Chapter 40 ~ GAIL'S POV NANDITO na kami ngayon sa ospital. Tulog na si Mama, alas nuebe na rin naman kasi. Bawal kasi siyang magpuyat, saan kaya ako makakahanap ng donor? Napabuntong hininga ako habang iniisip 'yun. "Ano'ng problema?" Si Alden, di ko napansin na nandito na pala siya, bumili kasi siya ng pagkain namin. "Si Mama," problemadong sabi ko. "Wag mo na isipin 'yun, makakahanap din tayo ng donor. Tutulong ako," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "Pero sabi ng doctor kailangan na ng donor as soon as possible dahil masyado ng humihina ang resistensya niya baka daw pagtumagal pa di na niya kayanin ang bone marrow transplant." Akala ko kasi magiging okay na. 'Yun pala panibagong problema na naman. "Gail, I know what you feel right now, but please, can we eat first? Baka mamaya ik

