Chapter 116 SIENNA NASA mga bisig pa rin ako ni Uno. Hindi pa rin niya ako ibinababa mula nang aminin ko ang nararamdaman ko. Parang ayaw niyang kumawala sa sandaling ito, na para bang kung pakakawalan niya ako ay baka magbago ang lahat. Ramdam ko pa rin ang mabilis niyang paghinga. Ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa likod ko habang ang isa ay nakapulupot sa bewang ko. Ang init ng katawan niya ay dumadampi sa akin, at kahit sa maliit na barracks room na ito ay parang kami lang ang tao sa mundo. Dahan-dahan niyang inilapit ang noo niya sa noo ko. Magkadikit ang mga mukha namin ngayon. Mabagal ang paghinga ko habang nakatitig sa mga mata niya. Mas malinaw kong nakikita ang emosyon doon, ang sakit na kanina ay unti-unti nang napalitan ng kung anong matibay na desisyon. “

