Chapter One

4597 Words
Scarlett POV Ipinarada ko na ang kotse ko, isinuot ko na ang sunglasses atsaka lumabas. Nakaramdam ako ng excitement ng makita ang bungad pa lang ng school. Hindi naman ako transferee dito pero hindi ko mapigilang ma-excite. Welcome To AIS, mas kilala bilang Augustine International School. Isa ito sa pinaka kilalang school sa buong pilipinas. Mayayaman lang ang mga nakakatungtong sa ganitong school. Tulad ko Isa ang pamilya namin sa pinakamayaman sa buong pilipinas. Isa ang pamilya ko sa mga stockholders ng AIS. Magagaling magturo ang mga professors, kaya hindi nagdadalawang isip ang mga mayayaman na dito pag aralin ang mga anak nila. Dito sa AIS mayroong Top five Kings and Queens. Marami na ring studyante ang masayang nagkwekwentuhan sa loob ng school. Napangisi ako ng makitang isa isa silang gumilid ng makita dadaan ako. May iba na napapanganga pa, may iba naman na paulit ulit ang papuri sa akin. "Hi Scarlett! ganda mo talaga." "Girls, look at her sexy body! I envy her!" "Oo nga nakakainggit!" "Look at her necklace. OMG that is so super expensive!" "Waaaaaaaa I want that too!" Oh girl, in your dreams. Bilang lang ang nakakabili ng ganto. Isa ito sa ipinagmamalaki ng ELI, pinakasikat na brand sa buong mundo. By the way, Im Scarlett Aislinn Wareyhn. My pleasure to meet you. *Plok 'what the' Napahinto ako at napatingin sa sahig at nakita ang isang lukot na papel na tumama sa mukha ko habang naglalakad sa pathway. As in sapul talaga sa mukha ko hmp! "Oh my god did you see that girls." "Oo, hala sapul talaga sa mukha ni Scarlett!" "Oo nga eh." "Hahahaha that was epic!" Nilingon ko kung saan nanggagaling yung mga bulungan na yun atsaka isa-isa silang tinignan ng masama dahilan para aligaga silang maglakad paalis. Nilibot ko yung paningin ko at nahinto lang ito nang makita ang isang lalaking nakaupo sa bench at nagdraw - drawing sa sketch pad, marami na rin nagkalat na papel sa palibot nya. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako nakikita. Lalapit na sana ako sa kanya pero nagbato ulit sya ng papel at sapul nanaman sa mukha ko. Sapul na sapul. 'nakakadalawa ka na ah' Inis ko naman syang tinignan at heto sya prenteng nakaupo, iiling-iling at tsaka ipinagpatuloy na ulit ang ginagawa. Pinulot ko yung papel na tumama sa mukha ko atsaka inihagis sa kanya, pero ganon na lang ang gulat ko nang masalo nya iyon. Take note nakatalikod sya sa akin. Tumayo sya at seryosong tinignan ako. Base sa itsura nya bago lang sya dito. Napatingin ako sa kabuuan nya, naka jeans sya ng black at gray naman yung t shirt nya, puting sapatos at puting cap. Mapapansin mo sa kanya na ang simple lang ng outfit nya pero ang lakas ng dating nya. Maputi, Matangkad, at sabihin na nating gwapo sya. Hindi ako makapaniwala sa sariling naisip, nagawa ko pa talaga syang idescribe. Psh. Napatitig ako sa kulay abo nyang mata. Agad na nagtama ang mga mata namin. May kung ano sa loob ko na hindi kayang labanan ang mga titig nya, kaya sa huli ako na mismo ang kumalas dun. Ngumisi sya sa akin atsaka walang reaksyong binato ulit ako dahilan para tumama ito sa noo ko. 