MAS LALONG dumilim ang anyo ni Mendra na nakatingin sa kanya. Sa labis na galit, pagkaimbot at pagkasuklam sa puso ni Menendra para sa lahat ay nangingibabaw na ang kadiliman at wala ng kahit anong kapangyarihang makatatalo rito maliban sa kanya. Dahil siya ang naging dahilan ng kasamaan nito at siya rin ang tiyak na magiging kahinaan nito. “Masdan mo ang resulta ng iyong kapalaluan, mahal na reha!” Puno ng luha ang mga mata ni Chrysiana na ipinaglalakbay ang mga mata. Maraming mga kapwa diwatano ang namatay. Ang mga hayop, halaman at mga punong kahoy ay namatay na rin. Ito nga ba ang resulta ng pagiging makasarili niya? Masama na bang unahin ang sariling kaligayahan upang ito ang maging kapalit ng lahat? Sabog sa ere ang umaalon at itim na itim na buhok ni Menendra habang nakapalibot

