Katlyn's POV
"EXCUSE me?!" Paglilinaw ko.
Hindi nagbago ang seryosong mukha niya na para bang sinasabi niyang seryoso siya sa date daw ito. For God sake pinsan niya ang mapapangasawa ko tapos date ito? Nahihibang na siya siguro siya. Pero sa mukha ngayon ni Tyron ay hindi siya nagbibiro.
Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nangunot ang noo niya at tumingin sakin.
"I just answer this phone calls excuse me for a while," formal na paalam niya at tumango nalang ako.
Pumunta siya sa kabilang dako ng restaurant at sinagot ang tawag, hindi ko man marinig ang pinag-uusapan niya dahil medyo malayo ito sa kinauupuan ko namin ngunit hindi maikakaila na agaw atensyon siya lalo na sa mga babae, kulang nalang ay yayain nila si Tyron kong makatingin ang lalagkit lalo na ngayon dito sa restaurant. Yong iba naman kong nakatingin sakin ay parang hinuhusgahan na nila ako.
Bumalik agad siya at muli siyang tumingin sakin na seryoso ang mukha, hindi ko mabasa ang nilalaman ng isip niya.
Matunog siyang lumunok at kumimbot kimbot ang kanyang labi, tuloy hindi ko maiwasan titigan ang mga iyon.
"Eyes on my eyes Kat not my lips...do you want me to kiss you that's why you looking at my lips?!" nakakalokong tanong niya at using ngisi ang pinakawalan niya na para mapatili ang ilang babae sa kabilang table.
Mas kinikilig pa ata sila kaysa sakin?
Napailing ako, may pagka mahangin din pala itong si Tyron.
Nabaling ang atensyon namin pareho ng nang dumating si kuya Oster. "Sir Ma'am this your order." Inilagay agad niya ang angad order namin.
Maingat niyang inilapag ang lahat ng in-order namin kanina, mabango at nakakatakam ang lahat ng ito base sa itsura ay masarap na.
"Thank you," tipid kong pasasalamat.
"Your welcome ma'am, enjoy."
Tahimik kaming kumain pawang alon at ilang boses lamang ang aking naririnig. Nabaling ang aking atensyon kay Tyron ng basagin nito ang katahimikan nababalot saming dalawa.
"So your favorite is Carbonara and spaghetti?" He ask while looking at my foods.
"Ahm...kind of, you're like Italian dishes?!" I ask back to him.
He just nodded. "Yes, si Mom ay palaging pinagluluto niya si Daddy at ako nang bata pa ako," May lungkot niyang saad.
Akala ko ako lang ay may dinadalang malaking problema ngunit nagkamali ako dahil parang mas malaki ang problema niya kaysa sakin.
Hindi ko napigilan mag tanong.
"Bakit hindi kanaba pinagluluto ng Mommy mo? Where's your dad anyway?" Tanong ko at kumain ng spaghetti.
"My dad is died long along when I was 10 years old."
Nakunsensiya naman ako, tanga ka Katlyn, bakit mo pa kasi tinanong napaka chismosa ko talaga.
"I-i'm sorry..."
"It's okay, matagal naman na iyon," aniya at nagpatuloy kami sa pag kain.
Natatawa nalang ako ng palihim kapag umaalon ng malakas dahil nadadala nito ang pagkain namin, literal kasing nakalutang talaga itong restaurant sa dagat.
Nang matapos kaming kumain ay dinala ako ni Tyron sa pasyalan na gusto kong puntahan.
Nagkakasiyahan ang mga tao, maraming tao ang nakapalibot sa isang Restaurant at mayron lalaking nagsasalita doon.
"Dahil ika 5th Anniversary celebration ng Luista Restaurant namin ay magpalaro kami at winner at may Free Dinner Date dito mismo sa aking Luista Restaurant ang pinakasikat na restaurant dito sa Desire Paradise."
Nag hiyawan naman ang mga tao sa excited. May mga foreigner din ang mga kasama namin dito.
"Ang first place naman na mananalo ay makakatanggap ng 70,000 pesos, Second place 40,000 pesos and the 3rd place ay makakatanggap ng 10,000 pesos, ang pweding sumali lamang sa ating palaro ay mga Couple, mga mag jowa diyan."
So kapag single hindi pweding sumali?
Ang unfair hindi ba pweding magkaibigan?
Napapitlag ako ng bumulong sa tainga ko si Tyron. "Do you want to join?"
Napatitig ako sa kanya, inaalam ko kong tama ba ang narinig ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni kuya? Couple lang ang pweding sumali. COUPLE lang at single ako." Pinandiinan ko pa ang COUPLE words.
Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at ngumiti ng matamis.
Ano naman kaya ang iniisip nito?
"Me and my girlfriend are joining Mr. George," malakas at nakataas na kamay na saad ni Tyron kaya nabaling sakin ang atensyon ng karamihan na nandito.
Tama ba ang narinig ko? me and my girlfriend are joining?
Feeling ko ay namula ang magkabilang pisngi ko dahil doon. Nag-expect nanaman ako tapos wala lang pala yon sa kanya.
"Yes sir, so lahat ng couple na gustong sumali ay mag palista lang kay Miss Jia."
Hinila ko si Tyron sa gilid ng Luista Restaurant.
"Ano yon? Girlfriend huh?!"
Nililipad ang buhok niya ng hangin na mas lalo natatakpan ng buhok niya ang kanyang makakapal na kilay at bahagyang tumatakip sa kanyang asul na pares ng mga mata. "Why?" Pa inosente niyang tanong. "Oh come on Kat kahit dito lang let me be my girlfriend, please!"
Hinawakan niya muli ang kamay ko ay ngumiti, ang ngiti niya na minsan mo lang makita kapag May dahilan siya para ngumiti. "So silent means yes, you're my girlfriend."
Wala na akong nagawa pa, lahat ng couple ay tinawag sa harap at pinapila kaming lahat.
"Ako nga pala ulit si Mr. Marcos George ang owner nitong Luista Restaurant ngayon bago natin simulan ang ating palaro para sa 20 Couples you need to proud na mag Couple or mag Jowa kayo, you need to kiss your partner in 1 minutes." Malakas na anunsyo niya dahilan upang nagtilian at nagsigawan ang mga taong nakapalibot samin.
What the fudge?! Kiss in 1 minutes?! Well do we expect, Desire Paradise.
Binalingan ko si Tyron at ayon seryoso naman siya ngayon, nakatitig lang siya sa mukha ko. Naiilang na ako ha.
"Let's start in 3 to 2 and 1," malakas na sigaw ni Mr.Greoge at sinabayan pa ng malakas na hiyawan ng mga tao.
Parang huminto ang mundo ko at tanging naririnig ko na lamang ay malakas na t***k ng puso ng kong hindi mapakali, ang malambot na labi ni Tyron ay siya ngayon nakalapat sa labi ko, marahan lamang ang galaw nito na para bang ingat na ingat siya na baka anytime ay masaktan ako.
Ito nanaman ang weird na pakiramdam ko kapag hinahalikan niya ang ang kakaibang sensasyon na lomulukob sa buong pagkatao ko. Kumapit ang sa mga braso niya upang kumuha ng suporta dahil sa nang lalambot ang tuhod ko dulot ng kakaibang sensasyon.
Ang mga hiyawan kanina ay nawala sa sandaling lumapat ang labi niya sakin. I just closed my eyes and response to his kisses, it's a slowly and full of emotion. Sa sandaling ito para bang ayaw ko na matapos pa ang sandaling ito, na para bang gusto kong palaging nandiyan siya and we do this every day in our lives, but I know this we'll be end soon.
Muli rin agad naghiwalay ang mga labi namin at magkadikit ang aming mga noo sa isa't isa, pawang habol ng hininga.
Ipinaliwanag samin ang rules ng laro bati mag papaunahan lang kami sa pag kuha ng trophy na nakalutang sa dagat sa at kung sino ang unang makakakuha ay panalo, bali mayroon tatlong trophy, ang kulay Gold ang 1st winner the Silver is for 2nd place, Bronze with Silver is for 3rd place. Pero bago makuha ang mga trophy ay kailangang 5 Couples nalang ang maiiwan so kailangan namin matalo ang ibang Couples na maaaring kumuha ng trophy.
Hawak ni Tyron ang kamay ko ng mahigpit, ilang beses narin niya itong pinipisil. Binigyan kami ng kanya-kanyang life jacket, at agad na sumakay sa motor boat.
"Hold on tight kat, ayaw kong mahulog sa tubig, dapat sakin lang handa akong saluhin ka..." Habol niyang bulong dahil sa hina ay hindi ko marinig dahil sinabayan din iyon ng hiyawan at tilian.
Sa unang limang minuto ay lima agad ang na out na Couples, kailangan mo talagang kumapit nang mahigpit para hindi ka mahulog, dahil kapag hindi ka kumapit ng mahigpit ay mahuhulog ka at masasaktan, automatic out na kayong pareho.
Ilang beses narin akong muntik mahulog pasalamat nalang ako kay Tyron na mahigpit ang kapit ko sa kanya. Halos wala ng pagitan sa aming dalawa dahil literal na nakayakap na talaga ako sa kanya.
Maraming nag hahabulan ang iba naman ay nagtutulungan para mapabagsak ang ilang Couples, nasa tatlo na ang napabagsak namin dalawa, hindi ko minsan maiwasan ang matawa sa mga biruan at asaran ng ilang Couples. Makalipas ang sampung minuto ay otso Couples naman kaming natitira, marami nang na out sa laro.
Nabaling ang atensyon namin dalawa ng magsalita ang Amerikanong lalaki na may angkas na girlfriend niya. "Hey dude, just back out now me and my girlfriend will win this," maangas na saad niya at ngumiti, napangiwi nalang ako dahil sa ngipin niyang kulay dilaw, hindi siguro uso sa bansa nila ang toothbrush?!
Dahil bahagyang nakatangilid samin ang Couples na iyon ay lumingon sa kanila si Tyron, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa kanila. "Let's see later, prove it asshole," Tyron said ang a devilish smiled on his lips afair.
Tumawa lang ng malakas ang lalaki at dahil malayo pa samin ang mga trophy ay kakailanganin namin itong makuha, alam kong hindi din hahayaan ni Tyron na matalo kami dito.
"Hold on tight kat, we will win this." His voice was cold and serious.
Yumakap nalang ako ng mahigpit sa kanya upang hindi mahulog, lahat kami ay nakapila straight line, bati 8 kaming Couples, we need to win it's now or never.
Kasabay ng pag tunog ng bell ay agad na nag karera ang aming motor boat, bali pangalawa kami sa nauuna. Halos mahulog ang puso ko sa kaba ng biglang may bumangga samin, iyon pala Yong Kano nakangisi siya samin.
"If I'll win, I want your girlfriend to be my price," Malakas saad nito at tumingin sakin ay pinasadahan ang kabuuan ko at ngumiti ng may pagnanasa.
Kinilabutan ako, napahigpit ang pagkakayakap ko kay Tyron, "Tyron." Mahina kong bulong.
Wala siyang sagot bagkos ay bumilis ang pagpapatakbo niya ng motor boat namin.
"I won't let you win, asshole. My girlfriend is not a price, she's mine, only mine, just go to hell where you belong."
"Really, if I win this your girlfriend is mine and I think she's good in Bed? What is she in bed? A wild or a ruth-" naputol ang sasabihin niya ng walang pasabing binangga ni Tyron ang motor boat nila kaya dahilan upang tumilapon silang pareho sa tubig.
"You never know my girlfriend and also me, you're just facing your death." Madiing saad niya at pinaharurot ang motor boat papunta sa Gold trophy, pawang nag-uunahan kaming lahat sa pagkuha ng mga trophy, ang ibang Couples ay naghahabulan at nagtutulakan, ng makakita ng tyempo si Tyron ay mabilis niya itong pinaharurot papunta sa kinalalagyan ng Gold trophy.
Mahigpit ang hawak ko sa sando niya ay ang kanang kamay ko naman ay hinanda ko na upang kuhanin ang trophy ngunit ganon nalang ang aking kaba ng makita kong pasalubong sa aming gawi ang Amerikano, diba dapat out na sila? Pero anong ginagawa nila?
"Shit." I heard Tyron cussed.
Limang metro nalang ang layo namin sa trophy at ganon din sila.
"Tyron," muling kumapit muli ako sa kanya ng mahigpit.
He let out a deep breath, "Stay still Katlyn, just relax okay?"
Tumango na lamang ako.
Apat.
Tatlo.
Dalawa.
Isa, parang naging slow mo ang lahat sakin, nakangisi ang lalaking Amerikano samin o sakin.
Ang kasama niyang babae ay handa narin kunin ang trophy, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bilang ni U turn ni Tyron ang motor boat at binangga niya ulit ang motor boat ng Kano at tumilapon sila at mabilis ko itong dinampot at mabilis na pinaharurot ni Tyron paalis doon.
"f**k you!" Pagmumura samin ng Kano, hindi na lamang namin binigyan ng pansin ito, agad na sinalubong kami ng hiyawan at marami ang bumati samin.
Pinapunta kami sa mini stage kasama ang mga nanalo.
"Nag enjoy ba ang lahat?!" Malakas na tanong ni Mr. George. Mas lumakas ang hiyawan ng mga taong nanunuod samin ang iba ay kinukuhanan pa kami ng picture, samantalang si Tyron ay tahimik lang. "For the winners of 3rd place is Mr. Gerald Luis and Miss Rian Ostrilla." Pumunta naman ang dalawa kay Mr. George at binigyan sila ng money in cash. "For our 2nd winner is Mr. Ian Ecalia and Miss Flora David," pumunta din ang Couples at tulad kanina ay binigyan din sila ng money in cash, "And our the Winner win the Expensive dinner date and makakatanggap ng 70,000 pesos is Mr. Tyron Madrigal and Miss Kathlyn Buendias," magkahawak kamay kaming lumapit kay Mr. George at katulad ng iba ay binigyan kami ng money in cash na nakalagay sa briefcase, bali ang trophy na nakuha namin ay samin na, lahat kami ay nagpapicture muna, nagpasalamat din kami kay Mr. George at binigyan kami ng ticket sa dinner date namin.
Pasado alas dos natapos ang programa, nalipasan na kami kumain kaya napagpasyahan namin na kumain muna, bali si Tyron nalang ang pinapili ko kong saan kami kakain, tahimik lamang kami kumakain sa isang mini Italian restaurant, pawang mga Italian dishes ang nakahain, pansin ko lang ang pananahimik ni Tyron samantalang kanina ay maingay siya.
Napagpasyahan kong basagin ang katahimikan saming dalawa, "Tyron okay ka lang ba? Bakit ang tahimik mo ata ngayon, may problema ba?!"
Walang ka ngitingiti sa labi ni Tyron ngunit maya-maya pa ay ngumiti na siya ng matamis, ang ngiti niyang kay sarap pagmasdan ng paulit ulit, "Nothing so because we our the Winner and win the dinner date, I thought that's our second date I am right?!"
"Ahm..."
Napalunok pa siya at ngumiti, Yong ngiti niyang hinahanap hanap ko na. "Please don't reject our dinner date Katlyn, promise this is your the best dinner date, and you're my last and only girl that I want to spend my whole damn life."
Nakaawang lang ang labi kong nakatitig sa kanyang asul na mga mata, sinasabayan ng bilis ng t***k ng puso, damn this man! He's making my heart beat so fast?! It's getting strange!
Pinapahirapan niya talaga ako, kong pwedi lang, kong pwedi lang ikaw nalang, ikaw nalang ang gusto kong makasama sa pagtanda, kaso hindi siguro tayo para sa isa't-isa Tyron.
Kong maaga kalang dumating ay ikaw ang nais kong makapiling sa umaga at gabi tayong dalawa ang magkasama, at hindi ko maitatanggi na.
I secretly falling for you, Tyron Madrigal.