Chapter 10 BIGLANG bumigat ang pakiramdam ni Enna, parang may humihila pababa sa buong pagkatao niya. Hindi lang hilo. It was fear sinking deep into her bones. Nanghihina ang mga tuhod niya, nanginginig ang mga kamay, at ang dibdib niya parang dinidiinan ng isang mabigat na bato. Humahalo ang init at lamig sa katawan niya, sabay sa mabilis na t***k ng puso na halos pumutok sa tenga niya. Sa gitna ng ingay ng club, may isang boses na malinaw na tumagos sa pandinig niya. “Dalhin n’yo na.” Si Jeric. Kahit nanlalabo ang paningin ni Enna, kahit umiikot ang mundo, nakita niya ang lalaki. Nakita niya ang ngising, walang konsensya, walang kahit anong bakas ng awa. “Hayop ka…traydor,” pilit niyang sinabi, paos ang boses pero puno ng galit. “Paano mo nagawa ito sa akin?” Huminto si Jeric sa

