"Ano ka ba Avery, ginugulat mo ako. Pero salamat you don't know ho____." "Seryoso ako Kuy___ Ivan." mariin na wika ni Avery na inalis na ang Kuya sa unahan ng pangalan nito. Napalingon naman sa paligid si Ivan dahil baka may makarinig sa confession ni Avery hindi niya ito gustong mapahiya. "Hindi ko pipilitin na maniwala ka sa akin pero totoo ang sinabi ko, gusto kita noon pa. Bata pa lang ako gusto na ____." tinakpan naman ni Ivan ang bibig ni Avery ng kamay ng mabilis siyang lumapit rito. "What's going on here?" tanong ni Dale na lumapit sa kanila at nakita ang kapatid na pilit na inaalis ang kamay ni Ivan sa bibig nito. Mabilis naman na umatras si Ivan na ngumiti na alanganin pang napakamot ng ulo, "Who wants to answer my question before I start assuming things?" tanong ni Dale na n

