Chapter 2

2210 Words
Amara POV "Psst! Ganda halika sumama ka sa amin may pupuntahan tayo tiyak na mag eenjoy at gugustuhin mo iyon.." pagsisitsit sa akin nitong panot na lalaking ito o mas mabuti pang sabihin na pagka catcall sa akin ng walang modong lalaking ito. Kahit saan talagang lugar may ganitong walang modo at bastos na nilalang. Noong una ay hindi ko lang pipansin pero ng ilang beses na niya na akong tinawag sa hindi magaganda at malalaswang salita ay hindi na ako nakapag timpi pa at kinuha ko na ang batong nandito sa itim kong tote bag. Agad kong binato ang sasakyan nito. Nasapul at nabasag ang salamin ng sasakyan nito bagaman natatakot ako pero grabe naman kasi ang lumalabas sa malaswa niyang bibig buti nga hindi bibig niya ang sinapul ko nitong bato. Kung anong ikingara at kinaganda ng sasakyan nito ay siya namang kinapangit at kinababoy ng itsura at pag-uugali niya. Walang hiya at modong lalaki siya. Ilang mura pa ang pinakawalan ng walang modong bibig nito bago nito napagtanto na binasag ko ang salamin ng sasakyan niya. "Hay*p kang babae ka, humanda ka sa akin." Gigil at galit na galit na sabi nito sa akin. "Siraulo bagay lang yan sayo. Pangit ka na nga ang bastos pa ng bunganga mo." bwelta ko sakanya at agad na kumaripas ng takbo hindi niya na ako naabutan dahil sanay na sanay na ako sa takbuhang ganito. Hindi niya alam na habang hinahabol niya ako yung naiwan niyang sasakyan na ipinark niya pa talaga sa tagong lugar ay sasalisihan na grupo ni Benjo. Alam kong mali itong ginagawa ko pero kung hindi ko naman ipapain ang sarili ko dito tiyak na ako naman ang aagrabyaduhin at pag iinitan ng grupo nila Pancho, crush ako niyang si Pancho hindi ko lang din sya crush buti na nga lang hindi ako pinilit na icrushback siya. Kilalang-kilala sila sa mga pag nanakaw at pananakit nila dito sa kalsadang ito. Kumbaga sila ang kilabot ng kalsada dos uno. Sa sobrang bilis kong tumakbo hindi na ako inabutan pa ng lalaking humahabol sa akin. Pulubi ako pero hindi ako snatcher o magnanakaw sadyang nasanay lang talaga ako sa mabilisang takbuhan portion sa kalsada lalo pa at kabisado ko na ang pasikot sikot dito sa tagal ko ba namang naninirahan at nagpalanoy sa kalsada. Lahat ng iskinita at lugar dito alam ko kung saan ako lulusot. Noong bata pa kasi ako ay nasanay na ako sa ganitong kalakaran. Nabuhay na nga lang ng walang bahay na tinitirhan naging panangga ko sa ulan ang ilalim ng tulay. Umaraw man o uminit ito na ang naging kanlungan ko. Mahirap talagang maging mahirap kaya dapat talaga bago bumuo ng bata ay dapat pag isipang mabuti kasi masyadong malupit ang mundo walang sinasanto. Naupo ako dito sa ilalim ng tulay malapit sa may katubigan gabi na rin pala malamig na ang simoy ng hangin pero amoy ko pa rin ang usok galing sa sasakyan ang ingay na galing itaas. Siguro mga sampung taong gulang lang ako ng maging palaboy ako dito sa kalsada. Medyo malabo na rin ang alaala ko pero alam ko may kasama ako nun tapos iniwan nalang ako mag-isa dito. Wala akong ginawa nun kundi ang umiyak ng umiyak. Nagugutom sa isang tabi naghihintay na balikan ng nang iwan sa akin. Napaiyak nalang ulit ako ng maalala ko na iniwan nga pala ako ng sarili kong nanay dito. Sa lahat ng tao siya pa ang nang iwan at nang abandona sa akin. Iyong nanay ko na dapat kakalinga at magmamahal sa akin pero wala binigo niya rin ako dahil ilang taon na ang lumilipas pero hindi niya pa rin ako binabalikan. Namuhay ako ng walang nanay at sarili lang tagapagtanggol at kaagapay. Kasagsagan nun ng pasko maraming tao sa kalye busy ang lahat maliwanag at makulay ang buong paligid. Masasaya ang mukha ng mga tao sa paligid at maingay din. Ilang lingon at hanap ako nun sa nanay ko pero hindi ko siya nakita nagpanic ako nun at natakot dahil anong magagawa ko bilang isang bata na nag-iisa ngayon sa kalsada. Iniwan niya ako dito sabagay hindi niya nga pala ako mahal at puro pangmamaltrato ang ginawa niya sa akin, pero kahit ganun siya mahal ko pa rin siya. May isang pagkakataon nga naalala ko na hindi niya ako pinakain ng tatlong araw dahil nagalit siya sa akin dahil habang natutulog ako napaihi ako sa kama musmos at bata pa ako noon, hindi kinaya