KURT JIMENEZ

1252 Words
NAIA INTERNATIONAL AIRPORT We thank you for choosing Pacific your airline of choice. Announcement ng airplane ang nakapagpagising sa akin mula sa mahabang byahe namin ni Dad. Unti- unti akong nagmulat ng mga mata habang naghihikab pa. "Dad, nasa Philippines na ba tayo?" tanong ko kay Daddy na abala sa pagbabasa ng newspaper beside me. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Yes, where here," malamig na sagot niya sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid, tumingin ako sa labas ng window. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot sa isiping mag-isa na lang ako at wala si Mom. "Get ready!" mariing utos ni Daddy sa akin. "Yes, Dad." sagot ko sa kanya. Habang inayos ko ang pagkakalukot ng damit ko. Inilagay ko na rin sa bag ang iPad ko. Masakit ang body ko dahil sa mahabang byahe namin ni Daddy. Very far kasi ang Philippines. After 14hrs. And 49 minutes, nag-landed na ang airplane na lulan namin dito sa Manila. I was born in Los Angeles. We lived there for almost 7 years. I'm the only child sa family. Kaya naman sabik ako sa new friends. I have friends there but hindi kasi marami sila. First time ko na umuwi dito sa Pilipinas. I'm so kaba at sad 'yan ang nararamdaman ko. Kaba kasi hindi ko alam paano ba ang buhay sa lugar na hindi ko kinalakihan? I'm too young pa. Lungkot kasi wala na ang isang tao na nagmamahal sa akin. Yes, umalis si Mommy, that's why nagpasya si Dad na iuwi ako rito. Maraming bagay ang kinukwento sa akin si Mommy, about sa Philippines Tinuruan niya rin ako na magsalita ng tagalog. That's why I can speak tagalog, fluently Excited pa ako ng araw na sabihin ni Mom, na uuwi kami ng Pinas. She told me ipapasyal niya ako sa probinsya niya. Maliligo raw kami sa ilog at sasakay sa cardboard and horse. But one day, nagising na lang ako na wala na si Mommy sa house. Iyak ako ng iyak ng araw na 'yon tinatanong si Daddy sa pag alis ni Mommy. Bur wala akong makuhang sagot from him. Nagagalit din siya kapag pinag-uusapan si Mommy. Gusto kong magalit kay Mommy kasi iniwan nya akong mag- isa hindi ko alam ang reason kung siya umalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Inisip ko ay hindi niya siguro ako mahal. Simula nang umalis si Mommy, walang araw na hindi mainit ang ulo ni Dad sa akin. Parati siyang naglalasing. Araw -araw niya akong pinapagalitan kahit sa mga small mistakes ko. Nang araw na malaman ko na iuuwi ako ng Pilipinas ni Daddy, I cried a lot ayaw kong umalis baka kasi balikan ako ni Mommy here. But wala akong nagawa. Sa Province ni Abuela ako iiwanan ni Daddy. Abala lang daw ako sa trabaho niya ako sa L.A. Natigil ako sa malalim na pag iisip nang mamalayan ko na hindi ko na matanaw si Daddy. Nagpatuloy ako sa paglalakad until sa makita ko again si Daddy. "Dad! Wait for me!" tawag ko. At mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. "Lower your voice, Kurt! Will you?" singhal niya sa akin nang makalapit. "I'm sorry, Dad," nakayuko kong sabi. "Kurt, walk faster. Take a look to our service!" galit na utos niya sa akin. Nagpalinga-linga ako sa mga taong naghihintay sa labas. Nang matanaw ko from a far ang isang banner na may pangalan namin na nakasulat. "Dad, I saw our service," sambit ko pa dito habang abala siya sa phone nito. Agad naman inilagay ni Dad sa pocket ang phone niya. At naglakad palapit sa akin. "Good. Let's go!" "Good afternoon, Sir Albert." bati nito kay Daddy. "Ako po si Mang Danny driver ng pamilya nyo," pagpapakilala ng matanda. Nang bumaling siya sa akin kaagad ko naman siyang binati. "Good afternoon, Mang Danny!" magiliw na bati ko sa matanda. Gumanti din naman ng bati ito sa akin. "Ito na po ba ang mga bagahe niyo, Sir Albert?" tanong ni Mang Danny. "Yes, pakilagay na lang sa likod ng sasakyan," utos niya dito. "Kurt, get inside!" utos ni Daddy sa akin. "Yes, Dad," sagot ko at pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Habang nasa byahe nagmamasid lang ako, sa mga dinadaan namin. Bago sa akin ang mga tanawin na nakikita ko. Namangha ako mga magandang tanawin. Bigla akong nalungkot nang maalala ko na naman si Mommy. Namimiss ko na s'ya. Maraming tanong ang nabuo sa isip ko kung bakit niya ako iniwan nang walang paalam? Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag- iisip kay Mommy dala na rin ng pagod at puyat. Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng mansyon ni Abuela. Nagising ako ng may naramdaman ako na kumakalabit sa akin. Pagmulat ko si Mang Danny pala. "Sir Kurt, gising na narito na po tayo sa mansion. Nauna na po ang Daddy niyo sa loob." "Sige po, susunod na po ako. Salamat," inaantok ko pang sagot sa kanya. Bumaba na ako ng sasakyan at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. "Wow!" sambit ko nang mapagmasdan ko ang labas ng mansyon ni Abuela. Kaya naisipan ko muna na maglakad- lakad. Ang ganda na paligid, ang gaganda ng mga bulaklak sa garden ni Abuela mahilig s'ya na magtanim. Mag-isa na lang sa buhay si Abuela, pumanaw na kasi si Abuelo. Every Christmas dumadalaw si Abuela sa L.A upang doon mag-celebrate kasama namin. Natigil ang pagmumuni-muni ko nang bigla akong tawagin ni Mang Danny. "Sir Kurt!" tawag ni Mang Danny. "Sir, hinahanap na po kayo ng Abuela at Daddy, niyo. Pumasok na po kayo sa bahay," wika nito. "Sige po, Mang Danny, susunod na po ako. Salamat," sagot ko dito. Nauna nang maglakad siya sa akin. Naglalakad na ako papasok sa bahay nang bigla kong mapansin ang isang batang babae na umiyak sa tabi ng halamanan Naisip ko na lapitan siya. "Hello!" bati ko sa kanya. Nagulat naman ito nang makita ako. "Bakit ka umiiyak? May nang-away ba sayo?" sunod‘-sunod kong tanong sa kanya. Hindi pa din siya nagsasalita nang bigla na naman itong umiyak. "K-kasi...kasi k-kawawa s-siya " pautal-utal nitong sambit sabay turo sa butterfly na patay. Gusto kong matawa sa itsura niya punong- puno na kasi ng luha at sipon ang mukha nito. Kaagad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko. Inabot ko sa kanya nag-aalangan pa siya na kunin ito. Kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at binigay ang panyo. "Wag ka nang umiyak, ilibing na lang natin ang butterfly. Para makapunta na siya sa heaven gusto mo ba yon?" tanong ko sa kanya. "Baka hanapin siya ng baby n'ya," sambit nito sa akin at muli na naman itong umiyak nang malakas. "Ssshhh, tahan na walang maghahanap sa kanya. Kasi baby butterfly pa siya," saad ko. Tumingin siya sa akin. Para bang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Ilibing na natin siya?" muli kong tanong sa kanya. Tumango lang sya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Habang nakatingin lang siya sa ginagawa kong paghuhukay ng lupa gamit ang maliit na kahoy. Nang matapos ang ginagawa ko. Nagulat pa ako ng ilapit niya, ang mukha niya sa mukha ko. "Oo, nga! Ikaw 'yong bata na nasa picture frame!" natutuwang bulalas pa nito sa akin. "Ikaw ba ang apo ni Madam Adelaida?" tanong nya ulit sa akin. " Oo, ako nga," nakangiting kong sagot. "Ako nga pala si Kurt Jimenez," pagpapakilala ko sa kanya. "Ikaw, anong pangalan mo?" "Ako, nga pala si Dior Grace Solomon," Nakangiti n'yang sagot sa akin. At nag-shakehands pa kami habang nakatingin sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD