Chapter 24 ~ ALDEN'S POV DI KO maintindihan kung ano 'tong nararamdaman ko kung bakit ganito na lang yung inis at buwisit na nararamdaman ko. Di ko talaga gusto yung ideya na magkasama si Gail at si Charles. Lalo na nung binuhat niya yung asawa ko parang nananadya siya sa ginawa niya. Hanggang ngayon nakasunod pa rin yung tingin ko sa kanilang dalawa. Gustong gusto kong kunin sa kaniya yung asawa ko pero mukhang nag-e-enjoy naman siya sa ginagawa ni Charles sa kaniya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa makarating kami sa retreat house. Hindi ko maialis sa kanilang dalawa yung tingin ko dahil nagngingitngit talaga ng sobra yung loob ko. Dahil ako yung asawa pero ako yung walang magawa para sa kaniya lalo na kapag ganoong nasasaktan siya ng dahil sa kalampahan niya. "Okay

