Chapter 5

2523 Words
ALAS SINGKO NG UMAGA palang ay gising na ako. Nag-inat ako saglit bago nagtungo ng banyo para maligo. Tulog pa rin si Dawn hanggang sa nakapagbihis ako kaya naisipan kong bumaba muna para bumili ng pagkain namin. I can order online, but I choose not to para na rin makapag exercise- by walking. I just left a sticky note at her bedside table para sakaling magising siya na hindi pa ako nakakauwi at hanapin niya ako ay alam na niyang bumaba ako. Dinala ko rin ang cellphone para sakali tumawag siya for emergency ay agad kong masagot. Nakakita ako ng isang carenderia twenty steps from the hotel. Marami ang tao sa loob kaya naisip kong sikat ang kainan na yun. I went inside and notice its clean area so I went near the counter and choose food to order from the menu na itinuro sakin ng kahera. "Magkano 'to, Miss?" Turo ko sa ulam na may sarsa. Hindi ako pamilyar sa pangalan pero sa itsura, Oo. Isa yun sa napapansin kong laging kinakain ni Dawn pag sa labas kami kumakain, and I guess it's her favorite. "Itong escabeche po? Forty five pesos, Sir." Nalula ako sa presyo. Pero nang maalalang nasa Manila nga pala ako ay napailing ako sa sarili. Umorder ako ng isa at nagdagdag pa ng sinigang at pinadamihan yun ng sabaw. Lakad-takbo ako pabalik ng Hotel. Dawn sent me a message asking where am I now. I tried to call her but she didn't answer it. I hastily walk through the open lift before it close. Napatigil ako sa pagpasok nang makita ang nasa loob na naka jacket with hoodie at jogging pants and sneakers. He just nod his head to me as his acknowledgement to my presence. I nod back as a respect, knowing that he's a Professor of BSU. Tumunog ang cellphone ko and it's my girlfriend Dawn calling. "Yes babe?" I said in lieu of greeting her. "Nasa'n kana ba? It's already seven, nakaligo na ako't lahat wala ka pa rin!" Nagtatampong aniya sa kabilang linya. I smile with that. "Paakyat na ako, may dala akong paboritong pagkain mo." She growled. "I don't want food Mike! I want you!" "Uh-uh," iling ko habang natatawa. "You can't, unless you eat the real one first." Naimagine ko na ang namumulang pisngi niya sa sinabi ko kaya di ko mapigilang mas lalong matawa. Not minding the man beside me now. Dawn Chua really the epitome of a prim and proper kind of a woman, but when she's with me, hindi ko na alam kung anong espirito ang sumasapi sa kanya at bigla-bigla nagiging ibang tao. Like how wild she became pagdating sa bed that I'd notice sa kunting panahon ng relasyon namin. "I'm here, love, please open the door." I said after a minute she didn't speak. Minutes later the door open and Dawn rolled her eyes to me when I grin at her. Dumiretso ako ng mini kitchen at inihanda ang pagkaing binili bago siya puntahan sa kwarto na naabotan kong nakanguso habang kunot ang noo. "Get out!" Galit niyang sabi sabay tapon sakin ng isang unan na muntik pang tumama sa mukha ko. At sa halip na magalit sa ginawa niya ay nginitian ko lang siya. Mainit ang ulo ng babae pag may PMS. Umupo ako sa tabi ng kama at inabot ang kamay niya. "Love, come'on, stop being grumpy." Suyo ko. "Why you didn't wake me up? Iniwan mo ako rito na mag-isa. Paano kung may biglang pumasok sa kwarto natin at nakawan tayo!" Napamaang ako sa sinabi niya at di maiwasang biglang kabahan. Oo nga ano? Bakit di ko naisip yun? "Sorry Love, sorry okay? Hindi ko na uulitin yun." I pulled her for a hug to calm her down. "Don't leave me just like that, ayaw kong naiiwang mag-isa." Bulong niya sakin na tinangoan ko. "Yes, Love. I promise. I'm sorry." Nang kumalma na siya ay iginiya ko na siya palabas para kumain ng agahan. Ininit ko pa muli ang pagkain dahil lumamig na yun sa tagal na paghihintay sa amin. Nagtimpla lang din ako ng kape naming dalawa. Kung may bagay man na magkatulad kami ni Dawn, yun yung pagkahilig naming dalawa magkape pag kakain. Her eyes widened when she saw the escabeche and sinigang in front of us. Agad siyang nagsandok ng pagkain without throwing me a single glance. Like I didn't exist. "Hinay hinay lang, Love. Hindi ka mauubusan." I joked na ikinatawa niya lang at muling nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan ko nalang siya at nagsimula naring kumain. She suggested to wash the dishes after we eat since ako daw ang bumili ng pagkain sa labas. "You sure?" She nod when I ask her again for the third time. "Antayin mo nalang ako sa kwarto, and turn on the TV para malibang ka." I sigh. And kiss her on the cheek before I left her there and went inside our room. Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Jane ang tumatawag kaya agad ko yung sinagot. "Hey couz, how's Mama?" "Okay lang naman Kuya, pero walang tigil kakatanong sakin kung may baby na ba raw siyang aasahan pag balik niyo." Ani Jane na ikinatawa ko. Sakto namang pumasok si Dawn sa loob kaya tinapik ko ang bakanteng bahagi sa tabi ko. Mama's calling. I mouthed to her that made her smile. Inagaw niya sakin ang cellphone ko. "Hi Tita!" Masayang aniya at pinindot ang loud speaker bago pinatong ang cellphone sa hita ko at iniyakap ang kamay sa bewang ko. "Ate, natutulog na si Tita, sorry. Si Jane 'to hehe." Napasinghap si Dawn sa narinig. "Oh Jane, sorry I thought it's Tita Claire." "Nah, okay lang ate. Anyway, tumawag ako dahil kay Tita." Napaayos ng upo si Dawn sa narinig. "Bakit? May problema ba?" "No ate, wala naman. Pero parang magkakaron." Jane trailed off before sighing. "Ate Dawn, Tita Claire ask me kung may baby na ba daw?" A deafening silence sorrounded us for a minute bago uli makapagsalita si Dawn. "Ha? Uhh hehe. Jane kasi, may m-may dalaw ako ngayon." Nahihiyang ani Dawn. "Ohh I see. Sorry. Ang awkward tuloy sa part mo hehe." "No! I mean, it's okay Jane. Pero, promise, darating din ang baby na yan. Right Mike?" Baling niya sakin na may ngiti sa labi. I planted a kiss on her lips. "Of course, love." I answered smiling at her. "Eew Kuya," ani Jane na ikinatawa ko. "Anyway, I have to go. Bye guys! Ingat dyan!" Without waiting for our response, Jane immediately end the line. I put down the phone at the coffee table and caress Dawn's long hair. "You haven't tried coloring your hair?" I asked. "No," iling niya. "Baka kasi masira ang buhok ko." I nod. "Sabagay, maganda naman 'to sayo." Mas sumiksik siya sa katawan ko kaya iniyakap ko sa kaniya ang aking kamay. We stayed like that for about an hour before we decided to go down to look for a near mall to stroll and bought essentials na kakailanganin namin for two weeks. We rode a taxi dahil panay reklamo ni Dawn sa init, at inaalala ko rin ang kutis niya nang mamula na yun. Nagpahatid kami sa malapit na mall at hawak kamay na pumasok. Pinagtitinginan kami ng mga tao, maybe because of our looks. Dawn and I wore a pajama suit na may mukha pa ni patrick the starfish. She ordered it online na buti nalang daw at may size na sakto sakin kaya kahit ayaw kong isuot ay napilitan ako for the sake na wag lang siyang magtampo. "This is so funny," I said with full of sarcasm. Dawn just giggled and pinch my nose. "Bagay kaya sa'yo. Mas lalo kang gumwapo." Malawak ang ngiti niyang sabi. I groaned and continue walking with her. This time ignoring the glances of people by wearing my shades and hat. Pagkapasok namin sa loob ng grocery store ay nakasunod lang ako kay Dawn while she's choosing the product na gagamitin namin pareho. Nakasimangot pa niyang ibinalik sa shelves ang isang brand ng soap nang makita ang presyo nun. "Why it's too pricey," angal niya bago pumili uli ng iba. "Urgh this is no fun! Mike ikaw nga pumili." Aniya sabay abot sakin ng dalawang sabon panligo. "Akala ko ba nagbaon ka na ng sabon mo? Bakit kailangan pang bumili nito?" "Mike, in case lang na maubos yun, eh meron na tayong stock." She sighed. I nod and give her the soap na napili ko na. "Sure na to? Final answer?" "Yes babe, pati, kanina pa tayo dito. Marami pa tayong bibilhin." Tumuloy na kami sa sunod na bilhin hanggang sa pinakahuli. Dumaan na rin kami ng fast food chain para kumain ng dinner bago umuwi dahil sa tagal namin ay inabotan na kami ng gabi. Kaya nang makabalik na kami ng hotel ay nanghihinang sumalampak siya ng upo sa kanyang kama. "Love, get up, magbihis ka na muna." I tsk-ed. She pouted her lips and shook her head. "I'm sleepy and tired na love. Please let me rest first." Inaantok niyang sabi. Napabuntong hininga akong pumasok ng banyo para maglinis ng katawan. Paglabas ko ay bitbit ko na ang maliit na bimpo at ipinamunas yun sa katawan niya para makapagbihis rin. Napaigtad siya nang dumampi sa katawan niya ang basang tela pero di na umangal at hinayaan lang akong hubarin ang damit niya para isuot ang tshirt kong pinalabhan niya sakin kanina para masuot ngayon. "Thanks love." She murmured. Pabiro ko lang na hinalikan ang lantad na balat ng hita niya na ikinatawa niya habang nakapikit pa rin. Nagbihis na rin ako ng boxer short bago siya patakan ng halik sa noo at tinungo na ang sariling kama. Inabot ko ang tablet niya at binuksan ang reviewer para mag-aral saglit bago magpahinga. Masyado akong napokus na kakaaral kata di ko na namalayang inabot na ako ng ala una ng madaling araw. I yawned and close the tablet and put it back at the bedside table bago umayos ng higa at natulog na. THE NEXT MORNING I still wake up early kahit pa puyat at papikit pikit ang mata. I stretch my body and yawned bago tumayo at dumiretso ng banyo para maligo. Sinuot ko na ang designated attire namin for today. White polo shirt na may logo ng BSU sa harap at apelido namin sa likod. Tulog pa rin si Dawn hanggang sa matapos akong magbihis and it's six thirty already kaya bago ako lumabas ng kwarto para maghanda ng agahan namin ay ginising ko muna sya to prepare. "Love, wake up. It's almost seven." Napaungol siya bago dahan dahang nagmulat ng mata. "You're early," aniya sa mahinang boses. "Inaantok pa ako." "Babe please, baka malate tayo. Sige na." I urged her more to wake up na sinamahan ko na ng paghila sa kamay niya para makaupo sa kama. Nakasimangot niya akong inirapan bago tumayo. "Sa kusina lang ako. I'll cook us breakfast." Paalam ko sa kaniya bago lumabas ng kwarto. I just cooked ham and sunny side up egg, plus fried rice foe us. Nagtimpla na rin ako ng kape namin na sakto lang nang matapos kong timplahin ay nakalabas na siya ng kwarto wearing the same clothes as mine. Pinaghila ko na siya ng upoan at inalalayang umupo bago tumabi sa kanya. We utter a prayer before we start eating. At dahil inaantok pa nga siya habang kumakain, natapos na kami at nakababa ng hotel ng seven thirty. Miss Magno, our coach, texted me already