Two Heart Beats Tumayo na lamang si Gerard malapit sa kama ni Shayla habang naghihintay sa doktora. "Relax. It's going to be fine." He tried to reassure her. Gustuhin man niya na lumapit kay Shayla upang aluin ito ay hindi pa niya matantsa kung ayos nga bang lumapit siya, lalo pa't kanina nga lamang ay sinampal siya nito sa galit sa kanya. Hindi kumibo si Shayla. Tahimik lamang ito at pinipiga ang kamay sa nerbyos. She was agitated. He knew that, and he felt sorry for her. It was obvious on her face that she was very stressed out. And he couldn't stand seeing her this way, so he reached for her hand, and quietly held it. He anticipated that she would reject his hand, but she didnt. Tahimik lang nitong hinayaan na hawakan niya ang kamay nito, hanggang sa dumating ang doktora na s