'Tatlo na yan at hindi ko hahayaan na umabot pa yan sa apat' Lumapit ako sa kanya at nagpamewang na tumayo sa harap nya. "Bakit. Mo. Yun. Binato. Sa. Mukha. Ko," nahinahong sabi ko pero may halong inis sa tono. Ngumiwi sya at parang bagot na bagot tignan yung mukha ko. Psh. Seriously?! sya lang gumawa sa akin nyan! "Sa susunod na batuhin mo ako siguraduhin mong hindi ko yun malalaman...." sandali pa syang tumitig atsaka ngumisi. "dahil hindi ako magdadalawang isip na ibato sayo ulit yan ng hindi mo nalalaman," walang emosyong sabi nya pero may halong awtoridad. 'Mayabang' "What the hell! so ikaw pa magbabanta sa akin, kilala mo ba kung sino ako?" "Hindi." "What?!" Nagpababa at taas ang tingin nya sa akin na parang sinusuri ako. Kaya ako na ang nagsalita. "Alam mo bang bawal yang ginagawa mo?!" inis na talagang sabi ko tsaka ko binalingan ang mga papel na nagkalat sa sahig. "Hindi," atasaka tumingin sa paligid nya at nagkibit balikat. "Psh pulutin mo yan bago pa maginit ang ulo ko," utos ko sa kanya pero parang wala pa rin syang naririnig. "Ikaw," sabi nya sa akin at bahagya pang nakaturo ang hintuturo nya sa akin. "Anong ikaw?" "Ikaw na magpulot ikaw nakaisip eh," walang ka gana ganang sabi nya, nainis naman ako hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa reaksyon nya nung sabihin nya yun. "Ha! ang kapal naman nang mukha mo! ako pa talaga?" "Oo nga ikaw nga kasi nakaisip diba?" paguulit nya pero blangko rin ang reaksyon nya. "Iniinis mo ba ako?" "Ano sa tingin mo?" sarkastikong sabi nya pero ngayon ay nakangisi na sya. Bahagya naman ako nagulat sa biglang pagngisi nya. Nakakatakot. "M-mukha ba akong janitres? Ha?!" Tumingin lang sya sa akin at inilipat iyon sa mga papel na nagkalat sa sahig. Nagulat ako ng pinagsisipa nya yun papunta sa akin, mahina lang ang pagkakasipa nya sa mga iyon dahilan para mapunta sa mga paa ko. "Yan mukha ka nang.............kolektor ng papel," sabi nya sa akin at hindi na nawala ang ngisi sa mukha nya. Napalunok naman ako ng sunod ay magsimula syang maglakad papalapit sa akin. Lumapit sya sa akin at nagkamali ako ng akalaing hihinto na sya sa harap ko pero mas lalo akong kinabahan nang bahagya syang yumuko upang magpantay ang mga mukha namin. Hintuturo ko na lang ang magkakasya sa pagitan namin sasobrang lapit nya. Hindi makagalaw at parang pati ang paghinga ko ay huminto na sa sobrang lapit nya sakin. Nagtayuan ang mga balahibo ko nung maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko. Amoy na amoy ko na din ang hininga nya, mint. "Magingat ka........ dahil ngayon, alam ko na kung sino ka," bulong nya at saka bahagyang lumayo sa akin. 'Anong ibig nyang sabihin?' Nakakalokong ngiti lang ang binigay nya sa akin at saka ako nilagpasan. Napalingon ako sa likod ko kung saan sya dumaan. Inis kong tinignan sya habang naglalakad. Sinipa sipa ko yung papel na sinipa nya papunta sa akin kanina. 'Psh. May araw ka rin sa akin!' "Hey," bahagya pa akong nagulat sa pagsulpot ni Mike dahilan upang mawala ang atensyon ko dun sa lalaking yun. "Oh, hey Mike!"nginitian ko naman sya at tumingin ulit doon sa pwesto ng lalaki, wala na sya. "Hey anong tinitignan mo dun......bakit ang daming nagkalat na papel?" tanong nya dahilan upang mabaling ulit sa kanya ang atensyon ko. "Wala yan. lets go!" yaya ko kay mike na nagtaka pa pero ngumiti rin sya sa akin. Mike Angelo Alvarez ang campus Hearthrob at MVP ng basketball, mayaman at gwapo. Hahahaha ofcourse kaya nga sya campus hearthrob eh amp! Bestfriend ko nga pala sya since tumungtong ng highschool kaya kilalang kilala ko na sya at kilalang kilala nya na din ako alam nya rin na may pagka maldita, masama ang ugali o b***h. Magkasalungat nga kami eh kasi sobrang bait ng personality nya. Si Mike lang naman ang tinitibok ng puso ko, kaso itinadhana ata akong maging one sided love eh huhuhuhu. Sa madaling salita hindi nya ako type. Bahagya pa akong nalungkot sa naisip ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa gym. Ang dami ng mga student na nandoon at humahanap ng mauupuan. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay mike na abala sa paghahanap ng bakanteng upuan. "Pinatawag ni Dean lahat ng students para sa mga transferees, then may iaanounce din daw syang importante," nakaupo na kami ngayon sa bandang harap ng stage. "Ah I see." "Ano kayang iaanounce ni Dean no?" napatingin naman ako kay mike sa tanong nyang yun. "I guess, para sa pagdating ng mga stockholders dito. Nabanggit din yun ni dad sa amin," sagot ko sa tanong nya napatango na lang sya at tumingin ulit sa stage. Agad namang tumahimik ang mga students ng umakyat na ang Dean kasama ang secretary nya at si Tayler. Paul Tayler Meincon ang President ng student council. Medyo close sya sa amin ni Mike pero minsan wala syang kinikilalang kaibigan, medyo may pagkamasungit kasi sya pagdating sa mga rules at syempre kailangan nyang magpaka president. Mas gugustuhin nyang tawagin syang Mr. President. "Good morning students!" Bati ni Dean atsaka ngumiti sya sa aming lahat. "Good morning po Dean!" Nakangiting bati naming mga students kay Dean habang nakatayo. Tumango naman sya sa amin at sumenyas na pwede na kaming umupo. "Pinatawag ko kayo dito para iannounce na malapit na ang pagbisita ng mga stockholders dito. Kailangan ko ng cooperation nyo dahil kaylangan nating paghandaan ang pagdadating ng mga stockholders ng school natin. At dahil malapit na silang dumating, magkakaroon ng grand ball sa August 2. Dalawang linggo ang nakalaan sa atin upang pagahandaan yun. Ngayon maaasahan ko ba ang inyong cooperation?" Tanong ni Dean sa amin. Makikita mo kay Dean yung excitement sa mga mata nya. "Yes Dean!" "Oo naman po Dean." "Maaasahan mo po kami Dean!" "Hala kinakabahan ako tuloy." "Oo nga ako din Huhuhuhu." Ibat ibang reaksyon ang narinig namin sa mga student merong mga Kinakabahan pero mas lamang ang mga excited para sa dadating na ball. "Okay mukhang maaasahan ko naman kayo. Huwag nyo lang ipapahiya ang school natin malinaw ba?" tanong ulit ni Dean. Tumango naman kami bilang sagot namin. Magsasalita na sana si Dean nang may lumapit sa kanyang Personal Guard nya at bumulong. Tumango tango lang sya. "Good... Okay si Mr. Taylor na lang ang mag aanounce sa inyo ng iba pang kailangan okay? mauuna na ako. Thank you students," sabi ni Dean bago sya bumaba ng stage. Hindi nya na kami hinintay na sumagot dahil parang nagmamadali syang lumabas ng Gym. Agad namang pumunta si Taylor sa stage at agad kinuha yung mic. "Okay students, Good morning!" bati nya sa amin. "Good morning Mr. President!" tumayo kami at bumati sa kanila bilang pagrespeto sa kanya. Ngumiti lang sya sa amin at umupo na kami. "Di ko na papatagalin pa.Para sa mga tranferees, pumunta kayo sa Faculty at hanapin nyo ang Office ni Miss Shae Lou ang secretary ni Dean. Ibibigay nya sa inyo ang schedule nyo ng pagpasok at bibigyan din kayo ng unting instructions kung anong gagawin nyo. Are we clear?" seryosong sabi nya na parang mauubusan sya ng pasensya kung may mag sabing 'hindi ko maintindihan Mr. President'. "Y-yes Mr President," alanganing sagot nila maliban sa akin Hahaha sanay na ako sa ugali ni Tayler. Psh! I told you masungit talaga sya kapag pinapairal nya ang pagiging president nya. Minsan nga tawag ko sa kanya Mr. Sungit Hahaha! Pero warning lang ah kami lang na malapit sa kanya ang pwede tawagin syang ganon, kasi pag hindi kayo close tapos sinabihan mo sya ng ganon oh-oh Go to Guidance Office na Hahahaha! "Sabi din pala ng Dean na ngayong year tayo magpapalit ng Uniform wala pang pinapakita na design pero ang alam ko ay color yellow and blue," dagdag pa nya. Hindi ko pa pala nasasabi na after two years palaging nagpapalit ang school namin ng uniform. Hindi naman problema sa kanila yun dahil parang barya lang ng school ang nilalabas tuwing nagpapalit kami ng uniform. Idea din ito ng mga parents naming mga studyante ayaw kasi ng parents namin na magmukhang luma yung sinusuot naming uniform. "Ay excited tuloy ako sa bagong uniform natin!" "Ako rin eh." "Sana maganda yung bago nating uniform no?" "Oo nga kasi ang ganda noon, color pink ang violet." "Hay oo nga maganda pa naman uniform natin noon." Maraming sumang ayon sa plano ni Dean at ni Mr President sa pagpapalit ng uniform. "Na excite tuloy ako Hihihihihi!" excited na sabi ko at tumingin kay Mike na napatingin naman sya sa akin at ngumiti. "Oo nga ako din gusto ko na kasing palitan yung uniform natin kasi msyadong pambabae yung pink at violet eh." "Huhuhuhu sana lang bagay sa akin yung bagong uniform kasi ayaw ko maging pangit!" pagmamaktol ko naman sabay nguso. Hayst sana lang bagay talaga sa akin. Nagulat naman ako ng bigalng PINISIL NI MIKE YUNG PISNGI KO! "Im sure na bagay sayo yung bagong uniform natin, kahit ano namang suot mo bagay sayo eh," si mike na bahagya pang pinipisil yung pisngi ko. Hay enebe! weg ke genyen kenekeleg ake eh hehehehe! Agad ko namang iniwas yung tingin ko sa kanya pagkatapos nya pisilin yung pisngi ko para hindi nya mahalata na nagbla blush ako. Psh! Nakakainis na fa fall na naman ako sayo. "Okay students pwede na kayong umalis. Thank you!" Si tayler na bumaba na rin ng stage. Agad naman silang nag sitayuan kaya tumayo na rin kami ni Mike para lumabas ng Gym. Pero papalabas na sana kami ng Gym ng biglang may bumunggo sa akin, take note ah BUMUNGGO! "What the hell!" bulaslas ko sa babaeng nakabunggo sa akin mukha syang nerd. Nakita ko naman syang nakatayo at ngumiti ng nakakaloko. Anak ng! Nangigigil ko syang nilapitan atsaka tinulak. Sa lakas ng pagkakatulak ko napasalampak na sya sa sahig. Pero instead na masakatan sya mas lalo pa sya napangisi sa harap ko. Ha! What the hell is wrong with this nerd. "Hey nerd! are you shiting me?!" bulyaw ko sa kanya pero hindi pa rin nya inaalis yung ngiti sa mukha nya. "Hey Scarlett," tawag sa akin ni Mike pero hindi ko sya napansin nakatitig lang ako dun sa babaeng nerd na ngayon ay nawala na yung ngiti nyang nakakaloko at napalitan ito ng nakakawa look ng makita nya si Mike na papalpit sa kanya. What the! "What the hell Scarlett! Why did you do that!" sigaw naman sa akin ni Mike na abala sa pagtulong sa babaeng yun. "Bakit ako?! nakita mo ba yung ginawa sa akin nyan kanina binunggo nya ako!" sigaw ko din sa kanya bahagya pa syang nainis sa sinabi kong yun. "Kaya tinulak mo sya!" napatungo ako sa hiya ng sigawan ako ni Mike. Yeah right hindi nga nya pala ako kinakampihan sa mga ganitong bagay na akala nya ay kasalanan ko. Oo aaminin ko isa akong malaking b***h pero graduated na ako sa pagiging ganon. "Oo, kasi instead na magsorry sya ngumiti pa sya ng nakakaloko!" sigaw ko naman sa kanya at saka tumitig ng masama sa babaeng nerd na yun. "Ganon ba ang ginawa mo," mahinahon nyang tanong dun sa babaeng nerd. Psh! ano to kampihang nagaganap? "H-hindi k-ko alam y-yung s-insabi nya b-bigla nya n-nalang akong t-tinulak," parang nanginginig at takot na takot pang sabi nya. Bahagya pa akong natawa ng mapait ng bahagya ng hawakan ni Mike yung kamay ng nerd para pakalmahin atsaka tumingin sa akin ng masama. "Tapos ngayon gumagawa ka ng kwento Ha-Ha-Ha ang galing mo rin eh no!" "Stop Scareltt! Kitang kita kung sino ang may kasalanan dito, at ikaw yun Scarlett!" Nagulat naman ako kay Mike sa lakas ng pagkakasigaw nya. "So you are saying you dont believe me, and instead believing me, you believe with that nerd huh?" nangingilid na yung luha sa mga mata ko. Tumingin pa ako sa taas para hindi tuluyangbtumulo yung luha ko. "I-its not what I meant its just that———" hindi nya nanatapos yung sasabihin nya kasi biglang humagulgol yung babaeng nerd. Napatingin naman agad si Mike sa kanya na bakas sa mga mata nya ang pag aalala "Ang galing mo rin umarte eh no?!" sigaw ko dun sa babaeng nerd na umiiyak pa rin habang naka tingin sa akin. "Please Scarlet, Im begging you please stop!" napatingin ako kay Mike na galit na nakatingin sa akin. Tumingin pa ako kay Mike atsaka binaling sa nerd ang paningin ko. "We are not done yet b***h nerd! or do I say excellent 'actress' of the year?" may halong pagka sarkastik kong sabi habang nakatingin dun sa babaeng nerd na ngayon ay bumalik ulit ang nakakalokong ngiti nya. Bago ka lang dito kaya wag kang magtapangtapangan. Tumalikod na ako sa kanila kasabay nang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga mata. I cant believe this! Lumabas na ako ng gym at naglakad na papunta sa classroom ko. Psh naiinis pa rin ako sa baguhan nayun ke bago bago ako ang binabangga nya ha! Pasalamat sya at hindi na ako nang bubully ngayon pero sa tapang nyang yun hindi ko sya uurungan. Oo may pagkamaldita ako at bully pero hindi na ngayon. Pero kung gagawin nya yun sa susunod hindi ako magdadalawang isip patulan sya. 