Chapter 24 SIENNA NAKAPANGALUMBABA ako sa may bintana ng kubo, baba ko halos nakapatong na sa salamin. Ilang oras na ba ang lumipas? Hindi ko na alam. Ang alam ko lang, hindi pa rin bumabalik si Uno simula kahapon. Tahimik masyado rito, nakakabingi. Tanging mga huni ng ibon at ang tuloy-tuloy na lagaslas ng tubig sa batis ang naririnig ko. Dapat nakakarelax. Pero sa akin, mas lalo lang nakakabaliw. Naubos na halos ang laman ng ref. Paulit-ulit lang, kain, upo, tingin sa bintana, iyak. Parang iyon na lang ang routine ko rito. Hawak ko ang mangkok ng popcorn, ngumunguya kahit wala nang lasa. Hindi ko alam kung gutom ba ako o pinipilit ko lang maglibang. Biglang kumirot ang dibdib ko. Kumain na kaya si Dray? Natulog na ba siya? Umiyak ba siya kagabi nang wala ako sa tabi niya? “Dray… ba

