Scarlett POV
HINDI ko alam pero wala ako sa katinuan ngayon.
Andito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na. Natapos ang klase namin kay ser terror, at tulad nga ng sinabi ko mahilig syang mamahiya at parang ni isa sa amin hindi nakaligtas dun. Hayst!
Hindi pa rin madigest nang utak ko yung mga nangyari. Yung mga titig ni Luxian sa akin. Parang ang daming gustong sabihin ng mga mata nya sa akin. Sa likod ko pa sya umupo.
'Ano bang meron sayo Luxian Emperor Colton?? '
"Hoy Winter!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Alice.
'Grabe talaga tong babaeng to!'
"Ano!" Sigaw ko din sa kanya.
"Ay galit? Tch. Ano bang nangyayari sayo ha?"
"W-wala!"
"Tara na nga order na tayo!"
Pumunta na kami sa counter para mag-order. Habang naglalakad kami nakita ko yung babaeng nerd kasama nya si MIKE! para silang sweet couple na nagbobolahan sa isang gilid. Psh.
"Winter, type ata nung Mike mo si babaeng nerd ah," mahinang bulong nya sa akin habang nakatingin sa dalawa.
"Psh! Shut up, Alice!" inis kong iniiwas sa kanila ang paningin ko at nagtuloy papunta sa counter.
Nang makarating kami sa counter bumili na si Alice ng lunch nya na chicken spaghetti and juice with chocolate cake. Bumili naman ako ng Lasagna, burger and juice with blue berry pie.
Pabalik na sana kami sa table namin ng biglang may pumatid sa akin dahilan para tumilapon yung lasagna and juice papunta kay NERD!!
'What the fudge!'
Yes sa mukha ni nerd. Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa at sobrang dumi nya na. Inis kong tinignan kung sino ang pumatid sa akin. Nakita ko yung pinsan kong tumatawa kasama yung mga alipores nya.
Daisy Caramel Sheron my great cousin. Pinsan ko sya sa mother side. Sya ang pinaka worst kong pinsan, never kami nagkakasundo, NEVER. Masungit na sya sa akin noon pa kasi ako palagi pinupuri ng mga magulang nya at palagi din kaming pinag kocompare. Masungit sya pero para sa akin mas masungit ako. Mas lumala pa yung galit nya sa akin ng mapabilang ako sa Royal Queens at sya naman ay hindi, magkasing edad lang kasi kami.
Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko ng tumayo si Mike at tumingin ng masama sa akin.
'patay na huhuhuhu!'
"Winter!" Sigaw sa akin ni Mike.
'Abay lintek ako na naman! psh!'
"Ako? Hindi ko kasalanan!" pagtatanggol ko sa sarili ko
"Kitang kita ko Winter!"
"Nakita mo? wow! so nakita mo rin ba kung paano ako pinatid ng magaling kong pinsan kaya tumilapon yung pagkain ko sa mukha nya?"
"Ang sabihin mo gusto mo lang gumanti sa akin?" nabaling ang atensyon ko sa nerd ng dahil sa mga sinabi nya.
"What the hell are you talking about! Oo ako ang may gawa nyan pero hindi ko sinasadya, pinatid ako ng maldita kong pinsan!" sigaw ko rin sa kanya.
"Shut up!" singit naman nung pinsan kong si Daisy
"No, you shut up!" sigaw ko kay Daisy at mabilis na dinampot yung juice sa table nila at nanggigigil na binuhos ko yun sa pagmumukha nya. Halata naman ang pagkagulat sa mukha nya pero napalitan din yun ng inis.
'now she look stupid rat!'
"Please Winter, tigilan mo na ito" si Mike na ngayon halata na ang galit sa mga mata nya.
"Wala ako ginagawang masama, kailan ko bang iditalye lahat para maintindihan mo? " nangingilid na talaga yung luha ko habang nakatingin kay Mike.
"At bakit ba palagi mong pinagtatanggol yang babaeng yan! may gusto ka ba sa kanya?" tanong ko sa kanya
"Oo," tipid na sagot nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Parang gumuho naman yung mundo ko dahil sa sinabi nya. Wow kakakilala lang nila may gusto na sya agad.
"OMG narinig nyo yun girls?"
"Oo gusto daw ni Mike si babaeng nerd."
"I cant believe this."
"So kaya pala ginagawa ni Winter yan."
"Oo, kasi diba may gusto sya kay Mike. "
"Ano ba yan."
"Ang sama naman ni Winter!"
"Kawawa si ateng nerd 'no?"
"Oo nga."
Ibat ibang reaksyong ang lumalabas sa mga studyante. Pero mas maraming naiinis sa akin. Psh ako nanaman may kasalanan.
"Hoy mga kupal! teka nga wag nya namang ibintang kay Winter hindi nya naman sinasadya!" sigaw naman ni Alice.
Seryoso kong tinignan yung mga nagbubulungan, kitang kita ko naman yung takot sa kanila.
*Sigh
Mukhang napaniwala na naman sila na ako yung may kasalanan
Tinignan ko si nerd at si Daisy na ngayon ay parehong nakangisi sa akin. Ngnisian ko rin sila atsaka humarap kay Alice.
"Tara na Alice umalis na tayo dito," mahinahong sabi ko atasaka nag paumuna mag lakad pero agad akong pinigilan ni Daisy at ambang sasampalin ako. Napapikit na lang ako at hinintay na dumapo ang palad nya sa mukha ko.
Ilang segundo pa ang lumipas pero wala akong naramdaman na dumapo sa pisngi ko.
"Isa pang saktan mo sya.............hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo" nagtayuan ang mga balahibo ko nung marinig ko yung ang napakalamig nya boses.
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko, tumambad sa harap ko si Luxian. Nakahawak sya sa braso ni Daisy na halatang sya ang pumigil sa pagsampal sa akin. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ni Daisy. Wala namang emosyon na bumabakas sa mga mata ni Luxian
Magsasalita pa sana sya pero hinila na ako ni Luxian palabas ng canteen, naiwan naman si Alice sa loob ng may nagtatakang reaksyon.
Hindi ko alam kung saan nya ko dianadala, pero mas lalong hindi ko alam kung bakit hindi man lang akong nagrereklamo sa kanya. Namalayan ko na lang na nasa isang garden na kami. Binitawan nya ako atsaka umupo sa isang bench samantalang ako ay nananatiling nakatayo.
Doon ko na hinayaang tumulo ang mga luha ko. Ang tagal ko ring pinigilan yun.
"Walang magagawa ang pagiyak mo," malamig na sabi nya batid ko namang nakatingin sya sa akin.
"Im sorry. But it helps me to lessen the pain," hindi pa rin maawat ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Unti unting napalitan ng pag aalala sa mukha nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Tumayo sya at dahan dahang naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Nagulat ako ng bigla nya akong hilain sa braso at yakapin.
Parang nag kakarera sa loob ko sa sobrang lakas at bilis ng t***k ng puso ko.
Ilang minuto pa ang namagitan habang nakayakap sya sa akin at heto ako, gulat at parang hindi na makakilos.
"Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to.........." bulong nya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Pero gusto kitang yakapin......para mawala yang sakit na nararamdaman mo, " dugtong nya at mas laong bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayayari.
'kyaaahhhh! huhuhu Please wake me up!'
——————-—
Alice POV
Andito pa rin ako ngayon sa loob ng canteen. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari.
Oo, na guguluhan ako hindi dahil dun sa away nila Winter at nung nerd pero naguguluhan ako dahil sa biglaang pag eksena ni Luxian at ang mga linyang binitawan nya kanina.
Napatingin ako kay Mike at halatang naguguluhan din sya sa mga nangyayari. Napatingin naman ako dun sa nerd na abalang pagpupunas ng mukha at damit.
'tch! great pretender!'
Napatingin naman ako kay Daisy na halata pa rin ang inis sa mukha nya. Basang basa sya dahil sa pagbuhos ni Winter ng juice sa mukha nya Hahaha.
'Mukha syang basang sisiw! HAHAHAHA grabe laughtrip!'
Napansin nya namang nakatingin ako sa kanya at bahagyang tumatawa.
"Anong tinatawa mo dyan ha! pareho kayo ng kaibigan mo, b***h!" Daisy na nanggagalaiting sinasabi yun.
Hahahaha ngayon mukha na syang insecure na palaka
"Mukha kang engot," kunwaring seryosong sabi ko sa kanya.
"What?" malakas na sigaw nya dahilang para maagaw namin ang atensyon ng lahat.
"Sabi ko yung mukha mo....................."
"Mukhang?"
"Tch! mukhang engot nga kulit naman nito!" sigaw ko at nagtawanan naman silang lahat.
"What the hell!" bulaslas nya at ambang lalapit sa akin pero bigla syang NADULAS.
Yeah, nadulas sya dahilan para mapasalampak sya sa sahig.
"Hahahahahahahaha!" nagtawanan lahat ng tao sa canteen at pinakamalakas ang sa akin.
"Uy tignan nyo si Daisy"
"Hahahaha she look stupid"
"Yeah right hahahaha"
"Uy wag kayong maingay baka marinig tayo ng mga alipores nya"
"Oo nga baka tayo pa mabully nyan"
"Hahahaha pero nakakatawa kasi sya"
"I agree hahahaha"
Tatawa tawa pa ako lumabas ng canteen at dumeritso sa bench. Isinalpak ko yung headset ko at nilabas yung cp ko bago nagpatugtog. Hihiga na sana ako sa pahabang bench ng makita ko si Mike kasama yung babaeng nerd na naglalakad.
Hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala sila ng palihin.
Hindi ako na inform na magiging ninja ako ngayong araw, sana man lang nakapag handa ako hehehehe.
Nakita kong huminto sila sa isang tagong lugar. Hindi ko alam kung saang parte ito ng AIS. Maraming mga puno dito kaya pinili ko na magtago sa likod ng mga ito
"Hindi ba talaga sinasadya ni Winter yung nangyari sayo kanina?" tanong nya kay nerd. Nagulat ako nung biglang humagulgol si ateng nerd kaya naman bakas sa mga mata ni Mike ang pag aalala.
Iba talaga si ateng nerd magaling umarte ang lola nyo!
"H-hindi ko a-alam k-kung b-bakit nya a-ako g-ginaganon huhuhuhuhu," sabi nya pa habang humahagulgol.
"Bakit ano bang ginawa nya sayo?" tanong naman ni Mike.
'Psh dakilang hero!'
"B-binato nya s-sa akin y-yung p-pagkain na b-binili n-nya huhuhuhu."
"Did she do that?"
"Y-yes."
"Im sorry for that."
"No its not your fault."
"But still, Im sorry."
Sandali pa silang natahimik bago nag usap ulit.
"Ano bang position nya dito sa school?" tanong ni ateng nerd na ang tinutukoy ay si Scarlett.
"Isa sya sa mga Royal Queens, pang fifth sya."
"I see....... kaya pala"
"What do you mean."
"Ah nothing, hehehe!"
"Okay."
Bigla naman nagring yung cellphone ni Mike. Napatingin naman sya kay nerd na nakatingin na rin sa kanya.
"Kailangan ko muna itong sagutin. Maiwan na muna kita, bye-bye! see you later!"
Nagpaalam muna si Mike atsaka umalis. Naiwang nakatayo si nerd at ako naman ay nananatiling nakatago sa likod ng puno.
"Kialangan kong siraan ang babaeng yun sa lahat nga studyante dito nang sa ganoon matanggal sya sa Royal Queens," nagulat ako sa biglaang pagsasalita nung nerd. Para syang demonyo.
At may balak pa syang sirain si Scarlett sa lahat ng studyante!
"So ganyan pala ang plano mo huh?" hindi ko na napigilan lumabas at sabihin yun sa kanya. Halata naman na nagulat sya pero agad itong napalitan ng ngisi.
"Maganda naman ang plano ko hindi ba?" sarkastikong pagkakatanong nya pa sa akin.
"Maganda....... maganda kang sapakin," nakangising sagot ko sa kanya na may halong pagkasarkastiko. Halata naman ang pagkainis sa mga mukha nya.
"Oh is that so, well thank you for the compliments."
"Your'e Welcome b***h," ngumisi pa ako sa kanya at nginitian ko pa sya ng nakakaloko, hindi ko na hinintay pang magsalita sya dahil tinalikuran ko na sya.
'Bitcherang Nerd!'