'Siraulo ata yung babaeng yun!' Habang naglalakad ako papunta sa classroom nakita ko si Alice na papalapit sa akin. Napansin nya ata na namumugto yung mata ko. "Hey, what happened?" Bakas sa mga mata nya ang pagaalala ng tanungin nya yun. And then I told her what happened between me and that nerd at kung paano kami nagsigawan ni Mike sa loob ng gym. ————— "Oh My God! nasaan ang babaeng yun, nanggigigil ako sa kanya!" natawa na lang ako sa reaksyon ni Alice na nanggagalaiti habang nakatayo at nagpaling linga kung saan saan na parang may hinahanap na kung sino. Andito kami ngayon sa canteen at kumakain ng snacks. Yeah right! masyadong maaga natapos yung announcement kanina kaya hindi pa kami pumasok sa room namin. May nagaganap ding orientation para sa mga baguhan dun sa may social hall and Im sure andon yung babaeng nerd. Ewan ko pero biglang nag flash isip ko yung lalaki. Siguro nandun din sya sa orientation dun sa social hall. Ewan ko rin kung bakit di ma alis alis sa ispan ko yung lalaki, ang ganda nung mga mata nyang kulay ash————— No! No! Erase! Erase! "Hoy nakikinig ka ba sa akin kako Scarlett?" Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko yung boses ni Sophie na medyo napalakas. "A-ah ano nga ba yung s-sinasabi mo? hehehe," napapahiyang tanong ko sa kanya, lagot ako nito. Hehehehe hindi ko kasi talaga narinig yung sinasabi nya eh. "Aba eh kanina pa ako tanong ng tanong dito tango ka lang ng tango! Tch!" napanguso naman ako nang sigawan nya na naman ako huhuhuhuhuh. "Sorry Alice huhuhuhu wag kanang magalit. Ano ba yung tinatanong mo? hehehe!" "Tch! tinatanong ko kung kelan magaganap yung grand ball?" tanong nya na bakas ang pagkainis kaya ngumuso ulit ako. "Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya. Eh kasi wala sya sa gym kanina eh. "Ah narinig ko dun sa mga babaeng maaarte habang nasa cr ako eh, alam mo na ang lola mo medyo may pagka chismosa hehehehe," napapahiyang sabi nya naman sa akin. Napangiwi na lang ako sa sinabi nya. Psh! kahit kelan tong babaeng to. "August 2 daw eh. Atsaka magpapalit din daw tayo ngayong year ng uniform! hehehehe medyo na excite ako kasi color sky blue and blue ang magiging kulay ng uniform natin," excited na sabi ko sa kanya, lumawak naman ang pagkakangiti nya sa sinabi ko. Masyado ko na kilala si Sophie kaya alam ko na na e-excite din sya sa sinabi ko hindi dun sa kulay kundi kung ano ang magiging itsura nya sa bagong uniform. Bestfriend ko ata ito eh and Im so proud to be her bestfriend too! Yes Alice Sophie Amberden is my one and only girl bestfriend. Kilala din sya ni Mike dahil naging magkakaibigan kami. Mas nauna ko syang nakilala kesa kay Mike. Medyo may pagkakwela, prangka, palatawa at madaldal. Hahaha kaya nga ang swerte ako at nakilala ko sya. Alice knows me well alam nya kung kelan ako nagsisinungaling at kung kelan ako nagsasabi ng totoo. Kaya nga kanina hindi nya na tinanong kung sinong may kasalanan. Hindi tulad ni Mike hmp! kasi si Alice kilala ko na sya since grade 5 ako while si Mike nakilala ko lang sya noong first year highschool. Tinanong ko nga sya noon kung bakit hindi nya din crush si Mike Hahaha eh sabi masyado daw mabait pa hero daw eh yung klase ng personality ni Mike nagustuhan ko, pero minsan nakakainis na pagiging hero nun eh hayst! Also Alice is a almost perfect girl like me pero almost lang kasi na tuturn off daw yung ibang mga lalaki sa amin kasi ako malditang b***h at sya naman kwelang madaldal, medyo masungit din sya sa mga boys na makukulit. Mayaman din sila at isa din sila sa mga stockholders dito sa AIS Nang matapos kaming magkwentuhan umalis na kami sa canteen at pumunta sa room.Ang swerte ko dahil kaklase ko sya. Pagkarating namin sa room wala pang