Bianca and Dave Hindi man naalala ni Shayla kung ano ang nakaraan ng bisita ni Ambassador Pontes kay Gerard ay nakaramdam kaagad siya ng pagseselos. Sino ba naman ang hindi magseselos? Kung makadikit ang babae sa asawa niya eh parang linta. Tumaas tuloy ang kilay niya at napahalukipkip na lumapit kay Gerard at Bianca. Nakatingin na kaagad sa kanya si Gerard. May pag-aalala sa mata nito at ang mga kamay nito ay halos inilagay nito sa balikat. Sa tingin niya, ito yung way ng pagsasabi ni Gerard na hindi ito humahawak sa babae at ang babae lang iyon ang kusang umaakap kay Gerard. "Ehem..." parinig niya. Napalingon si Bianca sa kanya. "Oh, you're here..." tumingin ito sa kanya from head to toe at parang disappointed na naroon siya. Ginantihan din niya ito ng tingin from head to toe.