ng pantog ko. Sa sobrang galit niya sa akin ang parusang binigay niya ay wag akong pakainin. Ni tubig ayaw niya akong bigyan kinandado niya pa nga ang ref at pinapatay niya ang gasulina kaya ang ginawa ko para makasurvive ako ay uminom ng tubig galing sa gripo ng kwarto na pinag iwanan niya sa akin. Nanghihina na ako nun sa gutom pero tiniis ko kasi mahal ko ang nanay ko na inintindi ko nalang na hindi niya ako pinakain kasi may kasalanan ako. Lagi niya rin na kinakandado ang kwarto at buong bahay kapag lalabas siya siguro ay takot siyang makita ako ng kapitbahay namin. Konting pagkakamali ko lang sakanya kurot at pananakit ang nararanasan ko. Habang inaalala ko ang mga ito sumasakit ang puso ko kasi kahit ilang taon na ang lumipas masakit pa rin pala talaga kahit alaala nalang ang mga ito. Noong mga panahong naiwan akong nag-iisa sa kalsada may nag magandang loob na tulungan ako noon at dinala sa presinto para tulungan akong hanapin ang nanay ko pero walang ni isang dumating, umaasa akong meron at babalikan ako pero walang nangyaring ganun na kahit na sinasaktan ako ng nanay ko umaasa pa rin ako na kukunin at babalikan niya ako. Hanggang sa marinig ko na dadalhin daw ako sa DSWD para doon muna mamalagi, sobrang takot at pangamba ang naramdaman ko nun kasi may parte sa akin na umaasa na babalikan ako ng nanay ko kung saan niya ako iniwan pero paano niya ako mababalikan kung nasa DSWD na ako. "Kawawa naman yung bata mukhang iniwang sadya sa lansangan." narinig kong bulangan ng mga unipormadong pulis, masakit na marinig yun na manggaling sakanila. "Mukhang ngang may lahi pa yung bata baka nabuntis ang nanay niyan ng isang foreigner at baka nagtatrabaho din dun sa bahay aliwan." sulsol pa noong janitor nasasaktan ako sa mapanghusgang mga salitang sinasabi nila dahil gaano pa man siya kasama wala silang karapatan na sabihin ang mga masasakit na salitang ito. Gusto ko mang sumabat sa usapan nila at ipagtanggol ang nanay ko na ng iwan sa akin ay hindi ko na ginawa mas inuna ko nalang na tumakas bago pa dumating ang DSWD staff para kunin ako ang nasa isip ko lang ay makatakat at makalayo sa lahat ng ito. Sumakay ako ng jeep nun walang pamasahe at madungis buti nalang ay may aleng mabait na nagbayad ng pamasahe ko at binigyan ako ng 100 pesos. Tyaka iniwan ako gusto ko sanang sumama sakanya pero hindi ko naman siya kilala at delikado iyon. "Ineng mag-iingat ka dito sa Maynila, mauuna na ako sayo." sabi nito sa akin. "Salamat po Lola." sagot ko naman sakanya. Sa mundo palang ito na kahit gaano kalupit at kagulo may mabuting tao pa rin talaga na makakasalamuha tayo at ipinagpapasalamat ko na nakilala ko iyong Aleng mabait. Lumipas na nga ang mga araw, buwan at taon wala pa ring naghahanap sa akin, walang nanay akong bumalik para kunin ako. Naging palaboy at pulubi ako sa kalsada. Sa umaga'y nasa palengke ako para tumulong sa paglilinis ng mga isda minsan ay binibigyan ako ng ale doon ng 50 pesos sa gabi naman ay namamalimos ako para may pantawid at pandagdag sa pangkain ko. Sa panlilimos ko minsan ay may mabait minsan naman ay may salabahe. Sa halos 13 taon ko na dito sa kalsada pinatapang at pinatagtag na ako nito. Isinaisip at isinapuso ko na kahit mag-isa nalang ako sa mundong ito dapat maging matatag, matapang at matalino ako para sa sarili ko. Sumabay ako sa agos ng hirap ng buhay. Binuhay ko ang sarili ko, ang sarili ko na siyang tanging kakampi at kasangga ko. Sinubukan kong pumasok ng elementarya at sa awa ng Diyos ay nakapagtapos ako ng grade 6. Mabuti nalang ay mga mabait akong guro na nag sponsor sa mga gagamitin ko sa eskwela. Hindi pa rin ako pinapabayaan ng Panginoon at ipinagpapasalamat ko iyon. Naging kanlungan at tahanan ko rin ang paaralang elementarya na pinasukan ko dahil pinayagan ako ng mga namumuno doon na dun muna ako matulog kapag gabi na. May ilang kaklase ako na binully ako dahil wala akong tirahan pero mas marami naman ang nagmahal sa akin. Sobrang sinipagan ko sa pag-aaral naging active din ako pag may mga recitation. Madalas din akong gawing muse sa klase namin at kahit nahihiya ako tinanggap ko dahil sponsor naman nila ang mga gagamitin ko bilang pasasalamat sa mga guro