Dalawang oras ang biniyahe namin pauwi ng bahay. Dawn was sleeping the whole ride kaya malaya kong nakikita ang maamo niyang mukha kapag napapatigil kami dahil sa traffic. I sigh as I remember her words when I ask her if she still want to continue competing for National.
Nakangiti man niyang sinagot ang tanong kung 'yun pero hindi naitago ng chinita niyang mata ang lungkot nang sagotin ako dun. Naalala ko sa kaniya ng sandaling yun si Mama nang iwanan kami ng tatay ko. Nakangiti habang kaharap ang ibang tao pero nakatago dun ang lungkot na dulot ng pag-iwan sa amin ni Papa.
Nang maiparada ko na ang sasakyan niya sa harap ng aming bahay ay siya namang pagdilat ng mga mata niya sabay kusot nun. Parang bata.
"We're here," sabi ko sabay tanggal ng seatbelt. "Let's go."
Tumango lang siya bago sumunod sa akin. Paika-ika pa rin siya sa paglalakad dahil sa natamong sugat sa pagkakadapa kaya hindi ko na siya hinayaang bitbitin ang bag niya at pinapasok nalang sa loob.
Sinalubong kami nang nakangiting mukha ni Mommy at ng pinsan kong si Jane.
"Mike's wife!" Sigaw ni Mommy sabay turo sa babae. "Jane, sabi ko sa'yo kasama ng gwapo kong anak ang wife niya."
"Hello Tita Claire," bati nito kay Mommy na agad inutusan si Jane na ilapit ang wheelchair niya sa babae para yakapin.
"Ang gandang babae," ani Mommy sabay lapat ng kamay sa tiyan ni Dawn. "May apo na ba dito?"
Kita ko ang gulat sa itsura ni Dawn sa sinabing yun ni Mommy. Kaya agad na akong sumingit sa kanila.
"Ma, I told you that she's not my wife," sabi ko habang tinutulak ko ang wheelchair niya papasok ng bahay.
Tumingin ako sa likod at nakitang nakasunod na si Dawn at Jane. I shook my head bago inihinto si Mama sa may sala, kaharap ng TV. Niluhod ko ang isang tuhod sa harap ni Mommy at nakitang kunot ang noo niya.
"Mom," tawag ko sa kaniya at nagulat nang tumulo ang luha sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng pagkataranta. "Mommy bakit po kayo umiiyak?"
"She's your wife son," hikbi niya. "Marry her son."
I gulp with her words. Unang beses kong nag-imbita ng babae na pumunta sa bahay at hindi ko pa karelasyon. Yung huli kong naging kasintahan ay hindi ko dito nadala sa bahay dahil laging umaayaw hanggang sa maghiwalay na lang kaming dalawa.
"Mommy, hindi ko po girlfriend si Dawn," ani ko habang hinahaplos ang buhok niya.
"Edi ligawan mo," sabi niya na parang nagpapakuha lang ng bigas kay aling Celia.
Umiling lang ako sa kaniya kaya mas lalo siyang umiyak. Nakita kong tumayo si Dawn at kahit hirap ay pilit niyang iniluhod ang tuhod sa harapan ni Mommy.
"Tita bakit po kayo umiiyak?" She softly said. "May masakit po ba sa inyo?"
Lumingon sa akin si Dawn at tila isang mabangis na leon na tumingin sa akin. Napakunot ang noo ko sa tinuran niya na ikinairap lang niya bago muling tumingin kay Mommy na ngayo'y nakatitig na sa babae.
"Marry Mike," ani Mommy sabay haplos sa mukha niya. "Marry my son."
"Mom," I grunted.
"Gusto niyo po ba Tita? Gusto niyo po ba ako para kay Mike?" Ani Dawn at saglit na dinaanan ako ng tingin ng sabihin 'yun.
Masiglang tumango si Mommy sa kaniya na ikinangiti niya sabay halik sa noo.
"Don't worry po Tita, pipilitin ko po si Mike na pakasalan ako."
Hindi ko na alam paano ako nakakilos pagkatapos ng tagpong iyon. Dawn was smiling while talking with my Mom and cousin the whole day. Tumayo ako at tumungo ng kusina para magtimpla ng kape. Gabi na at bigla gusto kong kumalma by drinking beer but I can't because my loving mother is here! Hindi ko gustong makita niya akong umiinom dahil baka magalit lang siya.
Pumasok sa kusina si Dawn habang bitbit ang librong inaaral namin para sa nalalapit na kompetisyon. Hindi niya ako pinapansin kanina pa at tila galit pa sa twing nagtatagpo ang aming mga mata. She walk near me to get some glass of water. Padarag kong hinila siya sa braso palapit sa akin na ikinagulat niya.
"Bakit mo sinabi yun sa Nanay ko?" Mahina pero puno ng galit kong sabi.
Nakita ko ang paglunok niya ng ilang beses at tila takot na pusa sa nakitang galit sa mata ko.
"Mike," pabulong niyang banggit. "Nasasaktan ako."
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya dahil sa galit na nararamdaman ko. How dare she lied to my Mom? Na tila ba sanay na sanay siyang gawin ang bagay na yun.
"What? Paaasahin mo si Mommy dahil sa sinabi mo Dawn!"
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya sa mahinang sigaw ko na 'yun. Napaiwas ako ng tingin sa nakita. I gritted my teeth to stop myself from shouting her again.
"Wag mo akong iyakan Dawn. Ni hindi tayo magka-relasyong dalawa." Muli ko siyang hinarap. "I don't want any relationship with someone like you."
Malalaking hakbang na tinungo ang kwarto ko at isinara yun. Nagpaalam na sa amin kanina ang pinsan ko pagkatulog ni Mommy sa kwarto niya kaya kaming tatlo ang naiwan sa bahay. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pagsigaw sa babae. Her tears... tears that mirrored to my Mom's.
I stormed out of my room to find her, and I was taken aback nang maabutan ko siya na nakaupo sa sahig ng kusina habang umiiyak. Patakbo ko siyang nilapitan at binuhat na ikinahiyaw niya sa gulat.
"Mike," nanginginig ang boses niyang tawag sa'kin. At alam ko dala yun ng takot sa ginawa ko.
Nilapag ko siya sa sofa bago tinabihan.
"Sorry for shouting at you," I whispered. "I-i just... I just don't like what you did this morning Dawn."
Nakakaintinding tumango siya bago nagpahid ng luha. "Naaawa lang kasi ako kay Tita, Mike."
That's it! Because of pity kaya sinabi niya yun sa Mommy ko.
"But it's wrong Dawn," pagdidiin ko.
"Alam ko," she answered back. "Pero Mike, iyon lang ang naisip kong paraan kanina para tumahan siya."
"Aasa si Mommy sa sinabi mo,"
Namuo bigla ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Her silent sobs were only heard.
"Do you like me?" Diretsyahan kong sabi sabay harap muli sa kan'ya.
She looked down before nodding. "You might not believe me but yes... I like you Mike, no, scratch that, I love you." Dire-diretsong aniya na ikinabigla ko.
Dawn Chua loves... me?
"Dawn," nahihirapang sambit ko. Bumuntong hininga siya bago humarap sa'kin.
"Mike, apat na taon, apat na taon na kitang minamahal. A-akala ko nung una gusto lang kita kasi na-gwa-gwapohan ako sa'yo. P-pero Mike," inabot niya ang kamay ko at pinakatitigan sa mata. "Hindi eh, mahal na mahal na talaga kita."
"Mahal mo ba talaga ako?" Pinanliitan ko siya ng mata.
"Yes," she replied immediately with a nod.
"Paano kung hindi kita kayang mahalin?"
"E-edi hindi. A-ahh," iwas tingin niyang sabi. "Ayos lang. Hindi naman dapat pag mahal mo ang isang tao, kailangan mahal mo rin siya diba?"
Dawn, you'll be the death of me....
Napapikit ako bago bumuntong-hininga. "If you'll agree," sabi ko na ikina-angat ng tingin niya. "We're in a relationship now. But in one condition,"
Ito nalang ang nakikita kong paraan Dawn na mapasa'kin ka, di bale nang magmukhang torpe sa harapan mo...
"Ano 'yun?" Sumeryoso ako at inilapit ang mukha sa kaniya.
"Itatago natin sa lahat ang relasyon natin," nakakaintinding tumango siya. "Pati sa matalik na kaibigan mong si Gina."
"Yes, Mike, yes. Papayag ako." Malaki ang ngiting sabi niya. Tumayo na ako dahil baka di ko na mapigilan ang sarili kong halikan ang mapupulang labi niya.
"Umakyat ka na, uuwi ka pa bukas sa condo mo para maghanda." Nauna na akong umakyat at diretsong pumasok ng banyo. Shuta. Ano na naman ba 'to Mike? Kastigo ko sa sarili habang nilalabas ang init na nararamdaman.
That night we really agreed to take it a try. Itatago namin sa lahat ang aming relasyon. Sa madaling salita, kaming dalawa lang muna ang makakaalam ng relasyon naming dalawa.
Kinabukasan ay umuwi na nga siya sa condo niya pagkatapos naming mag-agahan. Malungkot na naman si Mama nang makaalis siya kaya sinabihan ko siyang babalik din dito ang babae sa susunod na araw o linggo.
