STELLA POV Nag madali akong lumabas at itinago ko ang lungkot ko sa isang maaliwalas na ngiti kay Tyler na seryosong naka tingin sa akin. "Sino ang kausap mo?" pag uulit niya ng tanong sa akin. "Si Mama, nangangamusta lang siya," pag sisinungaling ko. Sinaluhan ko na sa pagkain si Tyler at wala na itong naging imik pa sa akin. 8 am nag punta kaming dalawa sa isang cemetery at naglakad patungo sa puntod ng dati niyang asawa. Lumuhod siya sa puntod nito at sa unang pagkakataon, ang sobrang manhid kong boss, umiyak sa harapan ng punto ng kanyang asawa. I guess, lahat talaga ng tao ay mayroong kahinaan. At hindi exempted dito maging si Tyler na isang cold hearted man. Saktong bumuhos ang malakas na ulan sa kalangitan, mabuti na lamang at mayroon akong dalang payong para sa aming dal