at kaklase ko ay pinaghuhusayan ko at hindi ko naman sila nabigo dahil naipapanalo ko ang mga laban na iyon. Hindi ako nagkaroon ng best friend sa paaralan nun bagaman alam kong mabait sila sa akin hindi pa rin nawawala ang pangunguya nila dahil isa akong pulubi. May mababait akong guro na nagpapatulong sa akin sa pagchecheck ng mga testpapers at binibigyan ako ng meryenda kapalit ng tulong ko nahihiya man akong tanggapin ang meryendang laan para sakin tinatanggap ko kasi panlaman din iyon sa nagugutom kong sikmura. May mga kaklase ako na hinahatian ako sa baon nila minsan naluluha ako dahil gusto ko ring maranasan na may baon na gawa ng nanay ko pero hanggang pangarap nalang ang lahat ng iyon. Pag may family day noon sa eskwela nakikitanaw lang ako sa mga pamilyang nag eenjoy. Humiling pa nga sa Panginoon na sana maranasan ko din na may magulang na pupunta para sa family day, pero walang dumating. Pag aakyat ako ng stage pag may achievements ako naiingit ako kasi may magulang silang nandyan para sakanila buti nalamang kahit wala ako kasamang pamilya ay mga mababait akong guro na umaakyat para sa akin para sabitan ako ng medalya. Hindi ako ang pinakamatalino sa klase pero nasasama naman ako sa may mga award at honor. Marami na ang nag alok sa akin na akin na aampunin nila ako pero hindi ko magawang sumagot ng ng oo dahil natatakot ako na maging pabigat at natatakot ako na baka magsawa rin sila sa akin at iwan, iligaw at at abandunahin muli. Hindi ko na kakayanin pa ang ganung sakit. Noong nag highschool na ako sa pampublikong paaralan naging mas mahirap para sa akin dahil naging mas magastos na hindi na sumasapat ang kita ko sa palengke at ang panglilimos ko ay tinigil ko na rin dahil madalas ay nababastos lang ako ng mga tao, minsan na nga akong nahipuan ng isang lalaking lasing noon sa sobrang takot ko ay hindi na ulit ako gumawi sa lugar na iyon kung saan ako namamalimos sa takot na baka makita ko ulit ang walang hiya at walang modong bastos na lalaking iyon. Isang uniporme ang naipundar ko noon sa highschool nilalabhan ko rin iyon pagkauwi para magamit ko kinabukasan buti nalamang talaga at mahangin sa labas kaya mabilis matuyo. Iyong mga notebook ko ang iba ay sponsor ng mababait kong guro at kaklase. Minsan naman kapag patapos na ang isang grade level ay hinihingi ko sa mga kaklase ko yung mga notebook nilang hindi na gagamitin tapos pagsasama-samahin ko yung mga page na pwede pang sulatan para sa susunod na pasukan magamit ko ang mga iyon. Minsan nagpapabayad din ako sa mga kaklase ko halimbawa pag magpapasulat sila sa notebooks nila o di kaya pag may ipapabili sila sa canteen. Nakasurvive din ako sa highschool dahil sa mga ganun. Tapos pag may mga alam silang raket sinasabihan ako ng mga kaklase ko, naranasan ko na ding maging tagabalat at taga linis ng luya at sibuyas. Marami na akong naging raket matustusan ko lang ang pag-aaral ko. . Noong minsan pa nga ay may nag alok sa aking babae na ipapasok niya daw ako sa trabaho pero agad akong umatras ng malaman na hindi ito para sa akin. Aba'y inalok ba naman ako sa bahay aliwan. Nakita ko palang ang labas ng imprastraktura nito ay agad na akong kumaripas ng takbo. Abo't abot ang kaba at takot ko nun. Hindi ko hinuhusgahan ang mga taong naroon pero hindi ko lang kayang gawin ang nais nila. Sinigawan pa nga niya ako ng "Sayang yang lahi mong foreigner mo magiging mabenta ka." bago ito ngumisi at tiningnan ang katawan ko, nangilabot ako sa klase ng pagkakatitig niya. Kahit naman mahirap ako ay hindi kailanman pumasok sa isipan ko na ipagkanulo ang sarili ko para sa pera. Naging triple ang pag-iingat ko noon dahil habang nagdadalaga ako ay mas lalo akong nagiging lapitin ng disgrasya. Sa awa ng Diyos ay nakapag tapos ako ng 4th year high school pero hindi ko naipagpatuloy sa kolehiyo dahil hindi na kakayanin pa. Pinagdarasal ko talaga sa Panginoon na sana isang araw hindi na ako maghirap ng ganito. Sana gumising ako isang araw na hindi na ako pulubi. Pero bago mangyari kailangan kong maging masipag, matiyaga at madiskarte dahil ang panalangin na walang aksyon ay walang darating na solusyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD