NANG matiyak ni Sendro na wala na sila sa paningin ni Menendra ay sinamantala na niyang maghanap ng lugar na pagdadalhan sa bata. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglakad-takbo. Bahala na kung saan dalhin ang mga paa. Matiyak lamang na ligtas ang kanyang huling salin-lahi. Hindi papayag si Sendro na may buhay na naman ang mabuwis. At ang masama pa ay ang huling-lahi niya. Masyado pang paslit ang kanyang apo upang bawian ng buhay dahil sa kasakiman ni Menendra. Lakad-takbo si Sendro nang marating ang sa tingin niya ay mukhang palasyo. Ito ang unang beses na narating ni Sendro ang mundo ng mga mortal kaya hindi niya gaanong alam ang mga pangalan o term ng mga ito. Inakala ni Sendro na palasyo ang isang establisyemento. Kinatok ni Sendro ang salaming pintuan. Hindi niya alam kung ano ang panaho

