Amara POV Nakauwi na kami ni Luther sa mahabang pag-iikot at paglalakad namin para mamili ng mga kakailanganin ko sa paaralan hindi pa rin talaga ako makapaniwala na maipagpapatuloy ko na yung pag-aaral ko sa kolehiyo. Naging maayos at malago na rin talaga ang negosyo naming kariderya. Sa isang semi-private na kolehiyo ako inenroll ni Luther at sobrang saya ko kasi naman yung kursong gusto ko at pangarapap ko ang kukunin ko. Nakakabili na din kami paunti-unti ni Luther ng mga kagamitan dito sa kwartong inuupahan namin. Kung dati ay sa sahig siya natutulog at ako naman sa de kahoy na sofa ngayon ay nakabili na kami ng double deck na higaan sabi niya mas okay daw iyon habang hindi pa kami ikinakasal. So sobrang conservative ni Luther lalo akong humahanga at nahuhulog sakanya. Nung nabang