I gathered all my things that be needed for the competition. Nag-impake na rin ako ng damit kanina na dadalhin kaya medjo nakampante na ako. Napagpasyahan ko ring hindi na mag review at sulitin nalang ang araw na 'to kasama si Mama.
"Mag-ingat ka doon anak ha?" Mahinang sabi ni Mommy habang binababa ko sa sala ang duffel bag at maleta na dadalhin kinabukasan.
"Yes Mom," abot ko sa kamay niya. "Huwag mo pong kalimutang inomin ang gamot niyo okay?"
"Anak hindi na ako bata, ano ka ba." Nakangiting aniya bago sumeryoso ang mukha. "Dapat pagbalik niyo may baby na ha?"
"Mom, pupunta kami doon to compete, hindi po para mag honeymoon." Sagot ko na ikinatawa niya ng malakas.
"Binibiro lang kita, pero hindi ako magagalit anak kung mauuna yun," panunukso niya.
Yes Ma, baka nga mauna pa ang bata... tsk
Naiiling akong napangiti sa tinuran niya. "Payakap nga Mama, baka hindi mo na ako baby pag nagka apo ka na sa akin eh." Pagbibiro ko pa.
"Asus, kahit naman tatlo na ang anak mo, baby pa rin kita ano." Nakangiti lang ako habang kayakap si Mama ng tumunog ang doorbell.
"Sandali, titignan ko lang muna Ma," paalam ko sabay halik sa noo niya bago naglakad palapit sa pinto.
"Yohoo! Mike!" Rinig kong sigaw mula sa labas.
Dawn?
Pagkabukas ko ay ang nakangiting mukha ni Dawn ang nabungaran ko, habang hawak niya sa isang kamay ang maleta niya.
"Bakit ka nandito? Gabi na ah." Sabi ko bago buksan ng malaki ang pinto at inagaw sa kaniya ang maleta. Pumasok siya at tinanggal ang jacket bago pabagsak na umupo sa sofa.
"Namiss ko lang si Tita," aniya na ikinataas ng kilay ko. So si Mommy lang? ".... at pati ikaw," dagdag niya bago tinapik ang kinauupuan niya.
"Upo ka rito, Love," malambing niyang sabi.
"Love?" My brow shot up.
"Yes, Love. Bakit, ayaw mo ba?" Napaiwas ako ng tingin dahil tila kakapusin ako ng hininga nang makitang tumayo siya at kumapit sa'kin at hindi sinasadyang tumama ang dibdib niya sa braso ko.
"Dawn," Ungot ko sabay lunok.
"Hmm?"
"Yung ano mo,"
"Ha?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinahaplos haplos yun. "Ang haba ng daliri mo, Love, ang ganda."
Napalunok ako nang uminit ang pakiramdam ko sa sinabi niya. "Don't," pigil ko sa kamay niya.
"Ha? Pero-" napatigil siya sa pagsasalita nang magtagpo ang aming mga mata. "Mike,"
"Do you feel it, Dawn?" Pabulong kong sabi habang unti-unting nilalapit ang labi sa kaniya.
"Y-yes," she gulped.
"I want to kiss you, Baby,"
"Then kiss me," she urged.
And without further ado, I pulled her nape for an hungry but passionate kiss. Hinalikan niya ako pabalik na ikinaungol ko ng mahina nang malasahan ang sarap ng halik na ginagawad niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi niya bago nag-espadahan ang aming mga dila. Bumaba ang halik ko sa leeg niya na ikinaungol niya. Pareho na kaming lunod sa mainit na tagpong iyon, ngunit bago ko pa tuluyang makalimutan na nandito si Mama ay pinutol ko na ang halikan naming dalawa at baka abotan lang kaming dalawa dito sa sala.
Pareho kaming habol ang hininga nang muli niya akong patakan ng halik sa labi bago ngumiti. "I didn't know you're a good kisser,"
I smirk. "I'll take that as a compliment baby." Tinawanan lang niya ako kaya iginiya ko na siya papasok ng kusina.
PAGKAPASOK namin ng kusina ay agad na nagliwanag ang mukha ni Mommy nang makita ang dalaga.
"Dawn hija!" Masayang sabi nito.
"Tita Claire," mahigpit na nagyakapan ang dalawa na ikinangiti ko.
Nag-angat ng tingin sa'kin si Mommy at nag thumbs up nang magtagpo ang aming mga mata. Ngumiti lang ako sa kaniya bago lumapit kay Dawn na ngayo'y nakangiting bumaling ng tingin sa'kin. Hinalikan ko siya sa sentido bago muling humarap kay Mama na nakatuon lang ang tingin sa aming dalawa at malawak ang ngiti.
"Ma, girlfriend ko na po si Dawn." Nanlalaki ang mga mata ng huli sa sinabi ko.
"Totoo?" Masayang tumango ako na ikinahiyaw niya.
"Sabi ko na eh, hindi bakla ang anak ko!" Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang magtawanan ang dalawa sa sinabi ni Mommy.
"Mom, hindi ako bakla!" Inis kong sabi.
"Hindi nga," pigil ang ngiti niyang sabi bago bumaling ng tingin kay Dawn. "Pagbalik niyo galing Manila, magpakasal na kayo ha?"
Dawn smile at Mom before nodding her head. "Pag-uusapan namin ni Mike yan Tita, huwag po kayong mag-alala."
"Dawn," agap ko sa sinabi niya. Nilingon lang niya ako at nginitian ng tipid.
"Mike, wag kang mag-alala, walang ibang makakaalam. Ako, ikaw, at si Tita lang." Sunod-sunod na sabi niya bago tumayo at nagpaalam kay Mommy na aakyat muna sa itaas. Naiwan akong napatulala dun sa sinabi niya.
"Hijo," malamyos ang boses na tawag sa'kin ni Mama na ikinaputol ko sa aking pag-iisip.
"Mom," ngumiti siya sa'kin bago inabot ang kamay ko at pinisil yun.
"Love her as you love me. Huwag na huwag mong gagawin ang ginawa sa'tin ng ama mo, naiintindihan mo ba ako Mike?" Nagpapa-alalang sabi niya.
"Pero Mommy, wala pa po sa plano namin ang pagpapakasal," iwas tingin kong sabi.
"Pero kailan anak? Kailan mo paplanohing itali ang babaeng katulad niya? You know what, I like Dawn for you anak. Maganda, matalino, mabait, masayahin."
At masarap kahalikan... tila gusto kong idagdag sa sabi ni Mama pero tinikom ko nalang ang labi ko at tila mabait na batang tumango sa kaniya.
"Fine," she groaned with my answer. "Ma naman, bago pa lang kami ni Dawn. Pero sige na, para sa ikakatahimik mo, pag-uusapan namin ang tungkol sa bagay na yun."
Matapos kaming mag-usap ni Mama ay siyang pagdating naman ni Jane na may dala pang pagkain. Nagpresinta itong siya na ang magpapakain sa Mama at magpapatulog. Kaya agad na akong umakyat at dumiretso sa kwartong kinalulugdan ng dalaga. Kumatok ako nang ilang beses at ng walang sumagot ay sinubukan kong pihitin ang pinto pabukas at nagulat ng bumukas yun.
"Dawn?" Malakas kong tawag sa kaniya pagkapasok at nililibot ang tingin.
"Nasa CR ako!" Sigaw niya mula sa loob ng banyo.
Naglakad ako palapit dun at akmang kakatok nang marinig ko siyang kumakanta mula sa loob. Naiiling nalang akong naglakad palapit sa kama niya at napakunot noo nang makitang may nakatuping papel doon na kulay pula. At akmang aabotin ko na yun nang bumukas ang pinto mula sa likod ko.
"Oh Mike, bakit nandito ka?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa'kin. Tinuro ko ang papel na nasa kama niya.
"What's that?" Inabot niya yun at binuksan bago pinakita sa'kin.
"Invitation," aniya bago yun inabot sa'kin. "It's a two day one night accomodation in an Island." Napamura ako nang mabasa ang pangalan ng isla.
Hunger Island ... pamilyar sa'kin ang islang iyon dahil minsan na 'yung nasabi sa amin ni Roy. At sabi pa nito, ito ay isla na kung gusto mong maglabas ng init sa katawan ay pwedeng-pwede ka dun.
"Mike, you okay?" Nag-aalalang sabi niya na tinangoan ko lang bago nag-iwas ng tingin. "Namumula ka Mike, you sure you're okay?" Inabot niya ang braso ko at napapitlag na ikinagulat niya.
"S-sorry, sorry. Uhm nag-aalala lang a-ako Mike." Humugot lang ako ng malalim na hininga bago siya hinarap.
Fine!
"We'll go there," buong tatag kong sabi. "After our wedding day." Nagtatakang tinitigan lang niya ako kaya walang sabi-sabing lumabas na ako ng kwarto niya at patakbong pumasok ng kwarto ko at ini-lock yun. Nakatingalang bumuga ako ng hangin at napasabunot ng buhok.
What the hell is that Mike!
Nakakawala ba sa katinuan ang isang Dawn Chua? Tsk.