Brazil Matapos ang birthday party ni President Ponce ay nauna nang umalis sina President Ponce at Mommy Mary. Sila naman ni Gerard ay naghintay na sa mga kaibigan na makapag-pack up ng pang-catering ni Jackie. Nagpa-alam saglit si Gerard sa kaniya at sinabing magpupunta muna sa rest room. Iniwan nito ang mobile phone sa kaniya. Siya naman ay naupo muna dahil mabilis nang mangawit ang kaniyang likod sa bumibigat na tiyan. Habang nagi-intay kay Gerard ay tumunog ang mobile phone ng asawa, at nakitang si President Ponce pala ang tumatawag. Minabuti niyang sagutin na lang ang phone para sa asawa. "Hello, Dad?" "Uh, Shayla... s-si Gerard ba nandyan?" Naramdaman niya ng tensyon sa boses ng kaniyang father-in-law. "Dad, nag-rest room lang po. May ipagbibilin po ba kayo?" "Uhm.... Pa

