At si Uno. Pumikit ako saglit. Mahal ko siya. Pero hindi sapat ang pagmamahal para manatili sa lugar na araw-araw kang minamaliit. Huminga ako nang malalim at naglakad palayo. Dalawang araw na lang. NASA isang high-end boutique kami ni Doñya Kristina. Amoy pa lang ng loob, alam mong hindi ka basta-basta pwedeng pumasok kung wala kang pangalan o pera. Crystal chandeliers, velvet couch, at mga saleslady na parang model ang tindig. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Dray. “Pick something you like, hija,” nakangiting sabi ni Doñya. “You’ll stand beside me that night. I want you stunning.” Napatingin ako sa isang black gown na naka-display sa gitna. Simple sa unang tingin pero kapag nilapitan mo, doon mo makikita ang details. Tube cut siya, perfectly structured sa dibdib, makinis ang tel

