Chapter 93.01 UNO PAGKAPASOK ko sa barracks, sinipa ko agad ang pinto para tuluyang magsara. Hindi ko na hinintay na dahan-dahan itong sumara. Bahala na kung marinig ng iba. Kung may magtanong, wala akong balak magpaliwanag. Ibinaba ko ang bote ng whiskey sa mesa pero hindi marahan. Tumama iyon sa kahoy na may bahagyang kalabog. Mukha talagang mauubos ko ito ngayong gabi. “Putang ina…” napamura ako habang hinihila pababa ang zipper ng jacket ko. Hanggang ngayon, nasa utak ko pa rin ang eksena sa kusina. Ang ilaw mula sa fridge na tumatama sa balat niya. Yung manipis na nightie na halos wala nang tinatakpan. Yung tingin niya na parang alam na alam ang epekto niya sa akin. Sinusubok niya ako. At mas masakit doon, alam niyang papasa ako sa tukso kung gugustuhin niya. Tinanggal ko ang s

