Chapter 9

1880 Words

Nahihiya na ngumiti ako kay Bethany na hanggang ngayon ay tulala parin. Nasa harap ng counter lang ako nakatingin, umiiwas sa mapanusok na tingin ng mga empleyado. Sa ilalim ng nakayuko kong ulo sinamaan ko ng tingin si Emmanuel. Natutuwa ako na sinabi niya sa publiko na asawa niya ako pero hindi niya ba naisip na baka pag piyestahan ako ng mga tao lalo na ang media kapag nalaman nila ito? Oh my god! Hindi ko maisip kung sakaling mangyari man ito. Ginulo ko ang buhay ni Emmanuel ayoko nang dagdagan pa iyon lalo na at hindi maganda ang background status ko. Ayoko ma ungkat ang tungkol sa pamilya namin lalo na ang pagkamatay ni mama. Masakit parin sa akin ang nangyari at hanggang ngayon hindi parin iyon nabigyan ng hustisya. Hindi bale na ako ang mapahiya huwag lang madamay si Emmanuel. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD