Sabado ngayon. Dahil wala akong trabaho pinagdiskatahan ko na lang ang maglinis ng buong bahay. Nakakapagtaka dahil hindi rin pumasok sa trabaho si Emmanuel. Ayaw nga niyang ma late tapos absent siya ngayon. Ang pagkaka-alam ko ang Shopping Mall lang ang hinahawakan niya at ‘yong DZM Corporation ay hindi pa niya iyon tinanggap ng tuluyan sa ama niya. Kaya si Sir David parin ang may ari ng kompanya na iyon. December 20. Apat na araw nalang at pasko na. Unang pasko na hindi buo ang aking pamilya. Unang pasko na hindi ko alam kung sino ang makakasama ko. Ayoko nang umasa na makasama ko si Emmanuel sa araw na iyon, masaktan lang ako kung paniwalain ko ang sarili ko na siya ang makasama ko sa araw na iyon. Tapos ko ng linisin ang loob ng bahay. Tanghali na at kailangan ko pa magluto. Si Emma

