CHAPTER 01 - Worst Wedding

2710 Words
Chapter 01 ~ GAIL'S POV "SUMAKAY ka na?" Looked who is here, I rolled my eyes unang kita ko pa lang sa kaniya. "Ano? Nababaliw ka na ba? Bakit naman ako sasakay diyan? Close ba tayo?" Inis na inis na singhal ko sa kaniya para kaming laging na sa world war II kapag nagkakaharap. Actually, it has been so many years simula nang huli ko siyang makita. "Don't be so silly, Abigail! Do you think I really wanted to see you and fetch you here?" sarkastikong ring wika niya. "Silly? Ako? Saksakan talaga ng kapal 'yang pagmumukha mo, eh 'no! Kung ayaw mo naman pala akong makita at sunduin, bakit ka pa nandito, Mr. De Leon?" iritableng sagot ko naman sa kaniya. "Just for your mother and my mother sake!" sigaw naman niya sa 'kin. "At ano namang kinalaman nila dito?" di naniniwalang tanong ko sa kaniya. "Just come with me and you'll find out the answers to all of your questions." naiinis nang wika niya sa akin pero hindi ko magpapatalo. "A-YO-KO!" Slow-mo pa 'yon para mas maintidihan n'ya, akala ba niya mauuto niya ako? NO WAY! "Ano bang gusto mo, ha? Ang buhatin pa kita! Sige kung 'yan talaga ang gusto mo, ibibigay ko sa'yo," sabi niya tapos humakbang palapit sa akin kaya kinabahan ako. "ANO!?" Napaatras ako. "STOP ALDEN! Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" sigaw ko dahil mabilis na niya akong nabuhat at ipinasan sa mga balikat niya. "Me too," maikling sagot niya saka ako isinakay ng sasakyan niya. "Ano ba, Alden!? Put me down!" Nagpupumiglas ako habang buhat n'ya ko. Alam niyo yung tipong para lang s'yang nagbubuhat ng bigas. Napaka-ungentleman talaga nitong lalaking 'to. Halos yata ng dugo ko napunta na sa ulo ko. "Manahimik ka naman kahit saglit lang pwede!? Kung hindi ka itatahimik sa compartment kita isasakay!" seryosong sabi niya. "Bwisit talaga! Nakakainis, nakakainis! Nakakainis talaga!" Nanggigigil na bulong ko, wala kasi akong laban sa kanya, eh, takot ko na lang na totohanin n'ya yun, itsura pa nito mukhang 'di gagawa ng matino. Hanggang sa makarating kami sa bahay namin, tahimik lang ako 'di ko pa rin alam kung ano'ng dahilan at sinundo niya ako sa school. Pagpasok namin sa loob, nandoon ang Mama niya kaharap ang Mama ko at ang stepfather ko. Ano bang meron? "Maupo kayo," sabi samin ni Mama nung makita kami. "Ma, ano'ng ibig sabihin nang lahat ng 'to? Bakit nandito sila?" Tanong ko agad sa kaniya. It is not really something, may ibig sabihin kung bakit sila nandito at kung bakit nya ako pinasundo sa halimaw na 'yon. Ni hindi ko nga alam na nakauwi na pala sila dito sa Pilipinas tapos out of the blue bigla na lang s'yang lilitaw sa harap ko tapos sasabihing, 'Sumakay ka na'. "We are now arranging your upcoming wedding, Abbi, kaya nandito sila Tita Sandra mo." Bigla naman akong napatingin sa kan'ya. "ANO'NG WEDDING? KANINO? SA KANIYA BA?" Sunod-sunod kong tanong. Don't get me wrong kung sa inyo kaya mangyari yung ganitong bigla na lang susulpot sa harap mo yung taong pinakaayaw at sinumpa mo pang ayaw mong makita sa tanang buhay mo tapos biglang sasabihin sayo na magpapakasal na kayo, nakakatuwa 'di ba? Hindi sumasagot si Mama kaya 'di ko na napigilang hindi magsalita. "Bakit ako magpapakasal sa taong 'di ko naman mahal at simula pagkabata ko pa lang sinumpa ko na! Ma, you're out of your mind, nagpaplano kayo nang hindi ko nalalaman," sigaw ko sa kaniya. Parang sa lahat ng taong nandoon ay ako lang yung nagulat. Bumaling ako kay Alden. "At ikaw, bakit ka pumayag sa ganitong usapan? Do you really want me to suffer through my whole life? Hindi s'ya sumagot, tumingin ako sa lahat ng taong nando'n bago ako tumakbo palabas. "ABIGAIL!" Tawag sa akin ni Mama, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang mawala ako sa lugar na 'to. Nakakainis! Nakakagalit! Feeling ko kasi pinaglalaruan lang nila yung nararamdaman ko! Ganun na lang ba kadali yun? Ang ipakasal ako sa taong 'di ko naman mahal and take note sa tao pang noon pa man sinumpa ko na! "How could they do this to me?" Naiiyak na sabi ko sa sarili ko. "Abigail?" Si Alden. Bwisit! Sinundan pa talaga ako! Di ako lumangon mas binilisan ko lang yung paglakad ko. "Gail?" Napahinto ako, "Could you please stop calling me that way!? Nakakairita eh!" Sigaw ko sa kaniya. Ayokong tinatawag niya akong Gail. He used to call me that when we're still... Never mind! "Please listen first!" Sabi naman n'ya. "Listen first? Bakit tingin mo mababago n'yo yung gusto ko kung makikinig ako sa sasabihin mo? Buhay ko 'to! Ako lang may karapatang pumili ng taong pakakasalan ko at hindi ikaw 'yon Alden dahil kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo dahil matagal na kitang sinumpa!" Wala na akong pake kahit masaktan pa s'ya sa mga sinabi ko, pero ang tanong masasaktan nga ba siya, kalokohan nalang kung mangyayari 'yun. "Talaga bang iniisip mo na gusto kitang pakasalan dahil sa mahal kita? Ngayon nga lang ulit tayo nagkita at isa pa, hindi ikaw yung babaeng tipo ko kaya kung sakaling makakasal tayo pareho lang nating hindi ginusto 'yun." Nang-iinsulto ding sabi n'ya, in fairness, masakit yun. "Eh yun naman pala eh, bakit ka pa pumayag sa gusto nila kung ayaw mo naman pala?" Aminin ko man o hindi, alam ko nasaktan din ako sa sinabi niya. Well, kailan naman ba n'ya ako hindi sinaktan, once is really enough. "Because of your mother," sabi niya. "What about my mother?" 'Di ko alam pero bigla akong kinabahan sa mga sinabi n'ya. "May sakit ang Mama mo, may stage 4 leukemia cancer s'ya at tinaningan na rin siya ng doctor n'ya ng five to six months," seryosong sabi niya. "C-CANCER? Kung totoo yan bakit hindi nila sinabi sa akin, ha?" Naiiyak na sabi ko. "Because she doesn't want to see you sad kaya ang gusto n'ya makahanap siya ng lalaking ipapakasal sa iyo as soon as possible para raw malaman n'yang na sa mabuting kalagayan ka bago siya mawala and my mother suggested me to your mother." Kahit ano'ng sabihin n'ya ay hindi nagreregister sa utak ko. Ang M-mama ko m-may cancer and 5 to 6 months? B-bakit? P-paano? "Bakit?" Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko, nahalata ko namang parang nagtaka siya. "Bakit napakadali para sa'yo ang pumayag sa gusto nila?" "Hindi ko kayang suwayin yung parents ko, hindi ako katulad mo," sabi naman niya. "Saka,kung hindi naman tayo magiging komportable sa isa't-isa pwede tayong maghiwalay pag wala na ang Mama mo, let's just do it for your mother." Natahimik ako, 'di ko akalaing magagawa niya iyon para lang sa Mama ko pero 'di ko pa rin talaga maintindihan. "Bumalik ka dun kung gusto mong makitang masaya ang Mama mo bago man lang siya mawala sa iyo pero kung kaya ng konsensya mo na talikuran s'ya ay hindi na kita pipigilan dahil kung hindi matutuloy yung kasal pabor na rin sakin yun." Pagkasabi nun ay tumalikod na s'ya para bumalik sa bahay pero bigla ulit siyang lumingon sakin. "Saka pala wag na wag mong sasabihin sa kan'ya 'tong nalaman mo dahil sa totoo lang ayaw n'yang malaman mo pero wala na akong ibang maisip na paraan para mapapayag ka sa gusto nila. Na sayo yung huling desisyon tulad ng sabi mo buhay mo naman 'yan at ikaw lang may karapatan sa buhay mo." Ano nga ba ang dapat kong gawin? Mula bata ako laging ang gusto ko ang nasusunod dahil nga nag-iisang anak lang naman ako pati ang course na kinuha ko malayo sa business na tinayo at pinaghirapan ng tunay kong ama. Gano'n nga ba ako naging makasarili? Na ngayon na mawawala na si Mama hindi ko pa rin ba siya kayang pag-bigyan? Nagsimula akong humakbang pabalik sa bahay, nakapag desisyon na ako, pinunasan ko ang mga luha ko. Babalik ako at gagawin ko kung ano'ng gusto niya. Pagpasok ko sa bahay ay yumakap agad ako kay Mama. "Ma, sorry for being selfish," sabi ko bago ako tumingin sa kaniya. Sa sobrang makasarili ko hindi ko napansin na ang laki na pala ng binagsak ng katawan niya. Ang laki na ng pinayat niya pero hindi ko man lang napansin ang lahat ng yun. Tumingin ako sa lahat ng tao na nandito sa loob ng bahay naming at kasama si Alden doon. "I agree to this wedding but in one condition, let's make it private just for selected family members and close friends at kahit sana sa school walang makaalam nito," pakiusap ko sa kanila. Hindi pa ako handang isuko ang kalayaan ko at kung totoo nga yung sinabi ni Alden na pwede kami maghiwalay pagtapos ng six months, walang magiging problema. Ngumiti si Mama sa akin, "Walang problema sa amin, anak. Basta ang mahalaga pumayag ka nang magpakasal kay Alden." Inayos nga nila ang lahat ng para sa wedding namin, two weeks ang naging preparation. Gaganapin 'yon sa isang private resort sa Laguna, wala akong inimbitang kaibigan at talagang mga relatives lang namin ang pupunta doon. WEDDING DAY NASA isang room ako, inaayusan na ako nang make-up artist. 'Di ko alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman pero isa lang ang alam ko, HINDI AKO MASAYA! Sabi nila yung Wedding Day daw ang most awaited day ng isang babae pero bakit yung sa akin feeling ko malapit na akong ilibing ng buhay. Bakit feeling ko kay kamatayan ako ikakasal? Sana naman kung bangungot lang 'to ay magising na ko. Lord, kung anoman po yung naging kasalanan ko sa inyo patawarin niyo na po ako, magiging mabait na anak na po ako. Please! Wag niyo lang po ako hayaang makasal kay Alden. Ang gusto ko po makasal ako doon sa taong mahal ko hindi doon sa taong kinamumuhian ko. "Oh! 'yan, perfect!" saad pa nung beautician matapos akong ayusan, ngumiti lang ako. "Ang ganda-ganda mo talaga, ang swerte ng groom mo." "Swerte talaga siya 'no pero ako malas!" pabulong na wabi ko, ayaw nila Mama na may makaalam na arranged marriage lang kami, eskandalo daw yun para sa kompanya kaya paniniwalain nila ang lahat ng nagmamahalan kami ni Alden. Nag-aral sa America si Alden pero sa kabila no'n nakuha pa rin niya akong mahalin at hindi niya ako nagawang ipagpalit kahit kanino at higit sa lahat hindi siya nawalan ng oras sa akin kaya ngayong bumalik na siya tatapusin na namin sa panghabangbuhay ang halos limang taong relasyon namin. Ang ganda ng ginawa nilang kuwento 'di ba? As if naman talagang totoo, kalokohan talaga ng buhay at destiny oh. "Sige lalabas muna ako, mamaya ire-retouch na lang kita ha," paalam niya sa akin. Sumandal lang ako sa kinauupuan ko, nalulungkot talaga ako hindi naman kasi 'to ang dream wedding ko. Ang gusto ko, magpapakasal ako doon sa lalaking mahal ko pero bakit nga ba minsan mapaglaro ang tadhana kung sino pa yung pinaka ayaw ko doon pa ako napunta. Paano kami bubuo ng masayang pamilya kung 'di naman kami masaya sa isa't isa? I just take a deep breath, feeling ko kasi pasan ko ang buong mundo. "Ehem!" Napatingin ako sa salamin, kitang-kita doon si Alden na nakasandal sa may pinto. Sa lalim ng iniisip ko di ko namalayan na nakapasok na pala sya. "'Di ko lang talaga maintidihan kung bakit kailangan mo pang magpa-ayos, eh, kahit ano namang gawin nila sa mukha mo wala ng magbabago sa itsura mo," pang-iinsulto niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba sya o ano eh, pero basta alam ko insulto 'yon. "Pumunta ka lang ba dito para buwisitin ako? Pwede ba yung isipin pa nga lang na ikakasal ako sa 'yo sirang-sira na yung buhay ko, bubuwisitin mo pa ako, lumayas ka nga!" bulyaw ko sa kaniya, pinipilit kong kontrolin yung sarili ko. Kahit ngayong araw lang sana magkaroon kami ng peace of mind. Ngumiti pa siya na parang nang-aasar, 'di ko na talaga kayang magtimpi. Naghanap ako ng pwedeng ibato pero wala akong makita. Nakapa ko yung sapatos ko na gagamitin para sa kasalang 'yon at iyon ang binato ko sa kaniya. "ARAY!" sigaw naman niya. Sure bull! Sapol na sapol. "AKALA MO HA! LAYAS!" Tapos binelatan ko siya sinenyasan ko pa siyang lumayas na pero nakangiti pa rin siya bago tuluyang tumalikod. Nung mawala na siya sa paningin ko doon ko naisip na tatagal ba talaga akong makasama siya habang buhay o kahit isang linggo lang sa iisang bubong. Isipin ko pa lang feeling ko masisiraan na ako ng bait. Sorry, Ma! Hindi ko talaga kayang gawin 'to, hindi ko talaga kayang magpakasal sa kaniya. Sinubukan ko naman pero hindi ko talaga kaya.  'Yan yung letter na iiwan ko kay Mama saka ako tumayo sa inuupuan ko at hinanap yung sapatos na susuotin ko sana. Wala na kong pakialam kahit maging runaway bride pa ang peg ko basta isa lang ang alam ko hindi ko kayang pakasalan siya. Hindi talaga! "Buwisit! Saan ba kasi napunta yun?" Di ko mahanap yung sapatos na binato ko kay Alden. Nakakainis naman, wala naman kasi dito yung mga gamit ko kaya yun lang yung tanging pag-asa ko para makatakas. "Ano'ng hinahanap mo?" Napatingin naman ako sa may pinto nandoon na si Papa. "Huh? Wala po," nagmamaang-maangan kong sagot. Humakbang naman siya palapit sa 'kin. "Tara na," aya niya sa akin pero nag-aalangan pa rin akong kunin yung braso niya dahil hindi pa talaga ako ready. Napatingin siya doon sa dresser kaya napatingin din ako, bago ko pa makuha yung note doon ay naunahan na niya ako. "Gail, alam kong hindi ako ang dapat na maghatid sa iyo sa altar pero masaya ako dahil ako ang gagawa no'n, pero sana wag mong biguin ang Mama mo kung hindi mo 'to gagawin sigurado akong masasaktan siya ng sobra. Isipin mo na lang na may maganda s'yang dahilan para gawin 'to sa iyo. Alam kong hindi ka masaya sa kasalan na 'to pero wala akong magagawa dahil ito yung desisyon ng Mama mo. Isipin mo na lang na ito lang yung nag-iisang hiling niya sa iyo at yung kasunod nito hindi mo alam pero baka wala na." Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil alam ko ayaw man n'yang sabihin sa akin yung totoong dahilan ramdam ko, ramdam na ramdam ko yun. "Tara na, Pa," aya ko sa kaniya saka ko pinunasan yung mga luha ko then kumapit na ako sa braso niya. Kahit isang sapatos lang ang suot-suot ko dahil nga hindi ko makita yung isang paa, naglakas loob pa rin ako. Pero mahirap pa lang i-balance yung lakad lalo na't high heels yun, ang hirap pantayin nung lakad ko. Buwisit naman! Yung feeling na ililibing ako ng buhay ngayon tapos hirap na hirap pa ko sa paglakad talaga bang napakamakasalanan kong tao at pinaparusahan ako ng ganito. Simpleng buhay lang naman ang pinangarap ko hindi yung impiyernong buhay katulad nito. At dahil hirap na hirap na kong maglakad isang bagay lang yung naisip ko, iniwan ko na lang yung isa kong sapatos kaya nakapaa na lang ako ngayon pero mali yata yung ginawa ko dahil pinagbulungan nila 'yon. Eh, ano gagawin ko hirap na hirap na kaya ako? Bigla namang naglakad si Alden palapit sa 'kin. Ay! hindi pala dahil nilagpasan niya ako, nilingon ko kung saan siya pupunta. "Aatras na agad siya sa kasal?" bulong ko sa sarili ko. But, as again nagkamali na naman ako dahil pinulot nya yung sapatos na iniwan ko saka lumapit ulit sa 'kin at lumuhod sa harap ko. Sinuot niya sa akin yung sapatos pero 'di lang isa yun kundi dalawa. Kung ganoon itinago pala niya yung isang sapatos na binato ko kanina, talaga naman. Nang yumukod siya sa harap ko na parang isang prinsipe nagpalakpakan ang lahat ng tao na nandoon at halatang mga kinikilig. Pero ako nabubwisit, masyado kasing agaw eksena ayoko na ngang i-highlight sa talambuhay ko 'tong kasal na 'to eh. Oo mala-Cinderella ang drama namin ngayon 'yon nga lang all I need is to marry the beast. I need to marry someone who I hated the most. Ang saklap ng buhay ko pero alam ko umpisa pa lang ng impyernong buhay ko. Dahil ngayon isa lang ang nararamdaman ko, I am now married to death!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD