Ash POV
From: 09123456789
San kna? D2 nko clasrum. Blisn mo!
To: 09123456789
K
Ang kulet naman ni Alex oh. Haay naku. Mas matanda pa yan sakin ah pero mas childish pa kesa sakin. Tsk.
Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako sa bahay. Sumakay ako ng jeep at bumaba sa school. Tinignan ko ang relo ko at may 10 mins pa ako bago magbell kaya pumunta na ako sa room.
Mabuti naman at nandito na si maam. Haay naku. Inilibot ko ang paningin ko sa classroom. Nasan na kaya si walking pompoms? Gg yun sabi nya nandito na sya.
Naghanap ako ng upuan at nakakita ako dun sa may gitna sa tabi ng isang babae na mukhang manika at babae na mukhang adik sa eyeliner.
Teka, kilala ko tong si eyeliner girl eh. Tumugtog kami once sa isang skating competition dito sa school at sya yung nanalo kasama sina Michael at Gee ba yun? Oo yata. Naweirdohan pa nga ako sa pangalan nung Gee eh. Bat naman kasi Gee like hindi ka ba mahal ng magulang mo or tamad lang talaga sila magpangalan sayo. Pero sabagay atlis simple lang pangalan nya di tulad sakin daming arte, bago mo makuha yung tamang pag-pronounce masu-stroke ka muna.
Tapos ito namang si barbie, sya yung dj yung tumutogtog tuwing lunch. One time nga may pinlay syang kanta namin eh.
Lumapit ako at umupo dun sa gitna nila.
"May nakaupo dito?" Tanong ko sa kanila at parehas lang silang umiling. Kaya umupo na ako dun. Nasan na ba yun si Alex?
Napatingin ako sa kay barbie at nakita ko na pinapanuod pala nya ang pathcode ng EXO kay Baekhyun pa to eh so ibig sabihin, kahapon pa to. Sabi nila si Lay daw lalabas ngayon eh. Pero ewan ko.
"Exo-L ka din?" Tanong ko sa kanya tapos tumingin sya sakin at tumango. "Ikaw din?" Tanong nya.
"Yea. Kai biased ako. Bacon biased ka no?" Tanong ko.
"Oo. Pano mo nalaman?" Gulat na tanong nya.
"Hindi naman kasi obvious sa cellphone case mo na si Baekhyun, pati sa I.D cord mo, sa bracelet mo, yung kwintas mo na power ni Baek at sa kinakain mong bacon." Sagot ko. "Pahingi ah." Tapos kumuha ako sa kanya ng bacon. Kapal ng mukha no? Ganun talaga pag Ashecka pangalan mo.
"Haha. Ako nga pala si Xtine Skye Sarmiento." Pagpapakilala nya. Kailangan full name?
Syempre papatalo ba ako, labanan ng full name to. Pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na nya ako.
"Kilala na kita. Ashecka Ice Gil diba?" Tumango nalang ako sa kanya, in fairness tama yung pronunciation. "Paano ko nalaman? Well, it's my job to know all influential people in this school." Dagdag nya, share mo lang teh? Inaano ba kita?
"What do you mean your job?" Tanong ko sa kanya.
"Ako kasi yung nagsusulat ng mga articles sa school website." Sagot nya.
Tumango nalang ako dahil pumasok na si maam.
So sya pala ang nagsulat ng article na yun about kay Alex. Lol. Coincidence nga naman. And speaking of the devil, kararating lang ng bruha.
Dali dali syang pumasok at umupo sa tabi ni eyeliner girl. Yun nalang kasi ang bakante eh. Mabuti nalang di sya nakita ni maam.
"It's boring that we'll start our first day with the usual introduction so we'll mix it up a bit. We have 3 rows with 8 chairs each so, let's divide it into groups of 4 in that case we'll have 6 groups." Sabi ni maam. Tinignan ko naman ang grupo ko at sina Alex, Skye at si Eyeliner girl yun. Nasa left side kasi kaming apat sa 2nd row.
"Ang gagawin nyo lang ay--"
*ding ding ding ding*
*Announcement! Shaem Jam Delfin, Ashecka Ice Gil, Xtine Skye Sarmiento and Alexandria James Ledona, please go to the principal's office. We will need your kind help.*
Omg. Ano namang ginawa ko?! Inocente ako no!! Lol. Help nga Ash eh.