Kabanata 1

1523 Words
Miserable Masama ang mukha na tumingin ako kay Dash na nakangiwi sa akin ngayon. I crossed my arms and glared at him. "Who made my baobei angry?" Malambing na sinabi niya bago tumabi sa'kin at inakbayan ako. His other hand swift to held my hand. Marahan niyang hinawakan 'yon at mapungay na tumungo sa akin. "Sinong umayaw sa'yo? Halika at babawian natin!" I looked at him, straight in his eyes. "Ikaw!" Asik ko sa kanya sabay irap. His eyes widened. "Oh? Ako?" Tinuro niya ang sarili. "Kahit kailan hindi ko ginalit ang baobei ko!" "Dashiell!" Napangiwi siya pagkatapos. "Sorry na late ako..." lumambing ang boses niya bago ako niyakap mula sa gilid at pinatong ang ulo sa balikat ko."I won't be late again. May tinapos lang ako sa klase namin. Babawi ako next time sa date natin." Napanguso ako. "Talaga?" Tanong ko na may pagdududa. "Baka naman hinarang ka na naman ni Lyka kaya ka natagalan." Lalong sasama ang loob ko kung gano'n mga ang sasabihin niya. Kung pwede lang talaga na araw-araw magkasama kami para makita ko kung paano siya landiin ng Lyka na 'yon ay gagawin ko. But I know I can't. He chuckled. "Nope… we finished our group project. I told you stop being jealous of Lyka. She's nothing to me," Tugon niya nang marahan bago sinapo ang mukha ko gamit ang isang kamay na nasa balikat ko. "Ikaw ang mahal ko." I pouted even more. "Eh, kasi…" napahinto ako. "Palagi siyang epal! She knows that I am your girlfriend. We've been together since I can remember and she just couldn't accept it!" "Hayaan mo na siya," He said softly and pulled me towards him. "I'm sorry again. I'll make it up to you today." "Bakit kasi ang dami kong kaagaw sa'yo," May halong tampo na bulong ko sa dibdib niya. Humiwalay siya sa'kin at muling sinapo ang mukha ko. "Pero wala akong pakialam sa kanila... I don't want them. Ikaw ang gusto ko, Annalise... ikaw lang…" Napangiti ako. "Libre ka na ngayong araw?" His smile grew. "You can have me all the time. Iyong-iyo na ako habambuhay." Napabalikwas ako ng bangon. Habol ang hininga, nilibot ko ang paningin sa kwarto ko na madilim at napangiti na lang ng malungkot. "It's a dream..." I whispered to myself. "It's just a dream." Old memories… Umupo ako sa kama ko at niyakap ang sarili. I took a deep sighed and lay down on my bed again to continue my sleep. I want to see him again... even in just my dream. Doon ko lang siya nakikita at kahit papaano'y nawawala ang bigat na nararamdaman ko sa buhay. I want to see his smile again. His tender voice saying how much he loves me. Ngunit hindi na nangyari 'yon. Hindi na ako muling nakatulog kaya bumangon na lang ako sa kama ko. It's already four am in the morning. I found myself inside my small studio here in my room. I click the lights on and the first thing that my eyes laid was him. The room is filled with my sketch, drawing and painting of his face. Punong-puno ang kwarto ko na 'yon ng mukha niya na ako mismo ang gumawa. Tinali ko ang buhok ko ng isahan at umupo sa harapan ng isang canvas na hindi ko pa tapos. Mukha pa rin niya ang nasa canvas na 'yon. Pero ngayon, mas matured na siya rito. Nakuha ko ito sa social media account ni Jaime na pinost ng dalaga noong nakaraang linggo. He looked handsome and happy at the same time in the picture so saved it and found myself painting his face again. Binuhos ko ang natitira na oras para mag-umaga para tapusin ang painting na 'yon. Nang matapos ay tiningnan ko ang nagawa ko. I raised my hand and touched his face. "I missed you…" I whisper. "I wish I could still touch you this closer." I chuckled and realized that before, I never tried to draw or paint him. Kahit na gustong-gusto niya... kahit na sketch lang, pero tinatanggihan ko dahil wala akong tiwala sa sarili ko na makakaya kong iguhit ang gwapong mukha niya. Feeling ko kasi masisira ko ang mukha niya kung iguguhit ko. I once painted us. Kaming dalawa. Hindi kita ang mukha namin dahil parehas kaming nakatalikod, but still... I painted it. It was my gift for him when he turned fifteen. Pagkatapos no’n, hindi na naulit. But after we broke up... after I draw a line between us, I ended up drawing and painting his face. In different angles, features and expressions. It became my hobby. Malungkot akong ngumiti bago tinanggal ang canvas at nilagay 'yon sa dingding ng kwarto. Wala nang space masyado ang kwarto ko dahil sa puno na nang mukha niya. Siguro'y gagawan ko na lang ng paraan para magkaroon ulit ng space ang maliit na studio ko. Bumaba ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina. I saw Yaya Lita cooking our breakfast. "Good morning, Yaya!" Masayang bati ko sa kanya. Gumawi ang tingin niya sa'kin at ngumiti rin ng makita ako. "Good morning, Annalise! Mabuti at nagising ka na dahil matatapos na ako rito." "Sila Mommy?" Ginala ko ang buong mata sa paligid. "Umalis na kanina pa." Kumunot ang noo ko at magtatanong pa sana kung saan pupunta sila Mommy at Daddy ng maalala ko na March 15 nga pala ngayon. A small smile crept on my lips. "Today is March fifteen..." wika ko sarili. "Sa susunod pa ang uwi nila." Tumango siya. "Oo, kaya tayo lang ulit dito sa bahay." I just chuckled and help her. Ako na ang kumuha ng pinggan ko at sabay kaming kumain. My day started as usual. May practice kami sa choreography ng kanta namin na ilalabas next month at para na rin sa mall shows namin. "Annalise, could you please pass the tissue for me?" Si Cassy habang nakatuon ang mga mata sa salamin sa harapan niya. Kinuha ko ang tissue at binigay sa kanya. "Here…" She grabbed it from me and continued putting some lipstick on her thin lips. Napanguso ako bago tumayo. I went to the power room and immediately went back to our dressing room after. "Ako na lang kasi ang gawing center para sa comeback na 'to, Tessa!" Rinig ko ang inis sa boses ni Cassy. I stopped for a moment. Imbis na pumasok ay huminto ako sa pinto ng dressing room namin. "Hindi nga pwede, Cassy! Alam mo namang mukha lang ni Annalise ang ambag no'n sa grupo niyo tapos tatanggalin mo pa!" Tugon ni Tessa, ang manager namin. "Cassy, shut up okay? You're already the main dancer here!" Singit naman ni Dahlia. "Bakit ba kasi dinagdag pa siya sa grupo natin!?" Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Cassy sa galit. "We're already doing fine with just the three of us! We don't need her presence!" "As much as I want to kick her out of this group, I can't. You all know, Sir. Vance wants her!" "Baka kasi naman talaga may relasyon sila ni Mr. Vance! Halata naman sa mukha na malandi 'yon!" Napayuko ako sa sinabi ni Nicole. She's busy holding her phone. "Hayaan niyo na," Anang ni Tessa. "I'll make a plan to just kick her out from this group. For now, you girls behave. Hindi pa masyadong stable ang career niyo at kahit na walang talent si Annalise ay gusto siya ng maraming tao." Dahlia tsked and shook her head in annoyance. "She only had her pretty face. For sure, nasa loob din ang kulob no'n. Kunyari mabait, porque Del Fuego pero ang layo naman niya sa mga pinsan niya." "She's the worst Del Fuego!" Malungkot akong ngumiti. I bit my lips and composed myself. Okay lang... sanay na ako na gan'yan ang turing nila sa'kin. Ever since we debuted, they don't liked me. Trio na sila noon at nadagdag lang ako sa grupo. Sa sobrang tagal na panahon na kasama ko sila, nasanay na ako sa masasakit na sinasabi nila sa'kin. Hindi na bago dahil bata pa lang gan'yan ang naririnig ko sa ibang tao. People had been judging me ever since I was growing up and it's fine though. Sanay na ako. My day went on and even though I'm tired because of our mall shows, I've got to see my fans. Nawala rin kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko. Fans ko lang ang nagiging rason ko bakit ako tumatagal sa showbiz. I thought this path would make me happy, but I was wrong. Mas lalong lumala ang nararamdaman kong insecurities sa katawan dahil sa sinasabi ng iba sa'kin. Minsan iniisip ko na siguro kaya ako pumasok sa showbiz para mapansin ako ng mga tao. Para may makapansin man lang ng totoong nararamdaman ko. Kasi buong buhay ko, walang nakakapansin kung okay lang ba ako. All my life, I have lived in a dark scary world. No one noticed my pain and no one could reach their hands to save me from this darkness. You might see me smiling and laughing in front of people, but deep inside I was dying. I'm miserable. Every minute of every day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD