STELLA POV "Sus, madali lang bagay na 'yan, matulog ka na kung gusto mo. Bukas na bukas, maaga kang gumising para paghandaan ako ng pagkain bukas." Hays, wala na ata akong magagawa. Manhid talaga si Tyler, pumasok ako sa kwarto ko at nakatanggap na naman ako ng text kay Madam. "Oh ano Stella? Gumagawa na ba kayo ng baby? Enjoyin niyo 'yan ha! Bukas na bukas, susunduin kayo ng driver ko papunta sa Japan. Dapat ready ka na." Hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kanya, o dapat ko ba siyang replyan. Meanwhile, nag chat din pala sa akin ang mama ko. "Anak, don't feel pressured. Alam ko na gusto na ng nanay ni Tyler na magkaroon ka ng anak pero wag mo siyang papansinin. Katawan mo 'yan at dapat ikaw ang masunod." "Opo ma," sagot ko, hanggang ngayon hindi ko pa kasi sinasabi ang toto

