The One I love Honey, I understand that ladies need some pampering so, with the help of your lovely best friends, I requested them to help me arrange a relaxing day at the salon for you and, of course, for your best friends too. Enjoy! Nagpunta nga sila sa isang posh na salon. Naroon na si Rori at naghihintay sa kanila. Napatawa siya na naiiyak sa nalaman na kasama pala ni Gerard na nag-organize ng proposal ang mga kaibigan. Ito pala yun' hindi sinasadyang sabihin ni Pinkie kahapon. Naguilty tuloy siya dahil nagtampo pa siya sa mga ito at kay Gerard. "Ano ba? Natatawa ka ba o naiiyak?" tanong ni Jackie at umakbay sa kanya, habang punas siya ng punas sa mata at hindi na mabasa ang mensahe sa scroll. Nagpa-manicure- at pedicure saka spa silang anim. Saglit lang silang kinuhaan ng

