117 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ Lalayasan ko na naman kasi sya kaya desperado na nya akong pinigilan. "Alam ko gusto mo rin ako tulad ng pagkagusto ko sayo. Nararamdam ko yon Roxanne, nararamdaman ko yon!" Giit nya tapos ay pilit nya akong tinitigan. Na parang doon ay malalaman nya kung ano man ang totoo kong nararamdaman. "Yung nangyari sa atin kahapon? Bali wala lang ba sayo yon ha?" Sita pa nya sa akin. Nung salubungin ko ang mga titig nya ay nabasa ko don ang labis na hinampo. "Gusto mo ba talaga ko?" Seryosong tanong ko sa kanya. "Pano kung sabihin ko sayo na hindi ako pumunta dito bilang bisita? Na hindi ko bibilin ang lugar na to dahil ibibigay sa akin to pag nagustuhan ko. Paano kung malaman mo na kabit ako ng amo nyo? Ka

