Chapter 20 ~ GAIL'S POV DALAWANG araw na mula ng mangyari yung welcome party ni Megan. Pero hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit tumawag si Megan sa disoras ng gabi. Buti nalang ako ang nakakita ng cellphone ni Alden na naiwan niya sa lamesa. Wala naman sana akong balak sagutin ang tawag na 'yon na-concious lang talaga ako kasi unknown number ang caller na 'yon. At alam ko bilang asawa niya may karapatan naman ako para bakuran si Alden. Lalo na sa babaeng nagkaroon ng malalim na bahagi sa buhay niya. Lumabas na ako ng kwarto ko para pumasok sa school. Bukas na ang retreat namin sa Aminos Island. Di ko pa rin alam kung sasama ba si Alden o hindi. Pagbaba ko nakita ko siya sa sala. Mukhang walang balak pumasok. "Di ka ba papasok ngayon?" tanong ko naman sa kaniya "Hindi

