Chapter 16: May anak ako

1814 Words

Chapter 16 SIENNA PAGDATING namin sa mansiyon, napahinto ako sa may arko ng entrada. Kahit ilang beses na akong nakarating dito, hindi pa rin nawawala ang gulat ko sa laki ng mansiyon. Tahimik pero may presensiya, parang laging may matang nakamasid. Diretso agad sa kanilang kwarto ang mga magulang ni Uno, halatang pagod. Sumunod ang grandparents niya, nagpaalam nang maayos bago tuluyang mawala sa hallway. Dito rin tumuloy sina Paula at Albert. Kasama rin ang mag-asawang Agatha at Luke, si Mikay, at dalawa pang lalaki na anak ni Agatha na hindi sumama sa dinner kanina. Si Paula, may dalawa ring anak; ‘yung isa halos kaedad ni Dray, ‘yung isa mas matanda ng dalawang taon. Inirapan pa ako ni Paula bago umalis sa harap ko. Pagpasok ko sa kwarto, biglang bumigat ang dibdib ko. I miss Dray.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD