Ken.
Hello! Napakilala na ba ako sa inyo ni Ice Ano?! Wala pa?! Aish. Ok. Magpapakilala nalang ako. Humanda talaga sakin yung yelo na yun.
Ehem! Alexander Ken Billiones ang pangalan ko. Hindi kami related ni Alexandria. Sadyang coincidence lang. Anyways, yun na nga. Bestfriend ako ni Ice since kindergarten. Mas nauna ko pa syang nakilala kesa sa tatlo ko pang bespren.
As you can see, ako lang ang tumatawag kay Ash ng Ice. Dati kasi bulol ako sa S kaya di ko mabigkas ng maayos yung Ash kaya Ice nalng. Pero tama na nga kay Ice! Sakin naman.
Kasama ako sa bandang Playmates ako yung vocalist nun. Minsan nga nakakalaban namin ang Equinox eh na banda ni Ice pero-- Aish! Napunta na naman tayo kay Ice oh. Naku naman eh. Dapat talaga wag na ako masyadong lumapit sa kanya.
"Pakiabot nga ng toothbrush ko." Sabi ng kararating lang sa banyo na si Ice. Kakasabi ko lang na lalayo na ako sa kanya eh. Pero di ko rin naman magagawa yun. Parang may magnet kasi kaming dalawa eh.
Inabot ko sa kanya ang toothbrush nya ng walang imik. Nagtotoothbrush din kasi ako. Nandito kami sa banyo ng condo nya na tinatawag nyang bahay ewan ko ba dyan.
Pagkatapos kong magtoothbrush umihi ako pero dun ako sa may shower tapos sinara ko ang shower curtain. Syempre noh! Alangan namang umihi ako dun sa tabi nya. Tsk tsk.
Pagkatapos ko dun, naghugas ako ng kamay tapos binuhusan ko ng tubig yung ihi ko tapos lumabas na ako. Nakalabas na din pala si Ice.
"Tara na sa school." Sabi ni Alex tapos umalis na kaming anim sa condo ni Ice. Next week sa condo ko naman sila mag-se-sleepover which is nasa tabi lang din ng condo ni Ice so it doesn't really make sense.
Nag-jeep lang kaming anim. Di naman kami ang mga cliche na tao sa w*****d na may-ari ng isang mamahaling sports car tapos kada-isa samin meron nun at kanya kanya kaming drive papunta sa school. Lol. Niloloko mo ba ako?
Oo, mayaman kami pero hindi rin kami katulad ng mga cliche na tao sa w*****d na may-ari ang parents namin ng isang multi-million company tapos mas mahal pa ang nail cutter namin kesa sa buhay mo.
Normal na tao lang din naman kami. Nag-jejeep lang kami kasi ang mahal ng gas pero may pang bili naman kami. Imaginin mo naman oh, ilang libo ang gagastusin mo para sa gas para sa isang buwan compare mo yan sa pamasahe mo sa jeep kada buwan. Am I right or am I right?
"Uy Ken, bayaran mo naman ako ng pamasahe tinatamad akong maghanap ng pera sa bag eh." Sabi ni Ice sa tabi ko. Yan kasi kung saan saan nilalagay ang pera. Meron yan sa I.D nya, tapos sa bulsa meron din tapos nagkalat lang yan sa bag nya. Puro piso naman.
"Alam mo ba na hindi tinatae ng magulang ko ang pera?!" Sagot ko sa kanya. Pero joke ko lang naman yun. Ganyan kasi kami maglambingan eh.
"Parang 6 lang eh! Di naman siguro ikamamatay ng magulang mo yun!" Sagot nya din. Mabuti nalang at maaga pa at kaming anim lang at ang driver ang nandito sa jeep.
"Oh! Bayad mo dun!" Sigaw ko sakanya tapos inabutan ko sya ng 12 pesos syempre kasama na yung akin dun.
"Edi thank you!" Sigaw nya na sinagot ko naman ng welcome na pasigaw din. Matapos yun, sumandal sa balikat ko tapos niyakap yung braso ko. For sure inaantok pa to. Late na kasi kaming dalawa natulog kakapanuod ng Running Man at Family Outing eh. Oo, fan kami ni Yoo Jae Suk.
Panuorin nyo yun. Maganda yun. Kung di kayo makaintindi ng korean, maghanap kayo ng may english subtitle. Kung hindi parin kayo maka-intindi ng english, potanghaeyo pakamatay ka na! De jk XD
Nung makarating kami sa school bumaba na kami mula sa jeep tapos nag-umpisa na kaming maglakad papasok ng school.
"Babe!" Sigaw ng isang bakulaw habang papunta dito sa direksyon namin, particularly kay Lanz.
Hindi ko lang sila pinansin at kinuha ko yung bag ni Ice. Gentleman kaya ako.
"Tsk. Ang laswa." Pabulong na sabi ni Ice tapos inabot sakin yung bag nya. Unfortunately, narinig yun ni bakulaw.
"Excuse me, kung may problema ka sa pag-iibigan namin, say it directly to my face!" Sabi nya tapos akmang ihahampas nya yung bag nyang second hand kay Ice.
Eto naman ang yelong to, di naman patalo, susugurin nya din sana si bakulaw. Kung wala lang sanang gwapo na bestfriend nya na pumigil sa kanya, baka nabigwasan na nya yung bakulaw na yun.
"Tara na nga." Sabi ko tapos hinila sya palayo sa eksenang yun.
"Araw araw nalang talaga. Hay nako. Kelan ba kayo titigil?" Tanong ko sa kanya.
"Titigil lang ako kung--"
"Hihiwalayan ni Lanz yung bakulaw na yun." Tinapos ko ang sasabihin nya. "Eh anong magagawa natin eh mahal nila ang isa't isa eh."
"Si Lanz, oo. Eh yung bakulaw na yun, she's a--"
"Gold digger, I know." Tinapos ko na naman yung sasabihin nya. "Pero anong magagawa natin eh--"
"Mahal ni Lanz yung bakulaw na yun." This time sya naman yung tumapos para sakin. "If only we could make a plan to break them up."
"Oy! Bad yan ah!" Sabi ko tapos pinalo sya sa balikat nya. Pero di naman masakit, medyo lang.
"Aish. Tara na nga." Sabi nya tapos hinawakan ako sa kamay tapos nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom.
"Hoy kayong dalawa! Saan ba kayo nanggaling?!" Sabi ni Alex pagkarating namin ni Ice sa classroom. Grabe ang g**o.
"Dude may assignment ka?"
"Nakapag-aral ka ba para sa quiz mamaya?"
"May quiz?"
"Pasundin mo ako ah."
"Sige ba basta pag may nalaman ka, pasundin mo rin ako."
At eto yung pamatay na tanong.
"Sis maputi ba yung pulbos?"
Langya, may maitim bang pulbos?
Hinila ni Alex si Ice mula sakin. Hinayaan ko lang sila. Lumapit naman ako kay Toffer na may tinitignang babae.
"Sunooooog!!!" Sigaw ko sa tenga ni Toffer pero imbes na syayung magulat yung mga kaklase namin yung nagulat may isa pa ngang nalaglag sa kinauupuan.
"Joke lang." Sabi ko tapos pinakita ang killer smile ko sabay peace sign. Nagsibalikan naman sila sa mga ginagawa nila.
Tinusok ko ang pisngi ni Toffer. Tumingin naman sya sakin gamit popular poker face nya with matching cold eyes nya.
"Oy, crush mo yung babaeng yan noh?" Tanong ko ng nakangiti tapos pinataas-baba pa ang kilay ko. Hindi nya ako pinansin. Wow snobber, peymus.
Tinignan kong mabuti ang tinitignan nyang babae. Ahh! Kilala ko to eh. Kaya naman pala. Sa POV nalang ni Toffer nyo kilalanin kung sino sya.
Hay naku naman. Wala naman akong makausap dito oh. Si Lanz naglalampungan sila ng gf nyang bakulaw. Si Toffer di mo makausap. Si Xavier may kaaway na babae. Si Ice, Alex at yung ex-gf ni Toffer naguusap.
"Miss, miss!" Tawag ko sa babae na dumaan sa harap ko. Pero bago ko pa man malapitan yun, nandito na si Ice sa harap ko tapos pinaalis nya yung babaeng tinawag ko.
"Bakit mo naman ginawa yun?" Tanong ko sa kanya habang nakapamewang sya sa harap ko.
"Ayokong umaaligid ka sa ibang babae. Bakit ba?" Sabi nya tapos hinila ako papunta sa kanila ni Alex tapos hindi na nya binitawan yung kamay ko.
Haay naku. Baka nahulog na tong bestfriend ko sa charms ko. Hahaha.
Asa naman ako noh.