CHAPTER 06 - The Hug

2372 Words
Chapter 06 ~ GAIL'S POV BUONG AKALA ko uuwi na kami pero nagulat ako ng bigla siyang nag-U Turn. "Saan tayo pupunta?" tanong ko naman sa kaniya, out of way na kami. "Just be quiet," maikling sagot niya. Psh! Ang sungit! Nagtatanong lang naman ako ah. Hmp! Buong byahe namin ay tahimik lang ako, masunurin naman ako minsan lalo na kapag ganitong oras. "Nandito na tayo," sabi niya saka hininto ang sasakyan. Anong lugar 'to? Tabing dagat? Wow! Napangiti ako, bumaba kami, fresh air agad ang sumalubong sa akin. "Bakit tayo nandito?" tanong ko. Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta sa ganitong lugar simula nang mamatay si Papa ay hindi na kami nakapag-out of town vacation ni Mama. "Nung na sa America ako pag hindi ako makatulog dahil sa sobrang pag-aalala pumupunta ako sa pinakamalapit na beach, nare-relax kasi ako pag nakakasagap ako ng hangin galing sa dagat saka nakaka-relax pakinggan yung paghampas ng alon sa pangpang," seryosong sabi niya pero sa dagat siya nakatingin. Napatingin ako sa kanya, nag-alala ba talaga siya sa akin? 'Di ko lang akalain na magiging gano'n siya ka-vocal. Ang alam ko naman kasi wala siyang pakialam sa akin. "Sa susunod na wala kang balak umuwi, matuto kang magpaalam para walang nag-aalala sayo. Sa akin ka pinagkatiwala at pinagbilin ng Mama mo kaya ayokong masira 'yon sa oras na may mangyaring masama sayo," sabi pa niya. Si Mama lang pala ang dahilan. Hindi ko alam pero parang nainis ako do'n. Sa kaniya ako pinagbilin ni Mama nang umalis sila papuntang States right after ng kasal, may aayusin lang daw siya sa isa sa mga negosyo namin do'n pero alam ko naman talaga ang totoong dahilan kung bakit sila nagpunta doon. Hay! Asa naman kasi ako, na ako talaga ang dahilan kaya siya nag-aalala! Akala ko pa naman talagang nag-aalala siya sa akin. "Pasensya na ha," sabi ko na lang. "Hayaan mo sa susunod magpapaalam na ko." Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa dagat. "Alden..." Tawag ko sa kaniya, tumingin naman siya sa akin. "Curious lang ako, bakit ka pumayag sa arranged marriage? Alam kong hindi ikaw yung tipo ng tao na basta-basta na lang mapapayag sa isang bagay na walang mabigat na dahilan." Kahit naman hindi kami ganun ka-close nang mga bata kami ay kilala ko pa rin ang ugali niya. "'Di ba nasabi ko na sa'yo na dahil sa Mama mo at dahil sa gusto ng Mama ko?" sagot naman niya. "Imposible namang dahil lang 'yon sa Mama ko at dahil lang gusto ng Mama mo," di naniniwalang sabi ko. "Bakit? Ano pa bang iniisip mong dahilan? Dahil gusto kita?" biglang wika niya kaya natigilan ako. "Bakit sinabi ko bang 'yon ang dahilan ha? Kapal mo naman!" Nakakainis talaga! Hindi naman yun ang iniisip ko pero aminin ko man o hindi umaasa ako na yun ang dahilan niya. Hay! Bakit ba kasi hanggang ngayon umaasa ako? Umpisa pa lang alam kong malabong mangyari 'yon. Bakit ba kasi pinaparamdam niya sa akin ngayon na mahalaga rin ako sa kaniya. "Ako naman ang may tanong." Tapos pumulot siya nang kung ano sa buhanginan at binato 'yon sa dagat, "Sino naman yung ka-holding hands mo kahapon? Boyfriend mo?" Bigla akong napatingin sa kaniya, "Boyfriend? Hindi ko siya boyfriend pero sana nga maging boyfriend ko si Charles pero alam mo imposible nang maging boyfriend ko pa siya dahil may asawa na ko." "Gusto ka rin ba niya?" biglang tanong din niya. "Ewan ko, pero hindi siguro," wika ko naman dahil imposible naman talaga. "Yun naman pala, eh, ibig sabihin lang no'n wag ka ng umasa sa kaniya," sarkastikong sabi niya kaya marahas akong napatingin sa kaniya. "Bakit umaasa ba ako? Masaya na ako tuwing nakikita ko siya." Grabe talaga ugali nitong lalaking 'to! Mukha ba 'kong umaasa? Nakakainis talaga. "Hayaan mo maghihiwalay din naman tayo eh," biglang seryosong tugon niya. "Sa tingin mo ba gano'n kadali maghiwalay dito sa Pilipinas? Hindi 'to katulad sa States na konting pirma lang hiwalay na agad," sabi ko naman sa kaniya, ilang beses ko nang iniisip 'yon. "So ayaw mong maghiwalay tayo ganun? Sabagay okay lang din naman sa akin," tapos ngumiti siya ng nakakaloko. "Ano?! Wala akong sinasabi! 'Di ako tatagal sayo 'no!" singhal ko naman sa kaniya, "At talagang ikaw pa ang hindi tatagal sa 'ting dalawa ha," tumatawang sabi niya, ano bang nakakatawa sa sinabi ko? "What's so funny? Nakakatawa ba yung sinabi ko ha?" tanong ko sa kaniya. Actually kasi ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng gano'n. Mababaw lang yung dahilan pero kakaiba, it was real! Hindi yung tawa na nang-aasar lang. "Wala naman," sabi niya pagkatapos ay inakbayan ako. "Ano ba Alden?! Para kang baliw d'yan!" sabi ko sa kaniya habang pinipilit kong tanggalin yung kamay niya sa balikat ko. "Tara nga maglakad-lakad muna tayo saka wag mo 'kong talakan dyan. Kung hindi tayo pwedeng maging mag-asawa pwede naman siguro tayong maging magkaibigan. Alam ko naman na marami akong kasalanang nagawa sa'yo nang mga bata palang tayo kaya naiintidihan ko kung bakit galit ka sa akin pero sana habang magkasama pa tayo sa iisang bahay ituring mo muna akong kaibigan mo." "Naka-drugs ka ba ha? Ang lakas ng tama mo ngayon ah!" sabi ko sa kaniya dahil na rin siguro sa wala akong masabi sa mga sinabi niya pero sumunod na rin ako ng lakad sa kaniya. Naka-akbay nga siya sa akin di ba? Malamang matatangay talaga niya ako. "Baka gusto mo nang tanggalin yung kamay mo?" Tinanggal naman niya yung kamay niya, tahimik lang kaming naglalakad sa tabing dagat, parang bigla akong nakaramdam ng ginaw. Adik naman kasi 'tong taong 'to eh. Ang lakas ng trip sa buhay! Kung kailan madaling araw at saksakan ng lamig saka ako dinala dito sa tabing dagat. Niyakap ko yung sarili ko para kahit paano mabawasan yung lamig na nararamdaman ko. Para namang napansin nya yun. "Nilalamig ka ba?" nasa tono naman niya ang pag-aalala. "Hindi. O-okay lang ako," sabi ko pero halos hindi na nga 'yon lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang lamig. "Hindi pa ah, tara nga dito," sabi niya sabay hatak sa akin. Nagulat ako kaya napayakap ako sa kaniya. Sinubukan ko naman kumalas sa kaniya pero mas hinigpitan lang niya yung yakap sa akin. Ewan ko ba pero parang napipi ako parang walang gustong lumabas na salita mula sa bibig ko. Hindi ako makapagsalita, t***k lang ng puso ko ang naririnig ko at parang may drum roll yun sa sobrang lakas ng beat. Kahit naman siya tahimik lang na nakatingin sa dagat parang unti-unti ko na ring nagugustuhan ang ayos naming 'yon. It feels so comfortable in his arms. Alden, bakit ba ang bait mo ngayon ha? Ipakita mo sa akin yung dating sama ng ugali mo! Ayoko ng gan'tong feeling! Ayoko ng mahulog ulit sa'yo! Ayoko ng mahalin ka at ayoko ng masaktan ulit! Tiningala ko siya at nagulat ako dahil seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Mas lalo yatang lumakas at bumilis ang drum roll sa puso ko dahil sa mga tingin niya. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang mga tingin niyang 'yon. "Tara na, uwi na tayo. May pasok pa tayo bukas," sabi ko, at kumawala ako sa mga yakap niya at nauna akong bumalik sa sasakyan. Tahimik lang naman siyang sumunod sa akin para namang bigla akong nailang sa kaniya. Eh, kasi naman bakit ba kasi ako pumayag magpayakap sa kaniya. Nababaliw na siguro talaga ako! Hindi rin ako makatingin sa kaniya. 'Di ko tuloy alam kung paano siya kakausapin sa ganoong sitwasyon naming dalawa. Ayaw ko namang mapansin niyang naiilang ako sa kaniya dahil baka isipin nyang affected ako sa pagkakayakap naming dalawa kanina. Isipin pa niyang may gusto ako sa kaniya. Nang sumakay siya ng sasakyan, sumakay na rin ako. Tahimik lang naman siyang nag-drive, ako naman ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Tahimik lang kami pareho, half hour na kaming nag-babyahe nang may makita akong kainan. "Tara kain tayo dun oh," sabi ko sa kaniya at tinuro yung kainang nakita ko. "Eh, ano namang mayroon d'yan ha?" tanong naman niya. "Malamang pagkain, mukha bang hardware 'yan? Tara na! Hinto mo na 'yong sasakyan," pangungulit ko pa rin sa kaniya. Hininto naman niya, bumaba agad ako pero mukhang wala siyang balak bumaba. Kaya pumunta ako sa may driver's seat at binuksan ang pinto at hinatak siya. "Ano ba, Gail?" angal naman niya. "Wag ka na kasi mag-inarte d'yan Mr. De Leon, mukha namang masarap eh," sabi ko naman sa kaniya. 'Di ko pa rin binibitawan yung kamay niya. "Hindi ako nag-iinarte Mrs. De Leon pero sigurado ka bang malinis yan ha?" ganti naman niya sa 'kin. Medyo ang awkward pakinggan ng Mrs. De Leon, lalo na kung sa kaniya galing. "Oo, malinis naman, sigurado yan, wala nga siguro sa States n'yan pero sigurado akong malinis 'yan. Ang arte-arte mo naman eh," angal ko sa kaniya. Alam ko namang wala sa tipo niya ang kumakain sa mga ganiyang kainan eh. "'Di nga ako maarte naniniguro lang akong ma—uhm..." 'Di na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya dahil nasa harap na kami ng tindera. "Manang, pabili nga po ng dalawang lugaw at dalawang tokwa't baboy," sabi ko sa kaniya ng order ko. "Plain lang ba ineng o yung may laman na?" tanong naman nang tindera. "Ah yung may laman na lang po," sagot ko naman. "Oh sige, hanap nalang kayo ng uupuan niyo." Nakangiti namang sabi niya sa amin. Hinatak ko naman si Alden sa isa sa mga bakanteng table do'n. "Sigurado ka bang masarap yan ha?" pangungulit pa rin niya. Ang kulit! Daig pa niya ang bata. "Eh, bakit kaya 'di mo na lang tikman?" sabi ko sa kaniya. Medyo nawala na rin ang pagkailang ko sa kaniya. "Bakit? Nakakain ka na ba n'yan dati ha?" tanong pa niya. "Oo naman 'no, adventurous kasi ako hindi ako katulad mo. Gusto ko kasing malaman yung mga na sa paligid ko. Lalo na 'yung mga bago sa paningin ko," sabi ko naman sa kaniya. Sa totoo lang nung first time kong makakain nito naka-dalawang order yata ako. Ang sarap kasi eh! "Ayos ah! Ngayon ko lang nalaman na yung nag-iisang tagapagmana ng International Banks of the Union ay kung saan-saan lang kumakain," natatawang sabi niya. "Shhh! Wag ka ngang maingay Alden," saway ko sa kaniya. Hangga't maaari talaga ayakong naalala ang tungkol doon. 'Di naman nagtagal dumating na rin yung order namin. Natutuwa naman ako kasi matagal na nang huling beses akong kumain nito. "Manang, pwede po ba makahingi ng suka?" request ko naman. "Suka? Ano namang gagawin mo sa suka?" tanong naman ni Alden. "Iinumin ko, gusto mo i-try?" pang-aasar ko sa kaniya. "Iinumin mo? Seryoso ka ba?" naniniwala namang sabi niya. Napaka-ignorante naman niya. "Malamang, gagawin ko kasing sawsawan, wag ka ngang parang abno d'yan napaghahalataang galing ka ng bundok eh," pang-aasar ko sa kaniya. "Eto na, Ineng oh," sabi ng tindera sabay abot sa akin nung suka. "Aba galing ka ng bundok, hijo? Ang gwapo mo namang taga-bundok." Pati 'tong si Manang naniwala rin sakin. "Ah, opo, galing po ng bundok ng tralala 'yang si Alden, Manang," sabi ko pa. Time for revenge. Nilagyan ko ng suka yung tokwa't baboy na nasa platito sa harap ko. Napansin ko namang nakatingin si Alden sa akin habang hinahalo-halo lang yung lugaw niya. Lumipat ako sa katabing upuan niya at nilagyan din ng suka ang tokwa't baboy niya. Nakatingin pa rin siya sa 'kin. Kinuha ko yung kutsarang hawak niya at kumuha ng isang piraso ng tokwa at sumandok ng lugaw tsaka. "Oh, ngumanga ka," sabi ko sa kaniya. "Ano?" angal naman niya. "Ngumanga ka na, bilis tatapon na oh," sabi ko at nilapit sa bibig niya yung kutsara kaya napilitan na siyang ngumanga. "Oh ano? Masarap naman 'di ba? Sige kumain ka na mag-isa." Ano bang feeling niya susubuan ko pa siya hanggang matapos siya? "Ang sweet niyo naman, bagay na bagay kayo," sabi pa ni Manang na hindi pa pala umaalis sa harap namin. "Ah, bagong kasal po eh," sabi ni Alden sabay akbay sakin, tiningnan ko naman siya ng masama. Muntik ko ng mailuwa yung subu-subo kong lugaw, "Ano?" Sabi nang ayoko ng may ibang makaalam eh. "Bakit? Totoo naman ah," angal pa niya sabay kindat. Aba?! Gumaganti ang mokong ah. "Nako! Ang bata niyo namang bagong kasal," sabi pa ni Manang. "Eh mahal na mahal po kasi naming masyado ang isa't isa eh," sagot ni Alden at dahil sa sinabi niyang 'yon muntik na akong mabulunan kahit lugaw lang ang nasa bibig ko. Napainom ako ng tubig ng wala sa oras, at dahil do'n nasamid ako. "Oh Misis, okay ka lang?" Kainis to ha! Humanda ka sa akin mamaya. "Gusto mo ng tissue, ineng?" tanong naman ni Manang. "Naku hindi na po, Manang," tanggi ko dahil baka maibuhos ko lang 'yun kay Alden. Tinapos ko na lang ang pagkain ko tapos nagbayad na kami at nagpaalam kay Manang. "Sige po, Manang. Salamat po," sabi ni Alden. "Bye po," paalam ko naman. "Oh sige mag-iingat kayong mga bata kayo," sabi naman niya sa amin. Nang makabalik na kami sa sasakyan niya. "Mahal na mahal pa ha! Upakan kita d'yan eh!" sita ko sa kaniya. "Oh, nagagalit na naman ang Misis ko, isusumbong kita kay Manang," banta niya at akma ngang lalabas ulit ng sasakyan. "Ano? Manahimik ka na nga d'yan, Alden!" sigaw ko naman sa kaniya. "Pag ikaw ang lakas-lakas mong mang-asar pag ikaw ang inasar pikon ka naman," natatawang sabi niya. Nakakapikon naman talaga yung biro niyaya at nakakainsulto. "Ewan ko sayo!" bulyaw ko sa kaniya. "Ang misis kong pikon! Bow!" Nakangiti pa ring sabi niya. "Naiinis na 'ko Alden. Manahimik ka na," banta ko sa kaniya. "Oo na nga, tatahimik na." Tahimik lang kami habang na sa byahe pero napansin kong nakangiti pa rin siya at hindi ko alam kung bakit. Sinandal ko nalang yung ulo ko sa sandalan hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. "Hoy! Misis, nandito na tayo," gising sa akin ni Alden. Tumingin muna ako sa labas, nasa bahay na pala kami. Mabilis naman akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD