“Before we deal with Carlos… before Matteo,” sabi niya, mabagal ang bawat salita. Palipat–palipat ang tingin niya sa mga kasama bago muling nagsalita. “May kailangan muna akong gawin.” Napakunot ang noo ni River. “Ano?” Tumingin si Uno sa kanila isa-isa. “My family.” Natahimik ang grupo at nagkatinginan sandali bago ibinalik ang paningin nila kay Uno na ngayon ay sobrang seryoso ang kanyang mukha. “I’m getting my wife and my kids,” dagdag niya. Mas tumigas ang tono ng boses niya. “Pero hindi ngayon.” Bahagyang kumunot ang noo ni Luca na medyo na excite ng konti. “Then when?” Diretsong tumingin si Uno sa kanila. “Sa araw ng kasal.” Tila tumigil ang pag–ihip ng hangin sa paligid. Napailing si Braxton. “You mean… Carlos’ wedding?” Tumango si Uno. “Exactly.” Nagngalit ang bagang niya h