asking kung nasaan na kami dahil kami nalang ang kulang. I just reply na papasok na kami ng ADMU where in fact ay nasa taxi pa kami. Eksaktong nakarating kami sa hall ay five minutes to start na kaya agad na kaming umakyat sa entablado at umupo sa nakalaang pwesto namin. "The competition will start with the EASY part as the Level 1. You have to answer one to twenty questions by choosing from A to D. Multiple choice. So let's start.... you only given thirty minutes to answer everything. In 3, 2, 1-- go!" Six pairs ang unang naglaban laban including me and Dawn. Tag-da-dalawang pairs from Luzon, Visayas, and Mindanao Area. Nag-usap kami ni Dawn na tigsa sampo kami para mabilis matapos. Though multiple choice yun, nag solve pa rin kami ni Dawn to make sure na tama kami bago isulat sa white board ang sagot namin from 1 to 20. "Last 20 minutes!" Napataas ako ng tingin nang biglang sumigaw ang babaeng nasa harap. Bumalik ang tingin ko sa papel at lihim na napangiti nang makitang tapos na ako. Inabot ko ang white board at sinulat doon ang aking sagot. Si Dawn ay tapos na rin kaya binigay ko na rin sa kaniya ang white board. Sabay pa kaming napabuntong-hininga na ikinatawa namin bago sumandal sa upoan. Inabot ko ang nanlalamig na kamay ni Dawn at pinisil 'yun ng paulit-ulit. "I'm scared, baka game 1 palang out na tayo." Sambit niya sa nanginginig na boses. "Relax," bulong ko sa kaniya. "Sigurado tayo sa sagot natin kaya kumampante ka na diyan." Tumango lang siya sa sinabi ko bago bumuga ng hangin. Ilang minuto pa ay humudyat na ang pagtatapos ng trenta minutos kaya itinaas na naming lahat ang aming mga ballpen. Kinuha ng host ang white board namin at inabot 'yun sa judge. Sa isang malaking LED TV screen lalabas ang resulta kaya kitang-kita ng lahat kung sino ang pasok sa Game 2. "And the result!" Sigaw ng host bago nag flash sa screen ang resulta. Napatalon sa kinauupoan si Dawn bago ako niyakap nang mahigpit. Proceed to Game-2: Luzon- X Visayas- Cebu State University and Cebu School for Engineers Mindanao- Bukidnon State University Ang mga hindi nakapasa ay agad na binigyan ng Certificate of Appreciation at 1k cash each. Kaming mga nakapasa naman ay agad na pinababa ng stage para makapag-pahinga na dahil proceed na ang Batch-2. "Congratulations, Miss Chua and Mister Castroverde." Magiliw na bati sa amin ni Coach pagkababa namin ng entablado. Nakipagkamay pa sa amin ang ibang kasamang teachers ng BSU pati ang bagong professor na si Mister Luie Ambrosio. Agad kaming bumalik ng hotel para makapagpahinga at maibalita kay Dean ang magandang resulta. Umorder lang din kami ng pagkain online at idedeliver na yun mamaya sa suite ni Coach para doon kami lahat sabay-sabay na kakain. Naglinis lang kami kaagad ni Dawn pagkarating sa hotel. Niyakap pa niya ako ng mahigpit dahil sa sobrang saya niya. Natatawang hinalikan ko lang ang magkabilang pisngi niya na ikinanguso niya. "Ba't sa pisngi lang, love?" Aniya habang nakaupo siya sa harap ng salamin. "Mamaya sa labi naman, pampatulog." Sagot ko bago lumapit sa gawi niya at pinatakan ng halik ang kaniyang buhok. "Nasabi ko na ba sa'yo ngayong araw kung gaano kita kamahal, Babe?" Napasandal siya sa balikat ko habang pigil ang ngiti. "You always did, love." "I love you, Dawn." I said lovingly to her. Kinikilig na humarap siya sa akin bago ako hinila palapit. "I love you, Mike, I love you my future husband." And we kissed each other. Like we sealed our love for each other through kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD