Chapter 3 Schooling

1210 Words
Rabi  Kinabukasan nagsimula ako sa parlor, taga-linis, utusan sa lahat. Pansamantala ako nakitira sa boarding house ni ate Grace, isa siyang manicurista sa parlor. Mabait si Ate parang nanay ko na din, wala pa siyang pamilya. Ate Grace, salamat sa pagtanggap mo sakin hah, kahit di mo ako kilala tinulungan mo ako, pwede po bang maki-share ako sa renta at gasto sa pagkain kapag nagkapera na ako? Wala yun, naalala ko lang sarili ko sayo, ganun din ako nagsimula dati, walang wala at may tumulong sakin kaya tutulong ako kapag may pagkakataon. Gusto ko sa parlor kasi mga mababait silang lahat sakin, itinuring nila akong kapatid. Binigyan nila ako ng tip kapag marami silang kita, ako ang inuutusan nila kapag may kailangan sila at kapag may inutos ang mga customer may tip din ako. Mas malaki ang kita ko dito kada araw, kaysa sa karenderya. Nagbigay ako ng pera kay Ate share ko sa panggastos sa bahay. Araw ng Linggo, nakipagkita sakin si Ate Merlyn at mga kasamahan ko dati sa kerenderya. Isinauli nila ang pera ko kasi nalaman ni Mam na anak pala nya kumuha ng pera sa kaha at ibinintang sakin at gusto ni Mam na bumalik ako sa trabaho sa karenderya. Marami daw naghahanap sa akin, mas dumami ang customer noong andun ako pero ngayon bumalik sa dati. Ate di na ako babalik dun, mas malaki kita ko sa parlor at lahat sila mababait sakin, mas marami akong natutunan sa kanila. Baka makapag-aral na ako sa susunod na pasukan; saad ko dati kong kasamahan. Mas mabuti kung ganun ang plano mo, para makatapos ka. Masaya ako para sayo Rabi, siguro blessing na din ang ginawa ni Rachel sayo para mas mapabuti ka sa parlor. Oo nga Ate eh, di ako nagsisi na napunta ako sa parlor, sana nga magtagal ako dun. Rabi tingin ko, nagseselos si Rachel sayo kasi maraming nagka-crush sayo kaya ka pinagbintangan para maalis ka dun; saad ng mga dati kong kasama. Bahala siya, wala naman akong ginawang masama sa kanya. Maayos akong nagtatrabaho; balik kong saad sa kanila. Naging masaya ang pagkikita ko sa mga dati kong kasama, naging kaibigan ko din sila at malaki ang naitulong sa akin. Lumilipas ang araw na naging masaya ako sa trabaho ko sa parlor, masayang kasama ang mga bakla, bunso ang turing nila sakin. Marami akong natutunan, natuto akong magmanicure, pedicure at nail arts, bumili ako ng sariling gamit. Minsan nag-aassist din ako sa mga hair dresser pag may nagpa-rebond, kaya medyo may alam na ako kung paano magrebond ng buhok at malaki tip ko kapag rebond. All around na ako sa parlor. Nag enroll ako sa ALS (Alternative Learning System), nagtake ako ng exam para ma-accelerate at nakapasa ako kaya sobrang saya ko. Nagfocus ako sa aking pag aaral, trabaho sa umaga, nag-aaral sa gabi. Kinaibigan ko lahat ng mga classmate ko at teacher namin para dun sila sa salon magparebond kasi may commission ako kada hakot ko ng customer. While sa klase habang walang ginagawa, namimigay ko ng flyers na may name ko para marami akong makuha na customer, di sayang ang oras while naghihintay sa klase. nag-eenjoy ako sa bawat ginagawa ko. Nag training din ako ng massage, nag-aaral ng basic make-up, dagdag skills na din na pwede ko magamit in the future. Gustong gusto ko dito sa parlor, magaan ang trabaho, mas okay ang kita at masaya ang mga kasamahan ko, nagtutulungan at nagdadamayan kami. Palagi nila ako binigyan ng advice, wag muna magboyfriend, sayang daw ang ganda ko kung pipitsugi lang maging asawa ko. Baby girl huwag kang magboyfriend na pangit hah at walang datong, di bagay sayo, dapat gwapo ang papa mo o di kaya hanap ka ng afam; nagtitiling saad ni Ate Marly, na isang gay at hairdresser. Ikaw talaga, tinuruan mo naman si Baby girl ng kahalayan, gawin ko siyang beauty queen kaya ngayon palang practice na tayo; saad ni Quennie. Bakit ba ang ganda mo baby girl, para kang manika, sayang di pa kita pwedeng isabak sa Mutya ng Bayan, underage ka pa. Napapansin ko na palagi nila akong binibihisan, gawing model mapa make-up man o sa damit. Tinuruan nila akong paano rumampa, magproject, maging confident sa sarili, magbihis at kumilos na isang beauty queen kasi ako daw ang new discovery nila. Ang maging next miss universe. Lumilipas ang panahon na same routine ako, nag-aaral sa gabi, nagta-trabaho sa umaga at mas marami akong natutunan pa. Nang dahil sa ALS program, graduating na ako ngayon sa high school. Di ko akalain na from grade 4 lang natapos naging graduating na ko sa high school. Palagi akong nagtake ng exam para ma-accelerate, puspusan ang pag-aaral, in just 3 years malapit na akong makatapos. Palagi parin akong nagbabasa ng libro, nanghihiram sa library o di kaya mga tirang libro ng mga estudyante. Sanay na ako ngayon magsalita ng English kasi ang mga bakla mahilig mag English para daw di ako mahirapan kapag nag-join na ako ng pageant. Pinagtiisan ko ang pagud sa trabaho at pag-aaral. Masasabi ko na worth it ang sacrifices ko. Di ko akalain na magtatagal ako dito sa parlor, pamilya na turingan namin. Ang may-ari ng parlor na si Madam Jessa isang gay din, natutuwa sakin kasi daw masipag ako at kasundo ang lahat, di malekramo sa trabaho, willing matuto. Keep up the good work girl, soon you will rise; yun saad ni Mam sakin noong time na ako ang nagmanicure sa kanya. Isang araw nag-announce si Mam na need nya ng ilang tao na sasama sa gaganaping event. May nakuha siya ng kontrata sa isang mayaman na negosyante mag-held ng gathering sa isang cruise ship, need ng mga babaeng bayaran para mag entertain sa mga bisitang dadalo at mga utility staff na para mag-asikaso sa mga bisita. Puro daw mga mayayaman ang dadalo at ang event maglalast for 2 weeks. Malaking sahuran ang makukuha sa mapili. Lahat gustong magvolunteer kasi natry na nila last time, malaki ang kinita at may chance makapunta sa ibang lugar. Wala akong idea kaya di ako sumali, si Mam ang pumili sakin as taga maintain ng mga kuko sa babae at mga bisita at utility na rin kasi madali akong magtrabaho. My bonus pa daw makukuha kapag nasatisfied ang kumuha sa amin. Baby girl ang swerte mo napili ka ay, baka dun ka makahanap ng jowa, mga mayayaman lahat ng dadalo dun; saad ni Ate Marly Ano ka ba Marly, baka nga dilikado, mauto pa ito dun, wala pang karanasan sa pag-ibig yan, mostly dun mga may-asawa na baka maging kabit pa kapag nagkataon; sabi ni Kuya Riche isang make up artist. Ay oo nga noh, wag kang magpauto sa mga iyon, gamitin mo ang utak mo, kapag may lumapit sayo, alamin mo kung may-asawa na, umiwas ka agad, wag kang magpadala sa mga offer na kung ano ano. dapat intact ang virginity mo. Mga Ate at Kuya trabaho po ang pinunta ko dun; di para manlalaki; saad ko sa kanila kasi para silang nataranta na para sakin. Oh siya kasama mo naman sina Janice at Marvie dun, sila ang magbabantay sayo. Di nalang ako nagsalita pa kasi alam ko kapakanan ko lang iniisip nila, maswerte ako na nakahanap ng mga taong nagmamahal sa akin ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD