Good bye, Mommy Napagkasunduan nila ng Pontes family na baguhin ang WiFi password at tanggalin ang cable channel sa kuwarto nila ni Shayla. Ito ay para maiwasan makarating kay Shayla ang balita. Walang kaalam alam si Shayla na ang mobile phone lang nito ang walang WiFi access, at ang telebisyon lamang nito ang walang cable channel. Hindi naman ito nakikialam sa mga gamit niya lalo pa sa laptop at mobile phone kaya kampante din siyang hindi ito makakasagap ng balita sa Pilipinas. Lalo tuloy nalulungkot si Shayla dahil wala itong means na makausap ang ina at ang mga kaibigan nito sa Pilipinas. Para maaliw na nga lang ito ay pinapasyal niya si Shayla at ang mga bata sa park tuwing umaga, bumili ng DVDs para mag-movie marathon, kumain sa labas, at kung anu ano pa. Halos araw araw ay nagde-d

