Jealous

2204 Words
Nagising ako na parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Ayaw ko pa sanang bumangon pero may kailangan akong asikasuhin n'gayon araw na ito. Bumangon ako, saka nagtuloy sa toilet habang naliligo bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Dior. Matapos n'ya akong sampalin hinabol ko pa s'ya. Gusto ko s'yang yakapin sana, habang umiiyak pero wala akong lakas ng loob. Kitang kita ko ang sakit at galit na nararamdaman nito. Sobra ko s'yang namiss gusto ko s'yang sugurin ng yakap at sabihin sa kanya na nagbalik na ako. Pwede ko nang tuparin ang pangako ko sa kanya pero iba ang nakita ko sa mga mata n'ya. Parang hindi s'ya masaya na makita ako. Kay tagal kong pinangarap na makasama s'ya pero lahat ng ito parang impossible na. Hindi ganito ang naiisip ko noon na eksena pagnakita kami. Pero dahil kay Dad nasira ang lahat. Naihilamos ko pa ang palad ko sa mukha. Mas lalong gumanda si Dior, kahit umiiyak ito kagabi hindi man lang nabawasan ang angkin nitong kagandahan. Maas malaya kong nakita ang kabuuan nito lalo na ang labi nito na tila kay sarap halikan. "Kurt Jimenez! Shut up." saway ko sa sarili bago pa ako makaramdam ng init. Dahil mukha pa lang ni Dior iba na agad ang dating sa akin. Mabilis kong tinapos ang paliligo ko. "Good morning, Abuela," bati ko dito nang makababa ako. "Kurt Jimenez! Anong naisip mo kagabi at nagpakalasing ka? Mabuti na lang tinulungan kami ng kaibigan mo. Anong nangyare?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Abuela. Nang tawagan ako ni Hayden kagabi at sinabi ko na nasa Pinas na ako. I asked him na pumunta rito. Sa dami kong nainom kagabi 'yon lang ang natandaan ko. "I'm sorry, Abuela namiss ko lang po ang alak." biro ko pa dito napailing na lang ito. "Ano pa nga ba! Hijo what happened to your face?" Tanong pa nito. Napahawak pa ako sa pisngi ko. "Nothing. Abuela," tumawa pa ako. "Wow! Ang sarap Abuela," sambit ko pa habang patuloy sa pagkain. "I, know namiss mo 'yan Apo," "Kurt..." tawag ni Abuela napatingin naman ako sa kanya. "Yes Abuela?" "May nakita ka bang magandang dilag kagabi?" Pangit-ngiti pa nitong tanong na para bang inaasar pa ako. "Abuela, ikaw lang ang magandang nakita ko kagabi." biro ko pa. "Bolero ka talagang bata ka!" Natawa pa si Abuela. Matapos ang masaganang agahan. Umalis na rin ako ng bahay para pumasok sa company. "Good morning sir," bungad ni Jelesa sa akin ng salubungin ako nito sa lobby. "Good morning Jelesa," "Sir all the reports na kailangan n'yo nasa table n'yo na." "Good! Thank you. What is my schedule for today?" Tanong ko sa kanya. "12:00 pm Meeting with HR department." "2:OO meeting outside with Mr.Guerero," "I, will tour you. Sir, sa buong department." That's all?" Tanong ko pa. "Yes sir," "Nag-cancelled si Mr. Amaro ng meeting today sir," Tumango lang ako. Sa daming report na kailangan kong pag aralan sumakit na ang ulo ko at batok sa ngalay. Idagdag pa ang hangover ko. Tumigil ako sa pagbabasa. Tinanggal ko ang reading glasses ko saka ako tumayo. Tumingin ako sa relo na suot ko. Alas tres na pala hindi pa ako nag-lunch. Kanina nagtanong si Jelesa kung magpapabili ako. Kape lang ang pinabili ko kaya naman medyo nakaramdam ako ng gutom. Nagtuloy ako sa pantry para tumingin ng pwedeng kainin. Cup noodles lang ang nakita ko. Kinuha ko na ito saka nilagyan ng hot water. Sa table ko na ito dinala para 'don ko kainin habang nagbabasa. Tumunog ang intercom ko. "Yes? Jelesa?" "Sir, Mr. Chairman, over the phone," magbibigay impormasyon ni Jelesa sa akin. "Okay. Thanks." saka ko pinatay. Upang sagutin ang tawag ni Dad. "Yes Mr. Chairman?" "How's the company now? What's new?" Tanong agad nito sa akin. "I'm looking for it Mr. Chairman, and I will give you an update." "Good! Don't embarrass me in front of them! Even though i'm not there i have an eyes, watch over you!" Mariin pang sambit ni Dad. Napapa iling na lang ako. Until now si Dad pa rin ang may hawak ng buhay ko. "Yes sir," walang emosyon ko pang sagot saka ko pinatay ang tawag nito. Napasandal pa ako sa swivel chair ko. Saka nag isip. "I need to fix it as soon as possible." sambit ko pa sa sarili. Tatlong mahinang katok ang nakapag paangat ng tingin ko. "Come in." "Sir, uwian na po." paalala pa ni Jelesa. "What!" Natawa pa ito dahil sa pagkagulat ko. "Yes sir, 5:00 pm na." "Oh!" Palatak ko. hindi ko napansin ang oras. "Sige, Jelesa you may go." "Salamat sir, bye." Nang makalabas si Jelesa nagpatuloy pa ako sa ginagawa kong report para bukas hindi ko na babalikan pa ito. "Alas siyete na nang magdecide akong lumabas ng building nasa labas na rin si Kuya Danny. "Good evening Sir Kurt," bati nito sa akin. "Good evening Kuya Danny," Nang makasakay ako ng kotse tinawagan ko si Hayden. 'Bro, dadaan ako d'yan saglit para makita ko ang restaurant," "Sige bro, 9:00 pm pa naman ang closing natin," sagot pa ni Hayden. "Bro bukas na lang ako makikipagkilala sa mga Chefs na'tin," "No problem bro, paano see you? Medyo busy ngayon sa kitchen," "Okay bro, bye." Si Hayden na rin ang nagbaba ng tawag namin. "Kuya Danny sa GRACE po muna tayo," "Areglado sir!" Sagot pa nito. Nang makarating ako sa GRACE agad akong pumasok sa loob restaurant. "Wow!" Sambit ko pa dala ng pagkamangha dahil sa interior nito. Visible ang kitchen nito kaya naman napapanuod ng diners kung paano niluluto ang orders nila. It makes them feel they are part of experience not merely a guest. "Sir Kurt?" Tanong ng receptionist. Dehl ang name nito base sa nabasa kong name plate n'ya. "Yes. I'm looking for Chef Hayden?" "Yes sir. Chef Hayden, is waiting for you upstairs follow me," Sumunod naman ako dito habang naglalakad napatingin ako sa mga Chef na busy sa kusina. May isang Chef ang umagaw ng atensyon ko. Kahit nakatalikod pa ito mapapansin mo talaga s'ya. Dahil sa sexy n'yang galaw na parang hindi naman nito sinasadya. Hindi ko napansin ang daan kaya naman may nakabanggaan ako. "Ops! I'm sorry." hinging paumanhin ko pa. "Ekey leng ser," sambit nang lalaking nakabangga ko. Isa rin s'yang Chef dito dahil sa suot n'ya ngayon at alam kong hindi s'ya straight na lalaki. I have nothing against them. Not a big deal. Nakita ko pa kung paano pinandilatan ni Dehl ito. Natawa pa ako dahil dito. "Sir..." tawag muli ni Dehl. "Yes. Let's go." Nang makarating sa taas agad akong sinalubong ni Hayden. "Bro," bati n'ya sa akin. "Bro," nagyakapan pa kaming dalawa. "Sorry, kagabi." natatawa ko pang sambit. Tumawa pa ito. Saka tinapik ang balikat ko. "No, probs bro. What do you think about the restaurant?" "Awesome! Bro," saad ko pa. "I, know right!" Mayabang pang sabi ni Hayden. Nagkatawanan pa kaming dalawa. Na-miss ko ko s'ya. Nag uuwian na ang mga staff ng restaurant nang bumaba ako. Naiwan naman si Hayden sa taas. Paglabas ng restaurant nadaanan pa ng sasakyan namin ang nabangga ko kanina. Pagdating ng mansyon sa kwarto ako nagtuloy para makaligo hindi na ako nag dinner. Nagpa akyat si Hayden kanina ng isa sa mga speciality ng restaurant. Pinagmamalaki n'ya pa na si Chef D, lang daw ang nakaka-perfect 'non. Iba talaga ang tama n'ya," sambit ko pa. Bumaba ako ng kusina para kumuha ng tubig. Naabutan ko pa si Ate Lyn at Ate Jo. "Good evening sir," sabay nilang bati sa akin. "Mga Ate, Kurt lang po." pagtatama ko pa sa kanilang dalawa. "Nagugutom ka ba? S- Kurt?" Tanong ni Ate Lyn sa akin. "Hindi Ate, kukuha lang ako ng tubig," Maya-maya pa tumayo si Ate Jo sabay abot sa akin ng apron na pinalabahan ko. May kakaiba pa silang tingin sa akin. Alam siguro nila na kay Dior ito. Ngumiti lang ako at tumango sa kanila. Bago lumabas ng kusina. Narinig ko pa ang impit nilang tili. Dinala ko sa kwarto ang bagong laba na apron. Pinakatitigan ko pa ito. "I am proud of you Dior," sambit ko pa. Nagising ako kinabukasan sa tunog ng alarm ko pipikit-pikit ko pa itong pinatay. Pupunta ako sa GRACE ngayon bago pumasok sa company. I am really excited to meet our Chefs there. Mabilis akong naligo saka bumaba naabutan ko pa si Abuela na nagdidilig ng bulaklak sa baba. "Good morning, Hijo. Mukhang nagmamadali ka?" "Good morning, Abuela," lumapit pa ako sa kanya para bigyan ito ng halik. "Yes! Abuela may dadaan muna ako. Bago ako pumasok sa company." "Hindi ka ba kakain muna?" "Hindi na Abuela," "Okay. Take care." "I, will bring you there. Abuela, this weekend. For sure matutuwa ka," Ngumiti lang ito saka muling nagpatuloy sa ginagawa nito. Nang makarating sa GRACE sa office nito ako nagtuloy. "Kurt. I, introduce you to the great and amazing Chefs, here in GRACE, Chef Kevs, Leyana, MD, Kristine and Lyn Joy. Luzminda our pastry Chef," tinuro pa nito isa isa. "Ang pinaka-spotlight ng kusina nga pala, si Emelda," Isa-isang pakilala ni Hayden sa mga tauhan ng restaurant namin. Kinamayan ko naman bawat isa. "Guys! Your handsome boss," turo pa sa akin ni Hayden. Natawa pa ako. "Hi Sir Kurt," sabay-sabay pa nilang bati sa akin. "Where is Chef D?" Tanong pa ni Hayden sa mga ito. "Chef Hayden, pumunta lang powder room saglit." sagot naman ni Kevs. "Bro, just a minute. I, will introduce you to her," nakangiti pa n'yang sambit. Tinignan ko naman si Hayden sa paraan na nagtatanong ako gamit ang mata. Tumango lang ito. Ngumisi pa ako sa kanya. Madalas kasing maikwento ni Hayden sa akin ang babaeng gusto n'ya. Excited na akong ipakilala si Dior kay Kurt. She's not only a Chef here but, also the girl who stole my heart since day one. "Sino kayang Chef ang bumihag sa puso ng kaibigan kong si Hayden?" Tanong ko pa sa sarili. "Hi everyone! Sorry." Narinig ko pang boses ng babae. Kaya napatingin ako sa pintuan. Ganon na lang ang gulat ko ng makita ko ang babaeng sinasabi ni Hayden. "No way!" "Chef D, come here." tawag ni Hayden. "Chef Dior. I introduce you to my friend and business partner, Kurt Jimenez," pakilala sa amin ni Hayden. Hindi ko man lang nakitaan si Dior ng pagkagulat o kahit ano mang reaksyon. Kaya naman nagtataka ako kung bakit ganito ang inaakto n'ya ngayon. S'ya pa mismo ang naglahad ng kamay n'ya sa akin. "Hi sir. I am Chef D, glad to meet you," nakangiti pa n'yang pakilala sa akin. Tinitigan ko muna s'ya bago ko tinanggap ang kamay n'ya. Habang hindi ako bumibitaw ng tingin sa kanya. "Sir! Ang kamay ko," reklamo pa nito. Para naman akong napahiya dahil dito. "Oh! Sorry. Medyo kahawig mo, kasi ang ex-girlfriend ko. Kaya medyo nagulat ako," paliwanag ko pa sa kanya. Pero ang totoo hindi naman talaga. Inirapan ko lang si Kurt sa sinabi nito. Dapat kong sundin ang mga tips ni Professor Janice. Isipin ko na hindi ko s'ya kilala. "Really! Bro?" Tanong pa ni Hayden nang balingan nito si Kurt. 'Y-yeah r-remember C-chelsea?" Utal utal ko pang sagot. "Excuse me, Chef Hayden, Sir Jimenez," tawag ko sa kanila. "Yes!" Sabay pa nilang sagot sa akin. "Back to work na kami," "Sure, Chef D," Naiinis ako, hindi man lang ako tinaponan ng tingin ni Dior, bakit si Hayden lang! Sa loob loob ko pa. "Guys, tara na!" Naiwan naman kaming dalawa sa office ni Hayden. "Bro! What do you think about Dior?" Nakangiti pang tanong sakin ni Hayden. "Pretty." walang emosyon ko na sagot. "Pretty? Nah! Bro. She's gorgeous, kind, amazing and smart woman. No man can say. No to her," nakangiti pa n'yang papuri kay Dior. "But, seriously bro. What i like the most about her. I liked her simplicity." Matapos ang pag uusap namin ni Hayden umalis na rin ako. Ako dapat ang nagsasabi 'non kay Dior. Hindi si Hayden. Halos hindi ako mapakali dito sa opisina ko. Nagseselos ako sa isipin na sila ni Hayden ang magkasama n'gayon. Minu minuto ko pang sinisilip ang relo ko. Gusto kong bumalik sa restaurant. Kaya naman pagsapit ng alas cinco lumabas na ako ng office. Nagulat pa si Jelesa dahil himala raw na maaga akong lumabas. Ang nakakainis pa. Wala pa akong driver license. Kaya kailangan pa ako na maghintay kay Kuya Danny. Kaya ng matanaw ko s'ya, tumakbo na ako palapit dito. "Sir! Mukhang nagmamadali tayo ah?" Nagtatakang tanong pa nito. "Kuya Danny sa GRACE tayo," "Yes sir!" Halos lahat na yata ng mura nasabi ko na. Narito kami ngayon sa gitna ng trapik. Kung kailan naman ako nagmamadali. "Naku sir! Mukhang matatagalan pa tayo, may nagkabangaan pala na dalawang sasakyan," balita pa ni Kuya Danny nang makabalik ito sa sasakyan. "What the F**k!" Naiinis ko pang sambit. Alas nuebe na kami nakarating sa GRACE. Tanaw ko pa dito sa sasakyan namin kung paano alalayan ni Hayden si Dior sa pagsakay sa kotse nito. Napasuntok pa ako sa upuan ng kotse dahil sa inis at selos. Bababa na sana ako ng sasakyan ng bigla naman tumunog ang cellphone ko. Si Dad natawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD