Chapter 42 ~ ALDEN'S POV HINDI ko na alam kung anong gagawin ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Gail at isa pa hindi ko din matawagan man lang yung cellphone niya, naka-out of coverage kaya sobrang na-aalala na ako pero hindi ko magawang sabihin sa Mama niya dahil ayokong mag-alala din ito. "Alden, nasaan ba ang anak ko?" Tanong ng Mama niya, kanina pa nga inya hinahanap sa akin si Gail ang sabi ko na lang may kinuha sa bahay. "Nag-text po kanina Ma magpapahinga lang daw muna siya bago bumalik dito," sabi ko na lang. Ayaw ko kasi pati siya ay mag-aalala pa. "Ganoon ba? O, sige." sabi naman niya. "Lalabas lang po muna ako, Mama. Kung may kailangan po kayo o may nararamdaman po kayo, pindutin niyo po yung intercom," paalam ko pagtapos ay tumingin din ako sa Papa ni Gail. "Maiwan

