Chapter 94 THIRD POV ABALA ang buong sala. Sa gitna ng malawak na espasyo, nakatayo si Enna sa maliit na platform habang paikot-ikot sa kanya ang apat na stylist. Nakalagay sa gilid ang iba’t ibang tela, kahon ng accessories, at mga sketch ng disenyo. Sa harap niya, nakatayo ang mommy niya na parang general na nag-iinspect ng tropa. “Wait, wait, parang may kulang sa shoulder line,” sabi ng ina niya, lumalapit at hinihimas ang tela. “Hindi siya fully structured. I want it sharp but still feminine.” “Yes, Ma’am,” sabay sagot ng stylist habang agad inaayos ang tahi. Hindi nagrereklamo ang mga ito. Sanay na sila. Matikuloso talaga ang mommy niya. Kapag may hindi nagustuhan, ipapaulit. Pero bongga ang bayad at suki na sila ng pamilya, kaya game lang. Ilang fitting na ang dumaan. May masya

