Episode 13- Kuya's Love

1555 Words

"Bakit si Kuya Ivan ang susundo sa akin, asan si Kuya Raul?" takang tanong ni Avery habang nag lalakad pa lang sa hallway ng school at kausap ang Kuya Dale niya sa cellphone. "Wag ka ng magtanong basta sumama ka nalang kay Ivan nasa labas na daw siya ng gate." "Hindi ako sasama, bahala ka. Tatawagan ko si Kuya Raul." "Hay naku ang kulit! Nabili ko na yung motor nandito ako sa shop. Kaya sumama ka na kay Ivan at magkita tayo." bigla nailuwa ni Avery ang subo-subo na lollipop at lumawak ang ngiti. "Weh! Patingin nga, baka ini-scam mo ako." "Sarap mo pektusan alam mo ba?" wika pa ni Dale, tumawa naman si Avery na muling isinubo ang lollipop. "Patingin nga muna?" "Ito na... yan na send ko na bilisan mo na, dapat surprise to e. Kulit mo sige na," wika pa ni Dale. "Wala naman e." ani Ave

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD