Chapter 22 SIENNA KINABUKASAN, nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Antok pa ako at ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong pinagod ni Uno kagabi. May mga sandaling gusto kong humindi, pero hindi ko magawa. Alam na alam niya kung paano buhayin ang pagnanasa sa katawan ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang umungol na lang. Umikot ako at binaon ang mukha ko sa unan nang biglang may nag-ring na phone. Sa una, hindi ko pinansin. Pero nang magtagal, narealize kong phone ko iyon. Napilitan akong bumangon at sagutin ang tawag. Antok pa ang boses ko nang sumagot ako, pero tuluyan akong nagising nang makilala ko ang tinig ni Dolf. “Naiinip na ako sa kakahintay, Veda! Ano, nakita mo na?” Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Nakakabi

