CHAPTER 80 --------------- GWEN POV --------------- Mahal ko si ate Gigi. Kaya ganon nalang ang hinagpis ko nung bigla din syang nawala after ng pagkasunog ng bahay namin. Sa tulong ng boyfriend ni Roxanne na mayaman ay na trace ang kinaroroonan ni ate Gigi isang buwan matapos ang araw ng pagkawala nya. Natagpuan sya sa isang bahay aliwan sa Maynila bagay na sobrang nakakapagtaka. Doon ay dumanas sya ng mga bagay na nakaka trauma kung kaya't mabilis na bumigay ang isip nya. Idagdag pa nga ang mga suliranin na pinagdaanan namin dahil sa mga kasalanang nagawa ko. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit naging ganito ang kalagayan ni ate Gigi. Durog na durog ang puso ko habang wala akong choice kundi ang dalhin sya sa hospital ng mga baliw. Alinsunod iyon sa payo ng doctor dahil kung hindi

