Chapter 20–With matured Content🔞 SIENNA HUMINTO ako sa mismong gilid ng batis, at na napasinghap. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nasa harap ko, parang hindi totoong lugar. Parang hinugot sa panaginip. May mababang talon na dumadaloy pababa, hindi malakas, hindi marahas, sakto lang para lumikha ng malinaw na tunog ng lagaslas. Sa baba nito, ang tubig ay bumubuo ng natural na pool, bilog ang hugis, malinaw na parang salamin. Kita ko ang mga batong makukulay sa ilalim, emerald, amber, gray, parang sinadya ng kalikasan ang pagkakaayos. Sa gitna ng batis, may malaking patag na bato, sapat ang laki para mahigaan. Para kang hinihikayat humiga roon at hayaang yakapin ka ng araw at hangin. Ang paligid… sobrang luntian. Green everywhere. Mga puno, mga baging, damo, lahat buhay. K

