Napatingin si Avery sa wallet niyang bumagsak sa kandungan niya. Pag bukas niya sa wallet wala na ang mga card na naroon at wala din natirang pera. Nilingon niya si Ayesha na parang balewala lang naupo sa upuan nito at nakipag tsismisan sa mga kabarkada nito. Vacant period nila ngayon dahil wala ang prof nila nagkaroon daw ito ng emergency meeting kaya hindi makakapag turo. Tumayo si Avery at humarap kay Ayesha. "Sumunod ka." utos niya rito saka tumalikod pero hindi ito tuminag nasa may pinto na siya ng muling lumingon. "Ilang taon ka na? Tiyak na papakin ka ng preso pag pinakulong kita." nahinto naman sa pakikipag harutan si Ayesha na napilitan na tumayo. "Text n'yo sila Miles, dadalhin ko tambayan ang mayabang na babaeng yan." bilin pa ni Ayesha sa barkada saka sumunod palabas kay Ave