lecturer namin. Umupo kami sa dalawang magkatabi na bakanteng upuan. Nang makaupo na kami nilibot ko pa yung paningin ko and guess what magkaklase kami ng bitcherang nerd nakatingin sya sa akin ngayon at nakangisi. Psh! kung ako b***h, sya nuknukan ng bitch... patago nga lang. "Hey Alice, look yung sinasabi ko sayong nerd kaklase natin oh," bulong ko kay Alice. Napatingin naman sa akin si Alice at nag We-di-nga-look. Tumango ako sa kanya at itinuro yung b***h nerd. Tinignan ko naman si Alice at bahagya pa syang nagulat habang nakatingin dun sa nerd kaya rinignan ko ulit yung nerd at nakita kong mas lumawak yung pagkakangisi nya sa amin. Pero hindi na ako nagtaka pa nginisian ko din sya na bahagyang nagulat din sa ginawa ko. Psh! hindi lang naman ikaw ang may karapatang ngumisi! Tinignan ko si Alice na bakas ang pag kainis sa nerd na yun at nag What-are-you-looking-at-look pa sya habang nakataas ang kilay nya Hahahaha natatawa ako sa masungit part nya. Inalis namin ang tingin sa nerd na yun ng pumasok ang lecturer namin na halatang may pagkamasungit. Nakataas pa ng kilay nyang tinignan kami isa isa. Napansin ko na bakla pala sya hahahaha kaya pala. "Good morning!" masungit na bati nya sa amin. "Good morning serr," walang kaganagana naming bati sa kanya dahilan upang mas tumaas ang kilay nya. "Ganon ba kayo katatamad at kaarteng mga mayayaman!" 'Anak ng nang lait pa eh! Hanep!' "Hanep din to si serr eh 'no, kung makalait wagas," bulong ni Alice sa akin kaya napatawa naman ako. "Pfft amazing si serr eh hindi ata mawawala sa kanya ang panglalait! psh!" bulong ko sa kanya at natawa kaming pareho sa sinabi namin. Oo b***h ako pero hindi ibig sabihin eh magsusngit ako araw araw. Kwela rin ako minsan lalo na kapag kasamo ko si Alice. Pero kung b***h ka magiging b***h na rin ako sayo gets? Hahaha bala ka dyan. Si sir William Acoste ang pinaka terror sa lahat ng mga lecturers. Lahat ng mga studyante kilala sya sa pagiging terror, mahilig mamahiya si ser lalo na kung nilabag mo ang dalawang golden rule nya kung tawagin. Lahat ng studyante ang tawag sa kanya sir terror. Hahaha wag mo nalang hihilingin na maging teacher sya. Sa kamalas malasan ng eh teacher pa namin sya "Anung tiantawatawa mo dyan Ms. Warehyn and Ms. Amberden! Nakakatawa ba ako ha?!" napapikit ako sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni sir sa amin. Oo serr Hahahaha! Nakakatawa sobra! "No sir. Sorry sir," sabay na sabi namin ni Alice habang nakatayo. "Ok good! Sitdown!" Uupo na sana kami nang biglang tumawa si sir. Nawala na ba sa katinuan tong lokong to hahaha porket maganda ako ha amp! "Mga uto uto din kayo eh no! Sa tingin nyo ba papayagan ko kayong umupo sa kabila ng pagtawa nyo sa oras ko nakakabastos yun alam nyo ba na isa yun sa mga patakaran ko na bawal tumawa habang oras ko ng pagtuturo," bulyaw na naman sa amin ni ser at nagtawanan naman yung mga kaklase ko. "Eh sir hindi ka pa naman nagtuturo eh," sabi ko habang nakatingin ng direstdo sa mga mata nya at nakangisi. I told yah wala akong pinipiling tao kung b***h ka mag papaka b***h din ako sayo. "Aba sumasagot kapa ha! Hindi ko alam kung bakit napabilang ka sa mga reyna dito sa campus! abay kung tutuusin hindi ka na babagay dun! paano ka ba nakarating sa rank na yun?!" tanong sa akin ni ser at nag tawanan ulit yung mga kaklase ko. "Aba sir hindi ko din alam eh ang pagkaka alam ko hindi naman ako tumakbo o naglakad eh" "Huy Scarlett ano ba baka gusto mo masipa dito ng wala sa oras," bulong sa akin ni Alice pero hindi ko na yun pinansin at saka ngumisi kay sir. 'Ha ano serr!? Palag ka?!' "Aba sumasagot ka pa?!" "Tinatanong nyo ako ser eh," kitang kita ko kay ser na nauubusan na sya ng pasensya at parang umuusok yung ilong nya sa galit. "Scarlett baka masipa tayo alam mo namang kabayo yan eh," bulong sa akin uli ni Alice pero hindi ko sya pinansin. "Anung binubulong bulong mo dyan Ms. Amberden!" sigaw ni ser kay Alice na bahagya namang ngumisi sa kanya. Hahaha parang alam ko na gagawin nito ah. Alam nyo kasi kapag ngumisi ang isang Alice merong ka demonyohang binabalak yan! "Easy ser sinasabi ko lang natumigil na si Scarlett para hindi sya masipa! Masakit pa namang masipa ng kabayo ser di ba?!" may pagkahalong sarkastik na sabi ni Alice. "Ha! mag bestfriend nga talaga kayo! sayang kinaganda nyo kung ganyan ang attitude nyo! At dahil don wag kayong uupo hanggat matapos ang klase ko!" Matalin ang titig sa amin ni sir bago tumingin sa kabuuan. "Wag kayong gagaya sa dalawang to kung ayaw nyong ma drop out, yan ang pangalawa kung patakaran. At ang pang una, ay ayaw ko ng LATE SA KLASE KO—————" "Good morning, sorry Im late" nagulat kaming lahat sa pagpasok ng isang lalaki sa classroom namin, guess what sya yung lalaking nakita ko kanina. OMG magiging kaklase ko sya! Hindi pwede! "Aba kakasabi ko lang ng bawal ang late sa klase ko!" umalingaw ngaw na naman sa loob ng room namin ang boses ni serr. Psh! ang hilig nyang sumigaw! Mapaos ka sanang bakla ka! Napatingin ako dun sa lalaki pero hindi man lang sya nasindak ni serr parang wala pakialam kung mapahiya sya sa harap. Nananatiling blangko ang reaksyon nya habang nakatingin kay ser habang si ser naman parang umuusok na yung ilong nya sa sobrang inis! Oh no! now this is a war! "Nag sorry na ako at wala na akong balak ulitin yun," walang emosyong sabi nya habang nakatingin ng diretso kay ser. Maglalakad na sana sya pero agad syang nilapatan ni ser at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya. "San ka pupunta?! mukang ke bago bago mo rito nag yayabang kana tumayo ka dito sa harap at ipakilala mo ang sarili mo, nakakaloka! ganyan naman kayong mga mayayaman MAYAYABANG KAYO!" bulyaw ni ser sa amin lahat na tinignan kami isa isa atsaka binaling dun sa lalaki. 'At nanglait nanaman si serr! Hanep pambansang laitero!' Wala pa ring makikitang reaksyon dun sa lalaki habang naglalakad papunta sa harapan. Tinitigan nya kami isa isa pero nagulat ako ng biglang huminto yung paningin nya at tumingin sa direksyon ko. Nakatayo pa rin kasi kami ni Alice. "Luxian. Emperor. Colton. Nice. To. Meet. You. All," pagkasabing pagkasabi nya ng 'All ' agad na huminto ang tingin nya sa akin pagkatapos ilibot yun sa buong room. Parang sinasabi nya sa akin na tandaan ko yung pangalan nya. Napatitig ako sa mga mata nyang kulay abo. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at tumitig sa sahig. Para akong nakikipag titigan kay kamatayan tuwing magtatama ang mga mata namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD